CHAPTER 3

132 7 3
                                    

Maaga akong nagising at nakapag-ayos ngayon at hanggang ngayon di pa rin ako mapakali kung paano ko ipapalapit si tall kay Riley.

Saklap na buhay naman to oh!

Anong una kong sasabihin sa kanya? Hi? Hello? Kamusta ka?

Tch. Ano ba yan! -_-

*knock! knock!*

Sino yun?

"Bakit po?"

"Anak your bestfriend is here." Ay! Si mommy pala.

"Okay. Tell him pababa na ako."

"Sure baby girl."

Sinuot ko na yung backpack ko at lumabas ng kwarto.

Pagkababa ko. Aba feel at home ang mokong.

"Oy! Tara na." Tawag ko sa kanya.

Agad siyang napatayo at kinuha ang backpack ko.

Ganyan siya ka-sweet. Kaya nga ako na in love sa kanya eh.

"BYE MA! BYE PA! ALIS NA PO KAMI!" Paalam ko.

"Sige. Ingat kayo ha?" Sabi ni daddy.

"Opo. Bye tita! Bye tito!" Paalam din ni Adrian.

"Sige sige." Nakangiting sambit nila mommy at daddy.

Malapit si Adrian sa parents ko. Kasi malambing at mabait tong si Adrian. Malapit din ako sa parents niya kasi puro lalaki silang magkakapatid, eh pangarap nilang magkaroon ng babae. Since di talaga sila pinalad na magkaroon ng babaeng anak, ako yung ginawa nilang bunso kunwari sa pamilya nila. Para na rin akong anak kung ituring nila. Kaya pala kapatid na rin turing sa akin ni Adrian. →_→

Pumasok na kami sa kotse nila Adrian.

"Uy short! Yung favor ko ha?"

Takteng pabor yan! -_-

"Oo. Ako bahala."

Aish! Paano ko sisimulan? Nakakainis naman. Bahala na.

Nakarating na kami sa school at dala pa rin ni Adrian yung bag ko.

"Ang sweet talaga ng mag-bestfriend oh! Nakakainggit! Sana may bestfriend din ako na guy, na ganyan ka-sweet."

"Oo nga eh. Pero bagay sila noh?"

"I know right. Parehong maganda at gwapo."

Ilan lang yan sa mga bulungan na narinig ko mula sa ibang studyante.

Napangiti na lang ako.

Mukhang di narinig ni Adrian yun ah. Okay na rin yun, kaysa naman ipamukha niya nanaman na KAPATID na ang turing niya sa akin.
Tss.

Pagkadating namin sa classroom, nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na wala pa si Riley.

"YES!" Sigaw ko.

Napatingin naman sa akin si Adrian habang nakakunot-noo.
"Anong yes? Bakit?"

"Ah? Uh...ano. Wala lang. Haha. Trip lang...hehe."

"PATRICIA! KUNIN MO NGA YUNG BAG KO SA CAR! FASTER! MY DRIVER IS WAITING!"

Aba! Ang bastos naman ng Riley na to!

Yan! Yan Adrian! Tingnan mo kung sa anong klase ng babae ka nahulog!

"Ba't mo ko inuutusan?! Wala ka bang paa at kamay?" Inis na sumbat ni Patricia.

Tumaas ang kilay ni Riley at pinameywangan si Patricia.
"I'mthe queen here and you're just an officer! Kapag sinabi ko, gagawin mo! Maliwanag?! Now, get my bag."

Mag-isang UmiibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon