2

104 16 0
                                    

Eliza's POV

Pagdating ko sa school namin, hindi ko parin maiwasang mag-isip sa bata na yun. Sino ba yun? Arghh!

"BEST!"
"AY PALAKA KONG BEST!"

Grabe naman tong babaeng to. Kung may sakit ako sa puso aatakihin na ko neto e.

"Grabe ka naman sakin best. Palaka na pala ko ngayon."

Emotera nga naman oh. Baliw na bestfriend.

"Ano ba Elina, umayos ka nga, nababaliw ka nanaman eh."

"Kelan ba ko hindi nabaliw best? Hahahaha. Uy, wait lang pala, tumatawag ang bago kong jowabells. "

"Ednals. Oo sige. Kita nalang tayo mamaya best. Bye."

At tuluyan na syang tumakbo. Hayy ipagpalit daw ba ko para sa jowa nya!

So pumunta na ko sa classroom namin. Kilala ko dito eh. Malamang. Kasi ako yung top student dito. Maganda ko. Mayaman. Prinsesa ko. Pero, hindi nila alam na kalog ako pag kasama ko bestfriend ko. MWAHAHAHAHA. Anghel ang tingin nila sakin. Ang dami ngang nanliligaw eh.

Pero wala pa kong panahon jan. NBSB ako eh. No First Kiss parin. Conservative akes!

So nagsimula ng magturo ang teacher namin.

After 123456789 yrs natapos na din.

"Get one sheet of paper. Quiz." Hays inaasahan ko na to e. Buti nalang talaga at nakinig ako.

So as usual, perfect nanaman ako. AKO PA! Lalabas na sana ko ng may humila ng buhok ko,

"Aray!"
"Ikaw! Bwiset kang babae ka! Kala mo napakaganda mo. Lahat nalang inangkin mo!"

Aba't bwiset pala to eh. Mukang unggoy naman.

"Oo, maganda ko, inggit ka? Paretoke ka. Pero kahit na magparetoke ka, pangit parin. Inagaw? Ano inagaw ko sayo? Kasikatan? Bakit sikat ka ba? Wag mo kong pinagmamataaasan ng boses. AT BAKIT MO HINILA ANG BUHOK KO HA!? ANG PINAKAAYOKO EH YUNG HINAHAWAKAN ANG BUHOK KO! INSECURE KA LANG KASI MAS MAGANDA KO SAYO!"

Gusto ko sanang sabihin yun kaso, anghel nga ako dito eh. Kaya hindi na lang ako kumibo, pero sumalampak ako sabay iyak. Sakto! Ang daming tao! At ayun pa ang bestfriend ko mwehehe.

"Grabe ka naman Megan *huk* Wala naman akong ginagawa sayo ah *huk* Bat mo kailangang hilahin ang buhok ko?" ako yan habang kunwaring umiiyak. Best Actress kaya ako!
Biglang lumapit sakin si Best.

"Oo nga Megan, wala naman syang inagaw sayo ah. Bakit ba lagi nalang galit ka sakanya?" Kaya mahal na mahal ko bestfriend ko eh! HAHAHA.

"Grabe naman pala sya no? Siguro naiinggit kasi mas maganda sakanya si Eliza."

"Oo nga eh, ang sama sama pa. Saka inagaw daw? Eh sya nga mang-aagaw dito eh."

"Hoy Megan! Wag kang insecure!"

"WHAT?! Ughhh! I HATE YOU ELIZA!"
naiirita na sya. Pikon pikon bleh bleh.

Siya si Megan Fox. Dejk HAHAHA. Siya si Megan Annika Gomez. Ang Dakilang Witch sa Campus.

Opposite LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon