3

71 15 0
                                    

Eliza's POV

Andito ko sa Canteen lunch na eh. At inutusan lang naman ako ng magaling kong bestfriend na bilan sya ng pagkain. Huhuhu.
Naglalakad na ko pabalik ng may nabunggo akong lalaki. Ay wait, sya pala nambunggo!

"Ouch shemay. Sakit." ako yan. Pano ba naman kasi may lalaking bumunggo sakin at worst eh may hawak pa syang frappe! Kaya natapon yun sa damit ko. Pero, may spaghetti din naman ako, kaya quits lang! Sa halip na magsorry, lumakad lang sya papalayo. Yabang laang!

"Uy si Baby Zack natin natapunan ng pagkain oh. Pero ang hot parin. Kyaaaah!" sabi yan ng mga babae

"Pare! Grabe si Eliza oh. Ang ganda ganda talaga" sabi namab ng mga lalaki.

Arghhh! Bwiset. Peste kasing Zack Dilinger Dela Fuente ang naitaguriang Bad Boy Ng Campus.

Pabalik na ko sa table namin ni Elina. Tapos nakita nya ko. Yung reaction nya?
O____________O ganyan as in!
Parang nakakita ng multo!

"Napano ka Best!?" diba Ao lang

"Nadaanan ng masamang hangin." wala na kong gana. Yung uniform ko TT^TT.

"You mean si Zack? Ow em ji. Sya gumawa nyan sayo?! Asaan!? Ipatawag ang pulis!" Ay natuluyan na.

"Oo siya. Pero bat kailangang pulis pa!? Adik."

So, pumunta nalang kaming washroom ni Best, pero pagdaan namin sa tapat ng isang room, nakita ko si Zack. Binubugbog yung isang lalaki. Nakakatakot sya. Sobra. Para syang leon na nangangain ng prey.

"Tama na po." rinig kong sabi nung lalaki. Wait? Classmate ko to ah! Si Louis! Mabait to eh!

"Hindi. Wala akong magawa eh. You're my toy." sabay smirk!? Grabe!

Hindi na ko nakatiis! Nilapitan ko na sya! Wala naman sigurong masama maging palaban right?

"Hoy! Kaklase ko yang binubugbog mo!"

"Eliza! Eliza. Tulong! Marami pa kong pangarap sa buhay!" sabay iyak ni Louis. Grabe lalaki ba to?

"And so? What if he's you're classmate? He's my toyㅡ and you can't do anything about it." sabi nya in a cold tone. Lamig!

"Pakawalan. Mo. Siya." sabi ko

"Take his place then."

"Wha-what!?"

"Take. His. Place." goosebumps!

"Eliza. Eliza. Wag na. Mapapahamak ka lang lalo. Gusto ko lang sabihin sayo, bago ako mamatay. Matagal na kitang gusto. Cute mo kasi eh hihihi." abat umamin talaga? Hahahaha. Ako naman nagblush dito. Eh tinawag akong cute eh bat ba!

"Ah eh. Salamat? Hindi. Ako na jan. Hoy Zack. Fine. I'll take his place. "

Tumingin lang si Zack sakin. Nakakatakot talaga syaaa! >. Help! Kyaah!

"Pero.... Si Eliza."

"Ayos lang Louis, i'm fine. " kahit natatakot na ko ng sobra huhu

"Sige bye! I like you uli! Goodluck kay Zack!" sabay takbo ng mabilis. I like you daw tas iniwan ako!? Tss.

"Let's start." kinakabahan ako!

Opposite LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon