Eliza's POV
"Okay class, we have an outing tomorrow. It's kinda an outing thingy but you will have a swimming instructor, kaya sa mga hindi marunong lumangoy dito, tuturuan naman kayo bago magactivities. It's 20% of your grade in sports. Another thing, may natransfer diro sa section nyo from Section 5, nagimprove kasi yung mga grades nya kaya mapupunta sya sa section nyo and kasama sya bukas. What is his name again? Hmmm. Sak? Zack! Si Mr. Zack ang bago ninyong classmate. Where is he by the way? Okay let's just meet tomorrow. Don't wear uniforms ok? Bye"
SWIMMING!? JUSCO PO LORD PLEASE WAG T_T
HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY ╯︿╰
WAIT ANO ULIT SABI NI SIR KANINA?
ZACK!? MALAS NGA NAMAN OH! UGH!
AISH BAHALA NA NGA BUKAS.
Umuwi na ko sa bahay. Naggawa ng project. Inayos ang mga dadamitin ko para bukas. Saka pinikit ang mata ko. And a sudden realization came popping out.
BOYFRIEND. SWIMMING. ZACK.
I hate this daaaay! And tomorrow! Aish! Makatulog na nga lang.
~~
Kinabukasan'Eto na eto na ╯︿╰ papunta na ko sa school kasi dun yung neeting place namin. Bawat hakbang ko kinakabahan ako.
Hanggang sa hindi ko namalayan na nasa harap na pala ko ng school namin, bat ang bilis?!
"Kumpleto na ba lahat? Andito na ba si Mr. Zack?" sabi ng teacher namin
"I'm here sir"
"Kyaaaah! Si Prince Zack! Hihihi."
"Oo nga ang gwapooo!"Seriously? +_+
"Okay tara na, Zack, sino gusto mong katabi sa bus? Since it's your first time in this section, piliin mo yung kakilala mo and sino sya para sayo ok?"
"Ughh, okay po. I want to sit with Eliza"
1% loading
5% loading
20% loading
60% loading
85% loading
100% loadedASDFGHJKL!? ANO DAW!?
I want to sit with Eliza..
I want to sit with Eliza..
I want to sit with Eliza..
"And why is that, who is she to you Mr. Zack?" tsismosong teacher -.-"
Wag mong sasabihin na girlfriend mo ko. WAG NA WAG NA WAG.
"She's my girlfriend" BOOM! TT^TT
Patay ka sakin mamayaaa!!!
"Girlfriend!? Flirt pala yan eh!"
"Kala ko pa naman mabait sya!"IYAN ANG INAASAHAN KONG MAGIGING REACTION NILA PERO HINDI EH GANTO OH
"Aww, ang sweet naman. Kaya pala. Hihihi"
"Bagay naman sila eh, isang maganda at isang gwapo! Perfect match!"Natouch naman ako dun *^O^*
"Oh really? Okay. Enjoy lovebirds!"
Umupo na ko sa may bintana katabi ng halimaw na to. Matutulog nalang ako kesa makita ko pa mukha ng bwisit na to
"Hey Eliza" -.- Ano nanaman ba -.-
"What!?" kitang natutulog yung tao istorbo.
"Wala! Wag kang sasandal sakin kapag nakatulog ka. Kadiri. Tss"
inaano ko ba to? lakas makaPMS e"Ok" bored kong sagot sakanya eh bat ba inaantok na ko e di ako masyadong nakatulog kagabi.
Bago ko matulog, nilagay ko muna earphones ko sa tenga ko. Malamang alangan namang sa mata?
[Music starts here: Mr Antipatiko]
Itong kantang to, bagay na bagay sa kapreng katabi ko.
Unti unti kong pinakinggan ang mga lyrics ng kanta
At nakatulog na ako.
- - - - -"Wow ang ganda dito oh!"
"Oo nga astig."
"Pero yung dalawang lovebirds tulog pa. Hihihi. Ang sweet. Nakuhanan nyo ba ng picture?"
"Oo hihihi kileeeeg!"Nagising ako sa mga boses na yun. Napansin ko na nakasandal yung ulo ko kay Zack at nakayakap sa braso nya, sya naman nakapatong yung ulo nya sa ulo ko. Gets?
Wait lang. NAKAYAKAP AKO KAY ZACK!? ASDFGHJKL!
Sa sobrang gulat ko sa ginawa ko, mas nakakagulat uli yung ginawa ko. Tinulak ko si Zack. And uh-oh he looks angry. Ayan na. Ayan naaaa!
"Sabi na kasing wag matutulog sa balikat ko e" seriously?! Yun lang? Tinulak ko na nga sya eh!
"Uhh, hindi ka galit?"
"Bat naman ako magagalit?" ngumiti sya! Omg ang gwapo pala neto pag ngumingiti.
"Tara na" bipolar din ata tong lokong to eh. May split personality.
Habang naglalakad kami, nakasmirk sya. Ewan ko dito good mood ata e baliw.
Btw, sila Lina kaya nasan na? Nasa kabilang bus kasi e. Napaghiwalay tuloy kami TT^TT
Nakarating na kami sa may pool area. WOAH! 5 ft ang pinakamababa!? Eh 5'3 lang ako eh! T^T
"Okay class, magpalit na kayo ng damit. We'll start in about 10 minutes."
ANG BILIS NAMAN OH >o
Pumunta na ko sa may cr saka nagpalit ng floral dress at shorts na maong. *^O^*
Bumalik na ko sa may pool area. Magsisimula na one by one omg.
BTW, Buti nalang waterproof cellphone ko wihihi. ^O^Umupo muna ko sa may tiles ng 6 ft. Hindi naman ako malalaglag dito e nakaupo lang ako mwehehehe.
*splash*
Hindi ako nahulog. May cellphone lang na lumipad sa harap ko at napunta sa tubig.
"Eliza, paabot naman ng cellphone ni Zack"
P-paabot?! Malapit lang naman e keri ko to. Fightiiiing!
"O-ok s-sige"
Tumayo ako sa kinauupuan ko, tumuwad ako para maabot yung cellphone ni Zack.
*splash!*
Pero bigla na lang may tumulak sakin. Hindi pa naman ako marunong lumangoy at hindi ko na abot ang tubig.
"T-tulong!" Pilit akong sumisigaw pero nanghihina na ko pero pilit parin akong tumatalon pataas hanggang sa makita ko ang mukha ni Zack na nakatawa at nung nagtama ang mata namin biglang nawalan ako ng malay.