Habang ako ay naglalakad sa isang gubat, may napansin akong isang batang lalaki. Kaya tinawag ko sya,
"Hoy! Bata! Umaano ka jan?"
"Wa-wala kang pakielam! *sobs*"Naguluhan ako sa batang iyon kasi umiiyak na siya pero nagawa nya pang magtaray kahit lalaki sya, iniisip ko tuloy kung bading ba sya
"Ano ba kasi nangyari bata? Tutulungan kita! Bata din ako oh. So fwends na tayo!"
"Ta-talaga? Kasi inaaway ako nila wa-wala akong kaibigan samin kasi daw panget daw ako *huk*" sagot ng bata sakin habang umiiyak parin
"Hayaan mo na sila wag ka nang umiyak. Andito naman ako oh! Hindi kita iiwan. Eliza ang pangalan ko! Ikaw ba bata?" sabi ko sakanya habang hinahawakan ko yung kamay nya.
Sa ginawa kong yon, tumigil na ang bata sa pag-iyak.
"Ang ganda ng pangalan mo. Kasing ganda mo. Tutal magkaibigan na tayo, paglaki ko, papakasalan kita. Nainlab ata agad ako sayo eh kahit bata pa lang tayo hehe." sabi nya sakin tapos nginitian nya ko.
Ang prince charming ko nahanap ko na!
"Ako din eh, kasi ako wala akong kaibigan, ayaw nila sakin maarte daw ako eh hindi naman hmp! Pero promise mo? Papakasalan mo ko ah."
"Oo promise ko yan." sabi ng bata sabay humalik sa pisngi ng babaeng bata. Bakit ang lakas ng heartbeat ko? Bata pa ko para maramdaman ko. Pero eto na ba yung true love na sinasabi ni Mommy?
"Pero ano nga ba ang pangalan mo?"
"Ay oo nga pala. Hehehe. Ako si---""ANAK GISING NA!" takte naman oh si Mama talaga. Pero ang weird kasi ako yung bata sa panaginip ko eh. May memory loss pa naman ako kaya hindi ko maalala masyado.
Sino kaya yung batang yun?