Akiesha's Part
**** Flashback****
Hayyst....
Grabe ang araw ko ngayon...
Nakaka panibago...
Kayo ba ang alokin ng matagal niyo nang bespren na maging kayo...
Anong gagawin niyo?
Kasi ako... sobrang lito ko na.
Di ko alam kung ano ang gagawin ko.
Di ko nga maisip kung totoo ang mga to! na parang nanaginip lang ako.
Gusto kong gumising sa katotohanan. Pero kahit anong gawing kong sampal eh! gising na gising na ako. Di naman pala ito panaginip... pero anong magagawa ko... di nga ako makapagsalita kanina ng diretso dahil sa gulat...
Anyways... nandito na ako ngayon sa parking lot ng school. Iniwan niya kasi ako kanina sa school garden.
Tulala...
Gulat...
Walang masabi...
May pa same time... same place pa siyang nalalaman...
Somebody help about my answer...
Pumasok na ako sa mini cooper ko at nagdrive na. Habang nag da drive ako ay hindi parin ako mapakali. Binilisan ko ang pag da drive. Sana may tumulong nga sakin sa sagot ko. Dapat may valid explaination siya sa advise niya para sakin.
Papasok na ako sa gate namin ng makita ko ang isang limousine sa harap ng gate. Sino kaya yan? tanong ko sa sarili at nag drive uli. Napahinto kasi ako kanina sa pagkakita ko sa limo.
Mag ho-horn na sana ako ng may lumabas na matandang babae sa limo.
Maganda siya...
Marangya ang panunout...
Makinis ang balat...
Kinatok ng driver niya ang bintana ng kotse ko. At binuksan ko agad.
"Gusto po daw kayong makausap ni Madam! Miss..." sabi ng driver ng matanda pagkabukas ko ng bintana ng kotse...
"Bakit daw?" Tanong ko sa driver...
"Diko po alam miss!" sagot ng driver saka umiling lang siya. Tapos i pinark ko sa tabi ang mini cooper ko at lumabas sa kotse.
Hinubad ng matanda ang shadea niya at nakita ko ang mukha niya...
Si... si Victoria Mathews... ang Mamu ni Theo...
Bakit siya nandito?
Bakit niya ako gustong makausap?
Pumasok ang matanda sa limo at sumunod naman ako sa kanya.
Pag pasok ko ay may isang mini table. Ang matanda naman ay naka upo sa harap ko. Hinahati kasi ng table ang dalawang magkaharap na seats. Umupo ako sa tapat niya.
"Alam ko na inalok ka ni Theo maging girlfriend niya... wag mong itanggi yun!" simula niya sa usapan. Na nakatingin lang sakin...
"Ah! Opo..." tanging sagot ko lang sa kanya...
"Ano sagot mo?" tanong niya saka uminon ng alak...
"Pinagiisipan ko pa po!" Marahang sagot ko
"Nag iisip ka din pala..." sabi niya
"Well! Pumayag ka!" dugtong niya. Nagugulahan ako sa sinabi niya...
"Po?" tanong ko
"Pumayag ka! tapos break his heart. Paraan na din ito para mag kalayo kayo ni Theo... alam mo naman siguro hija! Na ayoko sayo bilang kaibigan niya... so ngayon! Ito na ang pinakamagandang opportunity na layoan siya diba..." sabi niya. Gulat na gulat naman ako sa sinabi. Ako lalayuan si Theo? ha! i dont get her point...
"Diko po magagawa kay Theo yun! he's been a good friend..." sabi ko sa kanya
"Sabi ko na eh! Hindi talaga tumatanaw ng utang na loob ang mga Alonzo!" Sigaw niya at pinandilatan ako ng mata. Isang tabig nalang sakin ay parang mababasag na ako. Oo! sinagip nila ang business nang pamilya namin nung panahon sa asian financial crisis dahil naapektuhan ang business namin dun.
Pero hanggang ngayon ay pinagbabayaran pa din namin yun.
Pero handa ba akong saktan si Theo para lang mawala na nang tuluyan ang utang namin sa mga Mathews...
"Hindi naman po sa ganun!" sagot ko sa kanya
"Hindi! Pero ano to ngayon... napaka simple lang ang pinapagawa ko para mawala na ng tuluyan ang utang na loob niyo samin... pero tumanggi ka anong tawag diyan?" sabi niya uli sakin na pasigaw na parang nanlilisik ang mga mata sa galit...
"Sige po! Kung yan ang makaka wala sa pag kakautang namin sa inyo!" sabi ko sa kanya tapos tumayo para lumbas na... ng nag Final wave pa siya...
"O! wag kang umiyak baka sabihin nila inaagrabyado kita... Im just doing my part here... and my part is to let pay for everything my husband done to your family..." and i wipe my tears.
"Dont tell everyone about this!" sigaw pa niya sakin bago ako lumabas sa limo niya...
Wala talagang tatalo sa pag ka arrogante ni Victoria Mathews...
Saka ako umalis sa limo niya at tumakbo papuntang mini cooper ko saka dun na todo umiyak...
Bakit napaka hina ko?
Bakit lage nalang akong talo?
Bakit hindi ko kayang ipaglaban ang sarili ko laban sa katotohanan?NAKAKAINIS...
NAKAINIS KANG KATOTOHANAN KA!
SANA HINDI KA NALANG NAG EXIST!
**** end of flashback ****
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Umiiyak na naman...
Sobrang hina ko...
Sobrang loser...Mas na pa hagulgul ako sa pag iyak...
Kinuha ko ang si teddy at hinug...
Mas nakaka hinga nako ng maluwag...
A/N:
This is the real story why Aki say yes to Theo...
First Revealation...
ESTÁS LEYENDO
Let's be lovers (On-Hold)
Novela JuvenilThey were best friends. But a sudden problem came. They became lovers.