Akiesha's Part
"Aki dito kalang muna... may kukunin lang ako sa kwarto ko!" paalam ni Theo at dali daling tumakbo papuntang kwarto niya.
At ako, nasa sala naiwan na naman. Umupo ako sa sofa at kinuha ang cellphone ko, para mag basa ng wattpad. Itutuloy ko ang pagbabasa ng Avah Forever Maldita. Dito kasi ako nakakakuha ng mga maldita lines kaya eto... nagiging fan na ako nito... Ililipat ko na sana sa next chapter nang biglang may nagsalita.
"Can we talk?" liningon ko ang nagsalita. Si Victoria Mathews. Ang mamu ni Theo. Matanda na siya pero di parin kumukupas ang kanyang ganda.
"Ah... opo!" tanging sagot ko lang sa kanya.
"Follow me!" she commanded. Manang mana talaga ni Theo ang pagiging elegante niya. Sumunld na naman ako sa kanya hanggang nakarating kami sa poolside ng kanilang swimming pool. May balak ba siyang lunurin ako? tanong ko kay utak. Siguro. Sagot nito...
Haysst. Kainis pati si utak di na kumakampi sakin. Umupo kami sa isang mini table dun.
"Ahm... maam baka hinahanap na po ako ni Theo..." sabi ko. Ngumisi lang siya na medyo creepy. Damn. Nakakatakot.
"Dont worry! he's now entertaining someone..." she said. Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya.
"Ah! Ano po bang pag uusapan natin?" tanong ko sa matanda. Medyo kumunot ang noo niya sa tanong ko.
"Dont tell me nakalimutan mo na ang pinagusapan natin hija! ang ating kasunduan..." mapanindak niyang sagot.
Kinabahan ako sa sinabi niya. Oo nga pala! nakalimutan ko ang kasunduan namin bago ako pumayag na maging lover ni Theo.
"Ah! hindi ko naman po yun nakalimutan maam..." sabi ko na nagiiwas tingin sa kanya. Naka cross legs siya ng upo sa upuan habang naka titig sakin sa harap ko.
"Buti naman... ayoko kasi sa mga taong hindi tumatanaw ng utang na loob... kaya pasalamat ka kasi madali lang ang ipinagawa ko sayo!" Wika niya saka tinitigan ako para sa kanyang Final wave...
"At ayoko din sa mga taong ipinagsisiksikan ang kanilang mga sarili sa mga taong may mga sarili na dapat intidihin. Kasi ang mga basura ay nararapat lang sa basurahan hindi pakalatkalat lamang sa daan. Kasi baka matapakan ka lang!" Hirit niya at umalis. At ako, naiwan uli. Habang pahid pahid ang luha ko bigla nalang siyang sumigaw...
"O! WAG KANG UMIYAK BAKA SABIHIN NILA NA INAAGRABYADO KITA!!" sigaw niya. At mas humagulgol pa ako sa pag iyak.
Nung hindi ko na siya makita sa aking paningin ay umalis na ako sa poolside. Pagpasok ko sa bahay nila ay sakto din ang pagbaba ni Theo. Nakangisi siya. Siguro masaya ang pag uusap nila sa kanyang kausap kanina sa telepono. Habang ako ay minamaliit at tinapak tapakan ng Mamu.
"Uwi kana?" tanong niya. Stating the obvious. Sabi ni utak. Tumango lang ako sa tanong niya at dumiretso ba ako sa parking lot at sumunod naman siya. Pumasok ako sa passenger's seat at umupo ng walang imik. Siya naman ay umupo sa driver's seat saka pinaandar ang kotse niya....
Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa bahay ko. Lumabas ako sa kotse ng walamg paalam sa tumakbo papuntang kwarto ko at dun na umiyak ng husto...
Bakit???
bakit???
Bakit???
tanong ko sa sarili ko habang umiiyak...
Balang araw... balang araw... balang araw makikita niyo din ano ang halaga ko dito sa mundo...
Balang araw... Mamu ni Theo...A/N:
Sorry for a short update...
Teaser for the upcoming revelations..
ESTÁS LEYENDO
Let's be lovers (On-Hold)
Novela JuvenilThey were best friends. But a sudden problem came. They became lovers.