Chapter 9

1.7K 3 0
                                    

"Para ba talaga to sa pagiging writer mo o sa club mo?" bulong ko kay Rei. Magkatabi kaming nakaupo sa isang pinaglumaan ng sofa sa sala ni Mrs. Hembra. Medyo  kinabahan ako dahil baka sugurin kami nang kumatok kami sa pinto niya kanina—

"Both." bulong niya pabalik. I heard her giggle close to my ears. "And wouldn't you know it, it's a request from my mom too." dagdag pa niya. "Fine, fine." tinulak ko na palayo si Rei habang pasimple akong sumulyap sa kung saan dumiretso  si Mrs Hembra, sa kusina para raw bigyan kami ng meryenda. Then not long after, we heard a knife on a chopping board.. nagkatinginan kami ni Rei,  parehas na nagtataka.

I stood up, rubbed my nervous palms on my jeans. "Dito ka lang," utos ko  kay Rei. "Na-uh," umiling iling siya. Siya pa mismo ang naunang lumapit sa labas ng kusina para  matanaw kung ano ang ginagawa ni Mrs. Hembra. I followed. Then I saw only her back and a glint of a knife now and then everytime she raises her arm to chop something. Isn't she supposed to only prepare juice and biscuits?

"She's crazy," Rei whispered to herself, I heard her well. I grab her shoulder when she tried to step inside. "No." Mariin na ang pagkakasabi ko, there's a possibility that she'll attack Rei. Inunahan ko na si Rei sa paglapit kay Mrs. Hembra, nag iwan ako ng ilang yapak na distansiya sa pagitan namin. I cleared my throat, I could feel the sweat on my back and nape turning cold.

"Ma'am, masyado pa yatang maaga para sa hapunan?" I prayed that hopefully I said the right things.

Huminto ang pag chop ni Mrs. Hembra, she stayed awfully silent, it stretched for seconds. I saw her head move to her right, then umikot siya para harapin ako. Umatras ako para bigyan siya ng espasyo. She got the wild eyes, the very same thing I witnessed this morning.. Shit. But she didn't made a move yet, I don't need to be panicking!

"Anong oras na ba?" saad niya ng malumanay, "Alas tres pa lang ho ng hapon," I couldn't help but glance at the knife she was holding and at the dried blood on her apron. She shouldn't have been released in the precinct this morning!

My breathing slowed down, hindi ko na naririnig ang pintig ng puso ko sa tenga ko nang kumurap kurap na ang mga mata ni Mrs. Hembra, na para bang natauhan siya sa ginagawa niya. "Ay! teka, pasensya na talaga, akala ko alas syete na, ganoong oras kasi umuuwi ang asawa ko." she even laughed!

"Ah, ganun po ba.." I responded, she gestured me to go out, "Hintayin niyo na lang ako sa sala, pasensya na talaga.. medyo makakalimutin na ako hahaha!" binaling niya na ang pansin niya sa chopping board. She moved swiftly, cleaning what was to be cleaned kaya hinatak ko na si Rei pabalik sa pwesto namin.









To start things off, we didn't ask sensitive questions at first. Si Rei na ang nagpasimuno ng usapin namin nang bumalik na si Mrs. Hembra sa kanyang inuupuan, kaharap namin, dala ang meryenda na dapat sana ay kanina pa nailapag.

Rei gave compliments about how nice and comfortable her house is. She went as far as saying the food was great, although we both knew it isn't. Mrs. Hembra kept looking at me, it made me shiver, I forced myself to smile when our eyes met.

Rei cut her off, forcing Mrs. Hembra to look again at Rei. "Okay lang po ba kung may itatanong kaming medyo personal?" ani ni Rei, as cautious as possible. We don't want to unnecessarily anger her. Mrs. Hembra shifted in her own seat. "Uhmm, sige.." nag aalangang sagot niya.

Rei sighed in relief beside me, I gave her thigh a bump of goodluck with mine. "Kilala niyo naman po si Doc Marga? she's my mother, kaya any information na ibibigay mo is safe with us." Mrs. Hembra gave a stiff smile. "Yes, naalala ko pa, siya lagi bumibisita sa mister ko nang nagkasakit na siya.."

"Yes po.. we're really sorry.. ginawa talaga ng lahat ni mama ang makakaya niya," pagpaumanhin ni Rei. "Sige, ano ba mga gusto mong malaman?" pag iiba ni Mrs. Hembra sa usapan.

"Sige po, gusto po namin malaman kung masakitin po ba ang mister niyo?" panimula ni Rei. Nagawa niya pang maglabas ng maliit na notebook at ballpen. Umiling- iling si Mrs. Hembra, "Naku, hindi.. Ni isang beses noon, hindi kami nakapag gastos sa hospital bills o kaya mga gamot," I eyed her hands, she was wrangling them, na para bang basang bimpo na inaalis ang tubig.

"Pero.. nagkaroon siya ng pasa sa katawan niya.. dati, konti lang kaya akala namin ay normal lang ang ganon, mawawala rin kalaunan." tuloy ni Mrs. Hembra, tumango tango lang si Rei habang may sinusulat. "Hanggang sa dumami yung pasa niya, at ang nakapagtataka ay hindi naman raw to masakit sabi sakin ni mister.." napatigil siya at uminom sandali ng hawak niyang juice.

"Pina- admit namin siya dahil nalaman na nauubusan raw siya ng dugo, na para bang may humihigop rito sa loob ng katawan niya," naging madilim na ang ekspresyon niya, hindi na mabasa. Her mouth was a straight line. "Kahit mga dugo na dinodonate sa kanya ay di tinatanggap ng katawan niya," nagkatinginan kami sandali ni Rei. Totoo nga talaga yung kinwento sa akin ni Rei kanina.

"Kahit vinegar... Sa tingin ko ay alam mo na to?" ani ni Mrs. Hembra, tumango agad si Rei. "Suhestiyon yon ni doktora, nalaman namin na may parehas pala siyang pasyente na gaya ni mister. Matagal na raw yung sa kanya, dahil nga sa vinegar.. pero.." bumusangot na si Mrs. Hembra, she's becoming more and more like the person screaming outside Amanda's house.

"Hindi tumalab sa asawa ko, namatay siya di kalaunan." pinal na saad niya. "Hindi namin alam ang dahilan, kung saan niya nakuha.. pero may sinabo sa akin ang kumare ko." Rei look at her curiously, "Ano pong sinabi nila?"
this was new to her. So I waited too.

"Nakita niya ang asawa ko na kasama si Amanda!" Nagulantang kaming dalawa ni Rei, is she telling that due to his cheating kaya siya nagkaganon? "Hindi simpleng pangagaliwa lang yon! alam niyo ba kung bakit?" nanlalaki na ang mga mata ni Mrs. Hembra, both her palms were rested on the table and is leaning towards us. "May erectile dysfunction ang asawa ko, hindi niya maitayo ang ari niya pero pinakasalan ko pa rin, hindi na rin kami nagkaroon ng anak—" Mrs. Hembra paused, her eyes darted between our faces. Para bang inaalala niya kung sino nga kami uli.

"Tanda ko pa kung anong petsa nakita ni kumare si mister ko na kasama si Amanda, lumabas sila sa isang motel sa siyudad.. at sa gabing iyon, nang nakauwi na siya.. nagtalik kami. Tumayo ang ari niya!!" pasigaw na giit ni Mrs. Hembra, hindi pa rin siya makapaniwala yata sa kanyang nalaman. "Kaya alam kong isang bruha yang babaeng yan!! May ginawa siya sa asawa ko!! Siya ang pumatay sa kanya!!"

Napatayo kaming dalawa ni Rei nang itinapon ng byudang to ang basong hawak niya sa pader. It crashed loudly, the shards flew and in that instant, sinugod kami ni Mrs. Hembra, she had this far away and wild look, na para bang iba ang nakikita niya sa mga oras na iyon.

"Aaah!!"

AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon