Chapter 18

147 0 0
                                    

Sa hindi malamang kadahilanan ay nakakalad na ako ng hindi umiika ika. Tumigil ako sa paglalakad. I look down in my wound. Parang tumigil na yata ang pagtagos ng dugo mula sa sikmura ko. I dug my fingers in what's supposed to be my gunshot wound but I found no evidence of hole. Only my intact skin.

First, I died, second.. now I can't die? Para akong tangang nakatayo lang sa gitna ng daan. Malayo na ako sa mga nagdidikitang kabahayan. No one actually dared to help me. Kinunan lang ako ng litrato. I popost yata ako sa social media mamaya. Walang katao tao sa paligid, tanging matataas lamang na kapunuan ang nakahilera sa gilid ng daan. Sa unahan ko ay tanaw ko ang abandonadong elementary school. Sa tabi neto ay ang public library na madalang lang naman puntahan ng mga nakatira rito.

Dumiretso ako sa nasabing public library. May signage na nakalagay sa pinto. CLOSED. Sinubukan kong ipihit ang pinto at bumukas ito ng walang resistensya. It creaked as I slipped in. Walang katao tao sa loob. May mga nakapilang raketa ng mga libro. Mayroon ding mga nakatambak na libro sa iilang mesa, na para bang ginawa itong tambayan ng isang tao.

My eyes found where the counter is, there should be a librarian here but I found nothing except a styrofoam half filled with black coffee. There's a mark of lipstick on its lid. Someone must have been here just recently.

I look around wearily. Grabbing the first thing my hand could reach behind the partition in the counter. An umbrella.

May kaluskos, kasunod ay mga yapak na marahang lumalakas. Bumungad sa akin si Sally na nagpupunas ng kanyang kamay sa tissue na hawak niya. She has on a reading glasses. Namataan niya ako. Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan, nang naalimpungatan siya ay kumunot ang noo niya nang na absorb niya ang itsura at kalagayan ko ngayon. I sure do look like hell right now.

Ibinaba ko ang hawak kong payong, ipinatong ko to sa mesa na nasa gilid ko. "Hindi ko inakala na nagtatrabaho ka rin pala rito." Puna ko. "Hindi. Abandonado na 'to." ani ni Sally. Bumalik siya sa kanyang pwesto, kung nasaan ang mga librong nakabuklat at nagkukumpulan sa mesa.

"Mukhang nakatakas ka yata?" kalmadong saad ng dalaga, it was like I didn't know this person before me. Parang kelan lang hindi siya makapagsalita ng hindi nabubuhol ang kanyang dila.

"Sa mga pulis ba? no, they haven't caught me yet.. But from something else, yes." sagot ko ng walang klaro. "Gumagana ba ang computer rito?" usisa ko habang lumalapit ako sa isang unit na nasa isang sulok ng silid. Wala akong nakuhang sagot maliban na lang sa kaluskos ng paglipat niya ng pahina. Nakabaon ang itsura niya rito, sa kung ano man ang kanyang pinagkakaabalahan.

"May hinahanap ka rin ba?" tanong ko uli. Nabuhay ang computer screen. It was already connected to a wifi.

Nagtipa ako sa keyboard nang napadpad ako sa google search bar. HOW TO KNOW IF YOU'RE A VICTIM OF WITCHCRAFT: SIGNS AND SOLUTIONS. Hmm. I clicked the article open. I scanned it. Ah damn it's from wikihow. "Useless.." bulong ko. YOU MAY ALSO LIKE . . . HOW TO PUT A CURSE ON SOMEONE . . I clicked the exit button of google and sighed dejectedly.

Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula. I left my seat. I went to scanned the old dusty books stacked snugly against each other in the shelves. Quickly scanning the titles. I found myself standing over the religion and theology titles. I could sense Sally's eyes behind my back. "Wala kang mahahanap ryan." ani ni Sally. Nilingon ko siya. Tinapik tapik niya ang mga lumang newspapers na nahalungkat niya.

Oo nga naman. This might give me clues. "Pero.. bat mo to ginagawa?" nag aalinlangan kong tanong sa kanya. Sally also paused for a moment. "Dahil kay Manuel.." simpleng sagot niya. "Malapit ko siyang kaibigan at ang pagkamatay niya ay hindi natural.." dagdag pa ni Sally. Tumango ako, naiintindihan ko siya, sino ba naman ang tatanggapin na namatay ang kaibigan niya dahil nabagok sa hagdan..?

Naalala ko ang mga hinagpis ni Rei, mga sandaling inamin niya sa akin na hindi niya sinasadyang mangyari yon dahil sa kanilang pinag aawayan. Hindi ko nga lang naitanong kung ano ang napag awayan nila. "Totoong nagka internal bleeding siya sa ulo.." paliwanag ni Sally.

"Pero?" parang may gusto pa siyang idagdag.

"Nang naidala na siya sa morgue, pagkalipas ng ilang araw ay kinuha na siya ng mga mag eembalsamo sa kanya.. pero ang nakapagtataka ay butas ang dibdib nito. Isang malaking butas sa kung nasaan naka locate ang puso ng isang tao." Habang isinasaad niya ito, may kinuha siyang isang newspaper at ibinuklat ito sa isang headline. "May kumuha sa puso niya." There was a hint of conviction in her voice. If everything was normal, this would sound so.. laughable.

"Paano mo nalaman ang ganitong impormasyon kung hindi naman to naibalita?" nakapagtataka kong usisa. "Dahil sa politiko." sagot ni Sally. It was a vague one. A look of dissatisfaction crossed my face. She saw it but didn't comment anything.



Taong 1973. Ika-5 ng Nobyembre. Sa bayan ng xxxx. Natagpuang patay ang isang kilalang nag mamay-ari ng textile factory na si Juares ******, edad 48 anyos. Ayon sa imbestigasyon, nawawala ang puso ng bangkay, hindi matukoy ng mga eksperto kung kagagawan ba ito ng isang killer o isang hindi maipaliwanag na pangyayari. Pahina 12.

Taong 1973. Ika-7 ng Nobyembre. Sa bayan ng xxxx. Ang tatlong magkakaibigang binatilyo na nawawala sa loob ng tatlong linggo ay natagpuan sa paaralan ng elementarya. Nakasukbit ang kanilang katawan sa harap ng tarangkahan ng eskwelahan. Hindi rin matagpuan ang laman ng kanilang dibdib. Ayon sa isang saksi ay namataan niya sa akto ang may pakana ng karumal-dumal na nasabing krimen. Pahina 5.

Taong 1973. Ika-11 ng Nobyembre. Sa bayan ng xxxx. Nagkaroon ng isang malaking pagpupulong sa harap ng pamamahay ng yumaong si Juares ******.Pinagkaisahan ang nabyudang asawa neto na si----


Hindi ko na natuloy pa ang pagbabasa ko dahil punit na ang pahina. "Ibig bang sabihin neto.. yung nangyari noon ay nangyayari ulit ngayon?" saad ko, na para bang sinusubukan kong pagdikitin ang aking mga nalaman. "Yes." sagot ni Sally.

May iniabot siyang napunit na piraso ng pahina sa dyaryo. Isang litrato. Puti ang background. Itim ang katawan ng taong nakunan ng litrato. Nakatali ito sa isang nakatayong mataas na kahoy. Tinitigan ko itong mabuti. This person.. was scorched alive. May deskripsyon sa ibaba ng litrato. Printed in small unassuming letters. A witch being burned alive. A tradition of bayan ng xxxx.

"Why was this even allowed? a tradition? for fuck's sake.." nangangalaiti kong ani. Sally seem taken aback by my reaction.

"You'd be surprised at what else this town has stored for us.." she has a grim expression. May isang recent newspaper na inabot sa akin si Sally. I checked the page she pointed. It's a celebration of the death anniversary of the victims of Julya Montenegre. Pictures of the victims were shown. It seem she didn't stop with just the three young boys but sought more. Nakalagay rin ang itsura niya sa pahina.

Natahimik ako. I stared at the photo with an intensity that I wished I could put holes in her face. "Kamukhang-kamukha niya yung babaeng kasama ni Manuel sa isang video na nasa cellphone niya." Malayong malayo ang itsura neto kay Rei.. it just left me with one person in mind.

"This is in year.. 1973.. at nandito siya.." Sa unang tingin ay parang hindi nakakakilabot ang ngiti ng babaeng nasa litrato pero pag matagalan mo siyang tinitigan, para bang nabubuhay ang larawan at inoobserbahan ako pabalik.

"Tangina-" tila ba para akong napaso at nabitawan ko ang punit na pahina. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o totoo ang nakita ko.. her eyes blinked. Napasapo ako sa bibig ko, sinusubukang kagatin ng mariin ang kamao ko para maibsan kahit papaano ang nanginginig kong kalamnan.

Nabaling ang pansin ko sa mga boses na parang may binibigkas na lenggwaheng hindi ko matanto kung ano.

I found Sally with a phone, her eyes glued on the screen. It seemed she was replaying a video. "Panuorin mo 'to.." she whispered, her voice quivered slightly. It seems, she too, is frightened.

AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon