Chapter 14

1.4K 3 0
                                    


Malawak ang espasyo ng condo na nahanap ni Paula. Walang ni isang gamit ang narito, ni telebisyon, sofa, hapag kainan maliban na lang sa kwartong pinasukan namin, may isang kama sa gitna. Wala nga lang bedsheet at unan. There's a tiny cross hanging over the bed. "No wonder it's cheap," bulong ko sa sarili ko at binaling ang tuon sa nakadungaw na bintana. May mga nakaparadang truck sa labas at may mga naninigarilyong trabahante, tabi kasi ng building na to ay factory. I heard Paula laugh behind me, her steps closing the distance to me. "May mga gamit pang condom sa cr, kadiri!" natatawang ani niya and next thing she did was snaked her arms on my waist, hugging my side.

"Should we?" she purred, her fingers tugging at the waistband of my sweatpants. I turned around and held her shoulder, pushed her a little. "Wala ako sa mood," I said with all honesty, nagbago agad ang timpla ng itsura niya. Siya may pinakakonting pasensya sa amin dalawa eh, I sighed and passed by her. I don't want to deal with this shit, for all I know, the police might be searching for me already when Rei hasn't returned for three days now.

"What the fuck is wrong with you, Miguel?" she spat, her voice thick with annoyance. I swat her hand away when she attempted to hold my arm. "Dont, Paula." I warned her, I faced her. May mga nagbabadya nang luha sa mata niya. "I-- sorry-" I murmured weakly. I look away and without a word decided to left her there.







Nakaramdam ako ng may umuuyog sa balikat ko, I grunted and forced myself to sit straight, my arms were numb from sleeping during class. "Anong meron?" inaantok ko pang tanong sa katabi kong si Jake, "May mga pulis raw sa lower yearrs, may hinahanap na estudyante." kaswal na bigkas niya. My eyes shot open, my back straightened and was acutely aware of my own breathing. They're already here? 

"May sinabi ba silang pangalan?" tanong ko. Hindi niya yata ako narinig dahil maraming boses sa loob ng silid namin. "Huy, may sinabi ba silang pangalan?" pag ulit ko habang tinatapik si Jake sa braso. Nilingon niya ako, he grinned. "Oo," I urged him again, "Aray, hindi naman ikaw ang hinahanap bat ka natataranta dyan?" natatawang sapak ni Jake sa likuran ko. 

"May nahuli kasi silang estudyante na nag dadrugs," dagdag pa niya at tumayo mula sa kinauupuan niya. "Hindi ka nga nagdadrugs pero para kang adik, ano yang pasa sa mukha mo tol? wala naman yan kanina ah." puna ni Jake, napasapo ako sa pisngi ko. "Nabagok ba yang mukha mo habang natutulog sa klase ni sir?" ulit ay humalakhak siya.

"Teka," I said, hastily left my chair and rushed outside the classroom. "Sorry! sorry!" sambit ko sa kaklase kong nakasalubong at nabundol ng balikat ko. Hindi na lang sana ako pumasok pa, I mean, what's the point, really? I think I'm going to die. Rei's words echoed in my head. You're going to end up like them.

I closed the door to the cr when I was able to get in and locked it, "Shit," there's a bruise on my right cheek. I squinted my eyes, grab my jaw and tilted my head to one side. Nakikita ko na kung paano ito kumakalat right in front of my eyes, i's like this bruise has a life of its own, crawling under my skin. The hair on my nape stood, I straightened and massaged both my eyes with my palm. What should I do? Think, think.

The hallway was empty, I rushed to our dorm and took off my uniform; changed into another pants and a hoodie. I hid my face and made sure no one was to see me as I went in the parking lot to get my car.

Hindi ako sigurado sa address but it's better than nothing, I drove, pedalling and swerving to another street. Inapakan ko ang pedal at huminto sa harap ng bahay, I rolled down my window and looked out to see if there's anyone in there. I inhaled sharply before turning off the engine and going out, I'll get through this.

I knocked on the door. Dahan dahan pumihit ang pinto, napaatras ako. I gulped, I didn't know I was holding my breath. 

"Sino sila?" it wasn't a voice of a guy, I could still remember his voice but this.. this voice came from someone else. I couldn't see clearly who this person was. I look down, medyo nakaawang na ang pinto na dahilan ng pagpasok ng kakaunting sinag sa labas; an old lady, she eyed me suspiciously. May akay siyang tungkod. I was about to ask if he's here but I don't know his name.. It's out of the question to ask it on Marga. "Kung hinahanap mo ang anak ko, patay na siya." natameme ako.

"Yung may sakit? Paano na ako nyan?" I blurted out in shock, she eventually got a good look at me when I lowered the hood of my jacket. Tumikhim lang siya at pinagbuksan ako ng pinto, "Pasok." tipid niyang ani. I followed inside. Marahan lang siyang naglalakad gamit ang tungkod niya, her other hand rest on her frail hips. "Nasaan ang pamilya niya?" I asked, I remember Rei saying that Marga was their family doctor.

Umiling siya. "Matagal na siyang nabyudo." May kinuha siyang bote na nakapatong sa mesa na nasa gitna ng sala. May isang picture frame na nakatalukbong sa gilid na nasa isang maliit na mesa kung nasaan ako nakatayo, katabi nito ay isang maliit na vase na may lantang bulaklak. Kinuha ko yung litrato at namukhaan agad si Amanda at yung lalakeng hinahanap ko.. ngayon ko lang napagtanto kung bakit pamilyar siya, nakita ko na tong mukha niya sa kwarto ni Amanda noong una kaming sumiping. 

"Ayaw kasi niyang maniwala sa akin na isang bruha yung asawa niya, mahilig yung babaeng yon sa dugo na galing sa mga gaya mong lalake na malulusog," malumanay na saad ng lola. Tahimik lang akong pinanuod siyang naglagay ng likidong nagmumula sa bote sa isang baso na nasa mesa rin. Inabot niya ito sa akin, kinuha ko ito at pinagmasdan ito. "Paano niyo nasasabi na bruha siya? Hindi ba siya ano... uh.. tao?" nag aalangan kong tanong. 

She grunted as she sat down on her rocking chair. Her white hair resting lazily on her shoulder. "Parehas kami ng lahi." napaatras ako bigla, she sensed my fear and bursted laughing like a maniac. Medyo hinapo naman siya at winagaywag ang hawak niyang tungkod at sinenyasan akong maupo.

"Ang pinagkaiba namin ay tumigil na ako, pansin mo naman na ang tanda ko na. 60 taon na rin ang huli kong pag-patay," may himig ng tukso sa boses niya. Napayuko na lang ako sa hawak kong baso. "Mas matagal pa siyang namuhay sa akin, 200? 300? 500? hindi ko sigurado, sikat siya sa amin e." kwento niya na para bang akala niya maniniwala ako? bullshit. "Vinegar yan na hinaluan ko." Dumura siya sa kanyang paanan, her saliva was black then it dissipated quickly. Ngumiti siya, wala siyang ngipin. "Akala mo simpleng vinegar lang ang gamot?" natatawang saad niya. "Hindi magtatagal yung byudong yon kung hindi ko siya tinulungan."

"Anak niyo po ba?"

"Sinabi ko na kanina pero adopted lang siya."

Nilagok ko ng diretso at nilagay ang baso sa mesa. My face warped in distaste. 

"Akala ko ba tinulungan niyo siya, bat namatay pa rin siya?" I realized after drinking it. "Ang makakapag- alis lang ng sakit na yan ay siya mismo." pinaandar niya ang telebisyon. 

"Paano?" 

Tahimik ang namayani ng ilang minuto maliban na lang sa nagsasalitang newscaster sa telebisyon. "Syempre, papatayin mo siya, hindi naman kami immortal." 

AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon