Chapter 16

165 0 0
                                    

Panaginip lang ba talaga iyon? It was too real. I could still feel all the lingering sensation. Hinaplos ko ang aking sikmura, sa kung saan ibinaon ni Amanda ang kanyang kamay. Puna nga ni Paula na unang beses niya raw akong nakita na matulog ng di mapakali, nakakadisturbo raw ang ekspresyon ko. Hindi na ako nagbigay ng komento patungkol ron.

Sinagot nga ni Paula ang tawag. It's a bizarre thing. Sa mga oras na ito, hindi pa naman ako nakakauwi sa amin at mas lalong hindi ko pa nakikilala si Amanda pero sa hindi maipaliwanag na pangyayari- nasa contact list ko ang numero niya. Pinagmasdan ko si Paula, sinusubukang basahin ang ekspresyon niya. Walang imik lang siyang naghihintay sa kabilang linya. "Hello?" ani niya, medyo iritado na. Ipinindot niya ang tawag sa on speaker. Tanging static sound lang ang naririnig naming dalawa.

"Alam kong buhay ka na muli... minamahal ko..." nakakaakit na bulong ang narinig namin sa kabilang linya. Namutla ako. Para bang nabuhusan ako ng isang baldeng nagyeyelong tubig. "What the fuck? Minamahal?" bulyaw ni Paula. Nagsimulang mamula ang pisngi niya sa galit. Inihagis niya pabalik ang selpon ko sa aking tabi. "Paula.. please hear me out.. it's not what you think.." sinubukan kong pakalmahin siya sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang dalawang braso. Itinulak niya ako palayo. How can I even begin to explain to her what's really happening when I myself can't even makes sense of it? Nakakapanlumo.

"Just.. get out." Nagtitimping ani ni Paula. Hindi niya na ring kayang matitigan ako. Sinubukan kong hagkan siya. "GET OUT!" She screamed. Wala sa isipan niya na may makakarinig sa amin. Maliit lang ang kwarto at dikit ang mga kwarto rito sa dormitoryo. Napabuga na lang ako ng hininga. Walang imik akong lumisan sa silid niya.

Wala sana akong planong umuwi sa kadahilanang pinag-iinitan ako ni Paula. She's not answering my calls or my messages. I give up. Isinantabi ko na muna ang phone ko at tahimik lang akong nakahilata sa kama habang pinagmamasdan ang kisame. Nakapatay ang ilaw sa kwarto ko. Tanging huni lang ng mga palaka ang naririnig ko sa labas. My parents are already fast asleep in their room. Kumain rin ako kasabay sila kanina at nakakabilib dahil tumpak ang kanilang mga sinabi at sasabihin pa lang sa aking panaginip.

Panaginip nga ba talaga? mahirap paniwalaan. Pero mas hindi kapanipaniwala kung namatay nga ako at nabuhay muli. Ibig bang sabihin non ay pangalawang buhay ko na to? I chuckled dryly. Kinasusuklaman ko na siya sa mga oras na ito. If she had just let me die.. then I wouldn't have to go through this shit again. It's all a fucking mystery. Sinubukan kong matulog. I tossed back and forth in my bed. I grumbled and sat up. Realization dawned on me. "Kung nabuhay ako uli..." kailangan kong ikumpirma ang aking suspetsa.





"Oh, akala ko hindi ka na sisipot.." bungad sa akin ni Teng nang namataan niya ako sa entrada ng kanyang shop. Nakapwesto siya sa kanyang mesa habang may isinusulat sa kwaderno habang may resibong chinecheck. "Pagpasensyahan mo na si Sally.. alam mo namang si Manuel lang ang laging kasama non simula nung lumipat ka sa siyudad." saad ni Teng. He stop working for a minute and look at me. Kapansin pansin yata ang kapuyatan ko sa aking mga mata. I didn't get a wink of sleep at all. I think there's no point wondering if Manuel is alive or not. He clearly isn't.

"Hindi ka ba magtatrabaho uli?" tanong ni Teng nang napansin niyang paalis na ako. Umiling iling ako. "Ah hindi.. salamat na lang." I got outside. The door chimed and closed behind me. Nakita ko si Sally naglilinis ng sasakyan. She saw me too. Nilapitan niya ako. "Akala ko nagtatago ka." anunsyo ng dalaga. Blanko ang ekspresyon niya. Mukhang nababasa niya yata ang pagkagulo sa itsura ko. "Hinahanap ka ng mga pulis." diretso niyang sagot.

"Ha?" ang tangi ko lang na reaksyon. "Just.. surrender yourself, Miggy." malumanay na pakiusap ni Sally. Ibang iba na ang pananaw niya sa akin. Hindi ba ako yung biktima? I'm the one who fucking died here.. but considering my corpse is myself still standing here, that will be difficult to explain. Does this mean.. my parents also knew? Did they leave me on purpose so they wont have to see their son getting arrested? but this doesn't make sense at all. This is all supposed to be the days leading to my fateful meeting with Amanda but it seems the past and present has converged and resulted to this.. Natawa na lamang ako, o kaya baka nasa panaginip pa rin ako at maghihintay na lang akong magising?

Nakalimutan kong nasa harap ko pa rin pala si Sally. "Bilang lang ang mga taong nakakaalam, hindi alam ni tatay. Words flew fast around here kaya they are keeping this case under wraps.. especially around you." ani niya. "Hindi siguro alam ng magulang mo." sagot niya sa tanong na nakasulat sa mukha ko. "Sabihin mo nga sa akin.. ano ba ang nagawa ko?" tinitigan niya ako na para bang may saltik ako sa ulo.

"Mamamatay tao ka."






Mamamatay tao ako? ako? paulit ulit ang mga salitang ibinitawan ni Sally sa isip ko. Ipinarada ko ang sasakyan sa di kalayuan, malapit sa kung nasaan ang tahanan ni Amanda. This is where it all began and ended. Dito ako namatay at eto rin ang huli kong memorya. Masama ang kutob ko na may bubungad sa aking hindi ko masisikmura. May nakapalibot na mga police signage tapes sa paligid ng bahay niya. Hindi kalayuan mula rito ay tanaw ko ang maitim na lote kung nasaan nakatayo ang bahay ni Mrs. Hembra na ngayon ay abo na lang.

I sneaked inside Amanda's house. Nakasarado ang mga bintana kaya madilim sa loob. Kinapa ko ang pader at nahanap ang switch sa ilaw. Mga basag na vase, lantang bulaklak, mga nagkalat na kagamitan ang unang bumungad sa paningin ko. I walked around carefully, avoiding the glass shards. May drawing ng pigura gamit ang chalk sa sahig ang nahanap ko pero wala yung katawan ng biktima.. "Rei.." bulong ko, pansin ko rin ang mga tuyong dugo sa uluhan neto. The memory, the moment I found her here is still felt fresh in my mind. I step back.

Dali dali akong dumiretso sa kwarto kung nasaan ako namatay. I opened the door. Got inside but found no bodies. But there's the evidence someone did die here. May dugo sa pader kung nasaan ako nakasandal sa mga huling sandali, it ran down to the floor, on the spot where I sat. Helpless and at her mercy.

Sa kabilang dako naman ay ang kama kung nasaan nahuli ko si Amanda at ang isa niya pang biktima. Walang bangkay rito kundi bakas lamang ng dugo sa kumot at unan.

Nahuli ng pandinig ko na may nakaapak ng mga nabasag na babasagin sa likuran ko. "Tama nga ang hinala ko, babalik talaga ang may pakana neto.. I mean, what a sloppy work huh?" saad ng kung sino man ang may ari ng baritonong boses na ito. 

AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon