Narito ako ngayon saaking silid nakabalik na kami galing sa bundok na aming pinang galingan nakamasid ako sa mga taong abala sakanilang pag babalik mula sa malayo kita ko ang paparating ng isang grupo na nakasakay sa karatela
bumaba ang isang lalakeng hindi mawala saaking isipi mula sa itaas tanaw ko kung paano nya alalayan ang babaeng pababa agad namang dumapo saakin ang sakit kaya agad naman akong umalis saaking pag kakatayo sa tapat ng bintana
sa lumipas na limang buwan sya parin talaga ang nasa isip at puso ko umaasa akong saaking pag babalik ay sya ring pag kakataon upang manumbalik ang aming pag titinginan na hindi na tuloy
"maligayang pag babalik sainyong lungsod don jacinto " rinig kong wika nito ni hindi man lang ako tinapunan ng sulyap nito tanging nakay felicidad lamang ang atensyon
kaya naman agad akong nag tungo sa kung saan naka upo ang aking mga kapatid at sila clara
" hindi bat sabi ko naman sayo isa kalang pam palipas oras" may panunuyang sabi ni clara saakin hindi ko ito ininda dahil nawawala ako sa wisyo ngayon dahil sa sakit na aking nadarama pinag saklop ko ang aking mga kamay at na natiling naka upo lamang sa paligid ay puno ng kasiyahan at ang mga kababaihan ay isinasayaw ng mga kalalakihan
"remedios" muli akong napalingon sa tumawag saakin si gobernador alcantara pala ito nginitian ko ito " magandang gabi gobernador" peke kong ngiti dito nakita kong may dala itong kahon at inabot saaakin at sabay aya saakin upang isayaw
" hindi ba dapat masaya ka dahil nakabalik ka na sainyong bahay" nag tatakang tanong nito ngumiti naman ako" sino naman ang nag sabing hindi ako masaya " nginitian ako nito at sabay tinitigan ang mga titig nya ay walang epekto kumpara sa kung paano ako titigan ni heneral sa hindi ko inaasahan ay bigla nalamang nya akong hinalikan saaking pisngi rinig ko naman ang mga haling hing ng aking mga kapatid saaking likod
"bakit mo naman ginawa iyon" nanlalaki ang mata ko sabay hampas sakanya "nadala lamang ako sa iyong taglay na kagandahan" pilyong sabi nito at walang balak humingi ng depensa
nginitian ko sya sa hindi ko sadya ay dumapo ang tingin ko saaking likod nakamasid pala si heneral saakin habang sumisim sim ng alak kita ko ang pagod sakanyang mga mata dahil alam kong napaka dami nyang naka sagupa sa loob ng limang buwan
sa pag lipas ng limang buwan ay nakita kong nag iba ang kanyang pangangatawan mas lalo pa itong naging matipuno at lalong naging moreno na bumagay naman sa kanya
natapos ang gabing iyon hindi manlang ako kinausap o hindi manlang sya nag paliwanag kung bakit sya nawala ng bigla gusto kong malinawan sa lahat kung bakit hindi sya tumupad sa nakasalaysay sakanyang huling sulat
muli kong sinilayan ang kanyang litrato naka ipit ito sa huling sulat nya hindi ko magawang punitin ito pinag masdan ko ito at muling tumulo ang aking mga luha " hindi kona mawari tiago kung hanggang saan ako mag aantay " naluluha ko itong sinasambit na wari'y mag sasalita ang litratong ito
kung maibabalik ko lamang ang mga araw na kinukulit nya ako siguro'y sasabihin kong gusto korin sya siguro ay hindi kami aabot sa ganitong sitwasyon
"remedios anak may nais kumausap saiyo" linya ng aking ina agad naman akong nag pahid ng aking luha
nag tungo ako saaming likod bahay at nakita kong naroon si gobernador alcantara may dala itong bungkos ng bulaklak naka talikod ito mula saakin agad naman syang humarap saakin naka ngiti ito saakin
" magandang gabi sayo remedios " sabay alok saakin ng bulaklak na kanyang dala nag aalngan naman akong tanggapin ito sa huli na man ay kinuha ko na ito
"para saan naman ito hindi ko naman kaarawa" mapag biro kong sambit rito at hinala nya ako na umupo sa isang upuan ngayon kolang nakita na may isang lamesa saaking harap na puno ng pag kain at minatamis at napapalibutan ito ng mga bulak lak
"kailangan paba iyon nais kolang na ibigay iyan saiyo" malambing nitong sabi sabay hawak saaking kamay sabay halik nito agad ko namang itong binawi sa pag kabigla
"para saan ba itong pakulo mo" nag tataray kong sabi dito umupo naman sya ng ayos"nais ko lang naman pasiyahin ka" malik ang pasasalamat ko sakanya dahil sa mga panahong nanlulumo ako ay nariyan sya ang dami nyang ginawa mapasaya lamang ako
"hanggang ngayon ba ay sya parin?" wika nito alam ko na ang nais nya at kung bakit nya ito ginagawa " sa ka...." hindi ko natapos ang aking sasabihin ng bigla syang nag salita"na uunawaan ko remedios kaya kong mag antay"ramdam ko ang pait sa mga sinabi nya hindi ko nais syang saktan sadyang hindi kopa nais ang mga bagay bagay na ipinapakita nya
" ayoko lamang umasa ka " malumanay na sabi ko ngumiti naman sya agad naman akong dinapuan ng konsensya ang hirap nyang saktan tunay ngang kahit anong ganda ang ipuna mo sa taong nais mo ay hindi nito masusuklian lahat ng iyon
" huwag mo nang intindihin iyon " sabay subo saakin ng pag kain at pinunasan ang labi ko umiling naman ako dahil sa ilang " kakain lang tayo at mag uusap remedios huwag kang ma ilang paki usap" malumanay na sabi nito lumipas ang minuto ay natapos na kaming kumain at akmang tatayo nako ng may isinuot syang porselas na gawa sa ginto
" lagi mo itong isusuot gagabayan ka nito sa lahat ng lakad mo" naluluha naman akong tumingin sa kanya pinunasan naman nya ito " hindi mo kasalanan na nahulog ako sayo remedios" sabay yakap saakin
" mag aantay ako hanggang sa handa kana" bulong nito at humiwalay na saaming yakap at sya ang unang umalis
na iwan akong tulala saaking kinakataayuan hindi ko nais na umabot kami sa ganito ayokong umasa sya dahil alam ko at ramdam ko ang sakit ng umaasa ng walang kasiguraduhan
BINABASA MO ANG
ISA PANG ARAW
Historycznesa iyong muling pag dilat isang hindi pamilyar na lugar at mga tao ang bungad sa iyo mga kakaibang kasuotang daang taon na ang tanda saaking pag babalik naway ikay handa upang suklian ang aking pag mamahal saaking huling laban ikaw parin ang aking...