Chapter 33
Hexadawn Aze
Tulala ako ng makauwi kami sa bahay. Tangina naman. Nagkita si Chaos at Reivan. . . Inis na napasabunot ako. . . Tadhana naba ang gumagawa ng paraan para magkita sila? I sigh again and again until I‘m fully satisfied. Napasabunot ako uli saaking buhok at napapikit. Are I going to tell him now? Kaagad na tumihaya ako at napatitig sa dingding. Napapikit uli ako at bumuntong hininga. Nakailang buntong hininga ako. Slowly, I get my phone from the table and dialed Kuya Dylan‘s Phone.
“K-Kuya. . .” Mahinang saad ko ng makasagot ito. “Nasan ka—”
“Aze?” Para akong natuptup sa aking kinahihigaan ng marinig ang pamilyar na boses. Napalunok ako. Nanlalamig ako sa sobrang gulat. Narinig ko ang buntong hininga nito bago nagsalita. “H-Hey, I. . . I answered the phone for your Kuya. . . We were in Kiel‘s House and your Kuya left his phone here.” Napatango-tango ako sa kanyang sinabi.
“A-Ah, Ganon ba? Ahm, P-Pakisabi nalang na tumawag ako,” Ani ko habang pinipilit hindi mautal. Bumuntong hininga sya ulit. Mahabang katahimikan ang namayani saamin. I cleared my throat before speaking. “A-Ah, Ibaba ko na ang tawag—”
“Who is the father of your twin, Aze?” Putol nya saking sinabi. Napaawang ang bibig ko. Tumambol ang kaba saaking puso ng marinig iyon. Lumunok ako habang pinaglalaruan ang aking daliri. H-Hindi ko kayang sagutin ang kanyang sinabi! H-Hindi ko kaya! H-Hindi ko kayang aminin! Napapikit ako at kinagat ang aking pangibabang labi.
“Hindi mo maitatago ang kambal habang buhay, Aze. . . Dadating rin ang panahon na malalaman ni Chaos ang tungkol sa kanila. . .”
“Aren‘t you too selfish? Aze, He‘s still your child‘s father. . . Your so selfish to him. Hindi mo lang ba sasabihin sa kanya na may anak na sya? I mean, Not that nakikialam ako o pinapangunahan kita but Aze. . . Ama sya ng kambal mo at hindi ito magbabago. . . Hindi kaba naaawa sa kanya? Ama sya ng anak mo.”
“You have to tell him very soon, Aze. Nakikita mo ba ang reaksyon ng mga bata kapag nakakakita ng mag-ama? They are sad. They need father, Aze. . . Hindi mo pwede silang itago dahil dadating ang panahon na malalaman din ito ni Chaos. . . And what will his reaction? He‘ll be mad, Aze. . .”
Napapikit ako nang maisip ang sinabi ni Stephen saakin. Parang nakokonsensya ako. . .
“A-Ako ba ang ama?” He was shuttering. Napapikit ako at bumuntong hininga bago ko sinagot ang kanyang sinabi.
“Y-Yes,”
Chaos Zythem
“Uy! Maglaro tayo ng dare dare na yan! Para masaya naman! Welcoming natin rito kay Pareng Chaos!” Saad ni Aldrius saamin. Dumating sya kanina lang. Ewan ko ba sa lalaking to. Nagiging missing in action na. Noon naman hindi sya ganyan eh. He always with us for every fight but now, He seems always busy. I always ask him why but He just said it‘s because of company. Nabanggit rin ni Drius, Ang kanyang kambal na madalas syang magpunta sa Davao. We don‘t know what‘s really happening to him. Yeah, He‘s loud but fuck, He‘s also mysterious and dangerous.
“Tangina naman, Ayoko ng laro na yan eh! Parang muka ni Kielton pangit!” Ani ni Mj habang kumakain ng sitsyerya, Puta yun yung tawag nya eh. Nakita kong kaagad na kumunot ang noo ni Kielton at napatigil sa pagkain ng pansit. Masama ang tingin ni Kielton kay Mj na ngayon ay patay malisya lamang.
“Ha! Nagsalita naman ang mukang unggoy! Puta! Bat ka nga nandito?! Bawal ka ah! Trespassing!” Ani ni Kiel habang umiirap irap. Kaagad na tumawa si Mj. Napailing nalang ako at hinayaan silang magsagutan at magasaran. Ganyan naman sila palagi.
“Let‘s start. Don‘t mind the motherfuckers.” Ani naman ni Xyron. Kumuha ng bote si Jacques at kaagad na inilagay iyon sa gitna. Napatigil narin sila Kiel at Mj sa pag-aasaran ng makitang nagsisimula na kami. Napabuntong hininga nalang ako. Kahit ayokong sumali.
“So this is the game, Papaikutin ko ang bote at kung saan tumapat ang bote ay iyon ang ating ide-dare. Kapag iyon ay tumanggi, Iinom sya ng isang pitsel na Beer.” He explain the game to us. I am just listening while sipping the canned beer. I don‘t know but this game seems fun. . .
Pumwesto na kami ng magsimula na ang laro. Aldrius spin the bottle. Malakas ang kanyang pagkaaka - spin kaya naman sobrang tagal na umikot ng bote. Lahat kami nag-aabang kung sinong mauuna. It slowly stop and pointed to me. . . Nakita ko ang paglaki ng ngisi nila na parang may binabalak. Napapikit nalang ako ng mabasa ko ang kalokohan sa muka nila. Muka silang may iniisip.
“Uy, Kay Pareng Chaos tumapat!” Naaliw na wika ni Aldrius at ngumisi ng malaki saakin. I sigh when I saw thier evil smiles. They all have the plan. I guess. . . Mukang pinaghandaan nila ang moment na ito tangina talaga.
“So, Pareng Chaos, Ano bang ide-dare namin sayo—” Aldrius suddenly stop when Zerun‘s phone ring. Kaagad na kinuha iyon ni Zerun. Napangisi sila si Andrius. “I guess, I know na.” Kiel laugh like a crazy man as they ordered Zerun not to turn off the phone or answer.
“So right now, Your lovely ex, Aze was calling Zerun. . .” Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Zerun na para bang ayaw nya ang dare ni Kiel. Hindi pa nga tapos. “What your going to do is. . . Ask her who‘s the father of her child. . . And don‘t you dare back out, Bro. . .” Kiel warn me. I hear Zerun sigh, “Now give him the phone, Zerun or else, Your sister will know who you really was. . .” Nakita ko ang pagtalim ng titig ni Zerun kay Kiel ngunit seryoso lamang nakatingin si Kiel na nakatingin saakin. Inabot ko ang phone bago ko iyon sagutin at ni loudspeak. . .
“K-Kuya?” Mahinang saad nya ng makasagot ito. “Nasan ka—”
“Aze. . .” I said sofly. I couldn't help it. . . I miss her voice very much. I cleared my throat as I remember the dare. . . Nagdadalawang isip ako. “H-Hey, I. . . I answered the phone for your Kuya. . . We were in Kiel‘s House and your Kuya left his phone here.” I reasoned out and Gulp.
“A-Ah, Ganon ba? Ahm, P-Pakisabi nalang na tumawag ako,” She said while shuttering a little. Is she nervous? Like I am?, “A-Ah, Ibaba ko na ang tawag—” Akmang ibaba na nya ang tawag ng itanong ko sa kanyang ang dare.
“Who is the father of your twin, Aze?” Namayani ang katahimikan ng sabihin ko iyon. Narinig ko lang ang kanyang paghinga. I turn to my friends who‘s now watching at me intently. They are all excited for Aze‘s answer. . . Kumakain sila ng nova habang nakatingin saakin. Inaabangan ang sasabihin ni Aze. . . Ilang oras yun. . .
“A-Ako ba ang ama?” I don‘t know why I ask that. Kita ko ang panlalaki ng mata ng aking mga kaibigan. Nabulunan pa si Kiel nang itanong ko iyon na parang hindi nya iyon iniexpect. Nang maramdaman kong hindi nya iyon sasagutin ay akmang sasabihin kong dare yun pero nagsalita sya na ikinagulat ko. . . Naming lahat. . .
“Y-Yes,” Natigilan ako ng sabihin nya iyon, “You are the father, Chaos. . . I‘m sorry for hiding them for you. . . I-I‘m really sorry!” Humagulgol sya sa kabilang linya. Nawalan ng lakas ang tuhod ko at kusa akong bumagsak sa couch. Tumulo ang luha ko sa kanyang sinabi. . .
“L-Let‘s meet at Sweet Cuisine exactly 2:00 in the afternoon, I-I will bring the twins. . .” She said before ending the call. Napahawak ako sa couch. . .
Tangina. . .
. . . . . .

YOU ARE READING
UNSTOPPABLE OBSESSION
RomanceThat unstoppable obsession He had for that girl who see him as her enemy.