Chapter 29
Hexadawn Aze
Mabilis lumipas ang buwan ngayon ay buwan ng kapanganakan ko na. Todo asikaso saakin ang dalawa kong kuya at syempre, mawawala ba tong kutong lupa na si Stephen? Syempre hindi. Naglilinis ngayon si Kuya Ren at Kuya Dylan dahil marumi daw at ayaw nilang mainhale ko yun baka makasama daw saakin. Ewan ko. Ang O-OA nila. Minsan nakakairita. Si Stephen naman ay komportableng nanonood sa dalawa habang kumakain ng salad. Kaagad na inagaw ko iyon sa kanya at kumain. Sinamaan nya ‘ko ng tingin.
“Hoy! Bawal yan sayo, Pangit! Akina!” Aniya at sinubukang agawin saakin ang plato ngunit pinakyuhan ko lang sya. Kaagad na napasimangot sya at sinubukang kunin iyon saakin ngunit inilayo ko iyon sa kanya.
“Maniwala sayo! Kapal din ng muka mo ‘no, Buenaventura! Umuwi kana nga sa inyo! Nauumay na ‘ko sa muka mo!” Iritang anya ko na ikinasama ng kanyang muka. Kaagad na binatukan ko sya. “Uwi na pangit!” Pagtataboy ko sakanya ngunit hindi sya natinag.
“Kung uuwi ako, Sino nalang ang magpapaanak sayo?! Ha?! Ano?! Yabang mo porke nandito na Kuya mo ah!” Away nya pa saakin. Ngumisi ako sakanya.
“Inggit kalang kasi walang kang kuya!” Para kaming mga bata na nag-aaway. Narinig ko ang tikhim ng aking dalawang kapatid na mukang naiirita na saamin. Si Kuya Dylan ay masama na ang tingin saamin. Simula ng magbuntis ako ay naging over protective na sya at seryoso. Namiss ko tuloy ang kawalanghiyaan nya at biro. Napanguso ako ng tumulo ang aking luha. Kaagad na nataranta ang aking dalawang kapatid.
Napangiwi ako ng biglang may lumabas na ihi saaking pagkababae. Gulat na napatingin ako roon. Pati ang dalawa kong kapatid ay natigilan at napalunok. Kapwa napako sila sa kanilang kinatatayuan at hindi makapaniwalang napatingin roon. Ako naman ay napahawak sa aking tyan na sumasakit. Tangina! Manganganak na yata ako!
“Tangina! Pumutok na ang panubigan nya! Bilisan nyo mga ugok!” Aniya saking mga kapatid. Nang walang kumilos ay lumapit sya saakin at binuhat ako. “Tangina nyo! Bilisan nyo!” Doon lang sila natauhan at kaagad na sumunod saamin. Binuksan ni Stephen ang kotse nya at inilagay ako roon at umikot para pumasok. Nakasunod saamin ang dalawang kotse ng aking mga kapatid.
“Tangina! Manganganak na yata ako! Bwisit ka, Phen! Kasalanan mo to!” Paninisi ko sakanya. Agad na sinamaan nya ako ng tingin at pinakyuhan.
“Manahimik ka nga!” Aniya. Napakunot ang noo ko ng malampasan namin ang bahay nya. Taka akong napatingin sakanya. Ngumisi lang sya saakin ngunit hindi nagsalita. Bumuntong hininga ako at pumikit. Tangina! Habang tumatagal mas lalong sumasakit! Ano batong pinasok ko?! Bwisit! Bumuntong hininga ako ulit habang nakatingin sa malaki kong tyan.
“Tangina! Saan punta mo?! Bat mo nilampasan ang bahay mo?!” Sigaw ng aking kapatid sa telepono. Tumawa ng malakas si Stephen na parang inienjoy ang nangyayari.
“Wala akong kagamitan sa bahay kaya diritso tayo sa Hospital. Don‘t worry He‘s out of town right now. Wala sya. Tangina! Magtiwala nga kayo saakin!” mura nya. Inihinto nya ang kanyang kotse sa tapat ng hospital at kaagad na binuksan ang backseat. Binuhat nya ako papasok sa Hospital.
“Tangina! Nurse! Manganganak na ang bestfriend ko! Patulong naman kundi itutumba ko talaga tong Hospital na ‘to! Anak ako ng mapiya boss kung hindi nyo alam!” Nananakot na ani nito. Inihiga ako nito sa stretcher. Kinawayan nya ‘ko ngunit hindi ko sya napakyuhan dahil saaking kalagayan na ikinatuwa nya.
Pinasok ako sa Room at nakita ko ang babaeng doctor na nakangiti saakin.
“Kumalma ka, Miss. Inhale, Exhale. . .” She said while smiling. Napabasa ako sa kanyang name sa robe. Aziriel Delavin. “One two!” Malakas akong umire. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking luha habang pinapaanak ako. Napahikbi ako. Umire ulit ako hanggang sa makita ko na ang bata na bitbit ng nurse.
“Papalabas na ang isa. . . Umire kapa misis!” Umire ulit ako ng umire hanggang sa naramdaman kong lumabas na ang ikalawang sanggol. . .
Huminga ako ng malalim bago pa ako na nawalan ng malay ay narinig ko ang iyak ng sanggol. . . Sanggol ko. . .
Nagising nalang ako dahil sa ingay ng paligid. Ingay na tila nag-aaway. Napakunot ang aking noo ng mapagtantong pamilyar ang kanilang mga boses. Parang narinig ko na kung saan. Dahan dahan kong minulat ang aking mata at nakita ang aking mga pinsan at kapatid na kapwa nagtatalo. Napangiwi nalang ako. Puro talaga sila isip bata. Pero putangina! Pano sila napunta rito?! Pano nila nalaman ang kalagayan ko.
“Ang gwapo! Mana saakin!” Pumapalakpak na ani ni Thyme habang nakatingin sa sanggol. Kaagad na binatukan sya sa kanyang kambal na si Rhyme na nasa likod.
“Kapal ng muka! Mana yan saakin uy!” Ani nito sa kakambal. Sinamaan sya ng tingin nito at sinuntok ng mahina na ikinatalim ng tingin nito.
“Hala! Kamuka ng Ama!” Ani naman ni Stephen. Ang sarap nya talagang tirisin. Porke! Alam nya kung sino ang ama! Ang yabang yabang na! Tinaliman ko sya ng tingin.
“Yung babae! Kamuka ko!” Ani naman ni Nathan. Pati ba naman sya nakikisali sa mga isip bata na ulupong na ito? Lahat pa talaga sila nakabusiness attire at pawisan. Mukang kakadating lang.
“Please, Shut the fuck up, Morons. Baka magising ang kapatid ko. Pagod pa naman yan.” Rinig kong sambit ng aking kapatid na si Ren. Napatingin saakin sina Rhyme.
“Congratulations, You successfully delivered your twin. . .” Ani ni Kuya Dylan habang nakangiti. “I‘m so proud of you, My sister.” Napangiti ako sa kanyang sinabi. Lumapit na rin si Ren habang tulak-tulak ang crib na kinalalagyan ng bata. Kaagad na tumalon ang aking puso habang nakatitig saaking mga anghel. Hindi ko mapigilang umiyak habang bitbit ko sila.
Kuya Ren tapped my shoulder like He was hushing me. Hinalikan ko sa noo ang aking anghel. . . Hindi ako makapaniwala. . . I don‘t know what did I do on my past life to be given an angel like this. . . I am so lucky to have them.
“Anong ipapangalan mo sa bata?” Rinig kong tanong ni Axel. Napangiti ako sa tanong nya.
“Reinnaiah Klyte Tiaflore and Reivan Klein Tiaflore. . .”
Welcome to the world, Angels. . .
. . . . . .
A/N: Reinnaiah is pronouce as ‘Reynaya’ incase you want to know. Hihi.

YOU ARE READING
UNSTOPPABLE OBSESSION
Storie d'amoreThat unstoppable obsession He had for that girl who see him as her enemy.