Chapter 12

12K 341 21
                                    

*Morning*

Tahimik lang akong naka upo dito sa upuan malapit sa mesa. Hinihintay si Kleigh habang nakatingin sa mismong likod ni Kleigh na nasa kusina. Di nya ako pinapansin.

Wala naman akong ginagawang masama, ewan ko tuloy sakanya.

Napasandal muli ako sa upuan habang ang mga kamay ay nasa batok. Kakagising ko lang din kaya di ko pa maiwasang maghikab. Ang alam ko lang kagabi na wala sya sa tabi ko habang natutulog..

Uuh.. Isa rin yun sa dahilan kaya hindi ako masyadong makatulog.

Wala kasi ung lalaking bastos na laging hinahaplos ang legs ko tuwing gabi. Wala din ung pampatulog na halik nya sakin.

"Goodmorning" sabi ko pa sakanya ng ilapag nya ang pagkain na iniluto nya sa hapag. Ganun naman lagi, sya taga luto ako ng bahala sa gawaing bahay.

Napatingin na lang ang walang emosyong mukha nya sakin. Ewan ko ba kung sinasadya ang tingin na yun o wala lang. Sunod kong nakita ang kunot na noo nya sakin.

Galit pa ba sya?

Mali pala na isipin ko na lilipas din yun. Nakakainis din pala pag ganito ang isang to.

"Ako na dyaan.." Pagpupumilit ko tsaka kinuha ang sandok. Kukuha na sya ng kanin pero kinuha ko ang sandok na hawak nya kaya ako na ang naglagay sa plato nya. Wala naman syang angal.

Aah! Ewan ko ba sakanya. Di ako sanay na hindi pinapansin ng isang to.

"Enough" sabi nya habang linalagyan ko ng kung ano anong masasarap na ulam na linuto nya sa mismong plato nya.

Bumalik na ako sa upuan ko at sinumulan lagyan ng pagkain ang plato ko. Tahimik lang din sya kumakain kaya ginaya ko na lang din noh. Baka makasagabal pa ako sa pagkain nya. Mapagalitan pa ako.

     8:32am

HAWAK HAWAK ko sa lap ko ang gusto kong ipasuot kay Kleigh para sa trabaho nya. Alam ko naman kasing yun na ang pupuntahan nya tuwing umaga eh. Isang ordinaryong pang office lang to na talagang nakalkal ko pa sa cabinet nya.

Bagay sakanya ang may kulay Maroon na necktie.

Nakaupo lang ako sa dulo ng kama habang hinihintay sya na pumunta dito na bagong ligo at presko alam kong nasa banyo sya ng matapos akong kumain. Di nya nga ako hinintay na makatapos kumain. Pumunta na agad sya sa banyo.

Kita nyo kung gano kabastos noh!

Di nya pa nga ako pinansin ng makapasok na ako sya sa kwarto. Like duh! Helloooo! Mukha naba akong invisible at hindi nya ako makitang parang estatwang naghihintay dito sakanya!?

UUGH!

Kung pwede ko lang ihataw sa kanya ang kamang kinauupuan ko kanina pa yan nagkabukol! Nakakainis!

Ng makita kong kulay black ang necktie nya at hindi bagay sa kanya ang suot nya agad kong nilahad sakanya yung kulay maroon na necktie. Nahahawa tuloy ako sa puro red na bagay dito sa bagay, parang nagiging favorite color ko na din to.

"mas bagay kung yan yung susuotin mo" sabi ko sakanya ok lang naman ung suot nyang damit na parang tuxedo. Wala naman kasi syang sense of fashion pagdating sa necktie. Nakakabanas lang eh.

Kinuha naman nya habang di umiimik. Konting kurot lang siguro sa lalaking yan aami na yan. Bakit ba kasi kailangang di pa ako pansinin?

"Thanks" sabi nya habang nakatingin sa salamin sa harap. Nakikita ko pa nga ang repleksyon ko sa salamin dahil sa osbrang lapit din namin. Nasa likod nya nga lang ako.

ang romantic diba? Nagmukha akong buntotoy ni Majinboo.

"Ayusin mo kaya yang sleeves mo. Try mong itupi" suhestiyon ko sakanya at ginawa naman ng tanga. Unang tupi pa lang nya hindi na sya marunong. Aah! Ano ba ayan!

Chase her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon