Chapter 1

49.9K 1K 55
                                    

.'She's gone and you've lost her, she lost the one she loved but you lost someone who loved you'

"Manang sigurado bang magisa lang akong magbabakasyon dito? Di ba kayo sasama sakin?" tanong ko habang hawak hawak ang bagahe ko papasok sa malaking bahay na ito. Hindi, isang mansion kung maituturing, napakagandang mwebles ng bato ang naririto. Mga antique na gamit na sadyang kaakit akit sa paningin ko. Maging ang mapayapang simoy dito ng hangin ang nakakapagbigay sakin ng mapayapang kondisyon.

"Oo naman iha, ipinamana ito ng lolo at lola mo. Napakaganda ng mansion na ito at sayang lang kung hindi ka makakapunta rito." Nakangiting sabi sakin ng caretaker ng malaking mansion na ito.

Uuh.. Bakit ba kasi dito ko pa napiling lumayo sa syudad? Tanong ko sa sarili ko ng ibagsak ko ang sarili ko sa kama na naririto sa kwarto ko.

Masyadong tahimik.

Pero nararamdaman kong mabuti ang lagay ko rito. Oo sana.

Napabuntong hininga nalang ako ng mapasandal ako sa headrest ng kama. Umalis na si manang, wala manlang signal ang hawak hawak kong cellphone dito. Bakit ba kasi tagong tago naman yata ang mansion na ito, hindi naman ito medyo kalumaan pero sadyang wala lang talaga akong mahanap na signal kaya nga nakatunganga lamang ako dito sa k--

*tuck*

Ano yun?

"Sino po yan?" Tumayo agad ako at sinundan ang tunog na pinangalingan. Baka si manang lang, baka hindi pa sya nakakaalis. Pipilitin ko sana na dito muna pansamantala si manang di ko talaga kayang magtagal sa lugar na ito. Tsaka para san pa at iiwanan nya ako dito, mukhang di nga ata ako makakatagal ng buhay dito sa lu--

"Gorgeous"

Nandilat ang mga mata ko ng may marinig akong bulong sa kaliwang tenga ko. Agad kumilos ang katawan ko at napalingon sa direksyon na pinangagalingan ng boses na yun.

Pero shit.

Wala akong nadatnan.

Ano yun?

Nakakasigurado akong boses ng lalaki ang narinig ko. Di naman ako bingi para marinig ang salitang yun. Napaka creepy talaga. Napangiwi pa ako sandali habang nilibot ng mata ko ang kalahatan ng bahay.

Pumunta agad ako sa labas, baka nandun pa nga si manang. Kinikilabutan na ako sa bahay na yun. Mas gusto ko na yatang pumunta sa syudad at tiisin na lang ang pang loloko ng boyfrien--ex Boyfriend ko na nakita kong may kalandiang hipon.

Nakakadiri na pinagdidikit yung mga labi at maging mga laway ay sadyang--

Nakakadiri.

Dahil lang naman dun kaya naisipan kong magbakasyon.

Maisip ko palang yun parang magkakasakit na ako. Umiikot ang tiyan ko dahil sa naiisip ko.

Masyado ngang nakakadiri,.

"Buti pa nga dito" bulong ko tsaka umupo sa isang malaking bato sa may bandang gilid ng mansion. Ako lang mag isa dito. Kailangan pang maglakad para makapunta sa bayan at maglibang. Ayon yun sa nakwento sakin ni manang, may maliit na bayan dito na pwedeng bilhan ng pagkain. Wala ngang laman ung ref dito nung chi neck ko kanina.

Nagugutom na ako.

*engine's sound*

Napadungaw ang ulo ko sa narinig kong nahintong makina sa tapat ng gate ng mansion.

"Anak. ng .cheesedog." dahan dahang bulong ko ng medyo may pagkamangha ng biglang magbukas ang malaking itim na gate para padaanin ang kulay pulang kotse. Wala namang nagbubukas?

Nasa labas nga lang ang kotse ko eh. Di ko maipasok ng dahil sa tigas ng bakal na hihilahin gawa ng gate na yan. Pero shet.

Nabokyot pa yata ko ni manang, di yata ito ang bahay talaga ni lola. Pero ito talaga ang alam ko eh. Dito talaga ako magbabakasyon.

Nanatili lang akong nakaupo sa malaking bato na may mga lumot pa sa gilid hanggang sa makita kong nagbukas ang pintuan ng kotse. Walang wala ang kotse ko sa kotse ng isang lalaking bumababa. Di nya pa siguro ako nakikita, lalo na kung ang pangit pa ng pwesto ko.

Walang emosyong bumababa sya sa sasakyan dala dala ang mga pinamiling pagkain nya. Oo pagkain nga! Jusko. Nakaramdam tuloy agad ng gutom ang tiyan ko.

Nakakainis.

Anong gagawin ko? Malay ko bang magnanakaw ba yan? Mahirap na kung magpapasok ako ng kung sino dito.

"Oy! I-ikaw!" Dinuro ko sya. Napalingon naman agad sakin ang walang emosyon nyang mukha.

..Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa pamamahay ko?" Nakapameywang na tanong ko sakanya kahit na isang tingin nya palang nanginginig na ang tuhod ko. Malapit na sya sa malaking pinto ng bahay ng tanungin sya ng sutil kong bunganga.

Napalingon sya sakin. Nasa dibdib nya ang dalawang plastic na hindi naman talaga plastic kundi papel na kulay brown na ginagawang plastic ng karamihan. Napansin ko ding nakaheadset pa ang loko.

Sinamaan ko sya ng tingin at agad ko namang nakitang inalis nya ang headset na nakasalpak sa tenga nya. Pinigilan kong ngumanga ng tignan nya ako mula ulo hanggang paa.

Shit. Rapist na ba ang lalaking ito?

"Umalis ka nga dito" mataray na sabi ko bago ko makita ang ngisi sa maninipis nyang labi.

"You're my wife" walang kagatol gatol na banggit nya. Napangiwi na lang ako sa narinig ko mula sa kanya. Seryoso? Nasa tino pa ba sya?

"Lumayas ka na, bago pa kita buntalin" pananakot ko sakanya. Pero mas lalo yatang nadagdagan ang inis ko ng lumapit sya sakin. Hindi lang ngisi ang nasa labi nya kundi tuwa?

"Buti naman dumating ka na" nakangiting banggit nya at lumapit pa sakin saglit.

"..hinihintay lang kita kanina, pero nandito ka na asawa ko"

Asawa nya?

"It sounds too gross" pabulong na sagot ko sakanya. May pa asa asawa pa syang nalalaman, mas nakakadiri pa pala ang maabutan ko dito.

.Nakita ko nanamang ganun na ang expresyon ng mukha nya. Mukhang nang aasar pa. Ang gusto ko lang naman ay umalis sya sa bahay eh. Ano ba dun ang hindi nya maintindihan?

"Wag ka ngang lumap--"

"Bakit?" Naguguluhang tanong pa nya. Nabitawan na nga nya ang mga pinamili nyang pagkain sa lupa. How lucky am i? Paalisin ko lang ang lalaking to, at akin na ang mga pagkaing nahulog nya.

"Hindi mo ko mapapaalis" sabi nya pa.

Natatanga na sya.

"Hindi ako tanga, asawa ko" nakangising sabi nya.

Oh. Di sya na ang baliw.

"Hindi rin ako baliw"

Ow. May napapansin na akong kakaiba sakanya.

"Talagang may mapapansin ka" maangas na tugon nya.

Pinandilatan ko agad sya ng mata.

Shit! Ano ba yun?

"Ano bang maligno ka? Umalis alis ka sabi sa bahay ko!"

"Bahay natin to. Dito tayo titira at bubuo ng pamilya" sabi nya tsaka hinawakan ang braso ko habang nakangiti sya, samantalang ako ay naasar na sa ginagawa nya. Mukhang may mental hospital na malapit dito at nakawala lang ang gagong to.

"Bumuo ka ng sarili mong unggoy k--hmm"

Kasunod ng paglapat ng labi nya sakin ang paglanghap ko ng kakaibang emosyon. Emosyon na makakapag pahilo sa ulo ko. Unang beses kong makaramdam ng labi na nakadikit sa labi ko, ni boyfriend ko hindi ko hinayaang mahalikan ako. Pero ano nang nangyari?

Paano ba ako aalis sa tingin ng lalaking to na parang gusto na akong kausapin.

Isang tingin na gusto akong angkinin.

Chase her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon