Chapter 14

10.7K 269 13
                                    

Her Pov

Tahimik akong pumasok sa sasakyan ni Kleigh habang suot suot ang black dress. Ngayon ko lang nalaman na namatay ang papa ni Kleigh. Kaya pala medyo may topak sya.

Mag isa lang ako sa loob ng kotse. Ayoko sa labas. Parang natatakot ako o ano. Kaka cremate lang ng labi ng papa nya ngayon kaya pareho kaming may suot bg kulay black ni Kleigh. Magkausap sila ng kapatid nya kaya dito muna ako. Susunod na din naman sya dito.

Nag away pala sila ng kapatid nya kaya siguro nag uusap.

"Danzell?" Nasabi ko na nalang ng makita ko sya sa nakabukas na bintana ng kotse. Agad ko syang pinagbuksan at tulad ng inaasahan ko. Tahimik lang syang umupo sa lap ko. Nasa passenger seat kami pareho.

Isa pa tong batang to na hindi nagsasalita.

Mga problemado yata kami lahat ngayon.

"Tita Gail?"

"Hmm?"

"Sabi ni Dad dahil daw matanda na si lolo kaya sya namatay" naka pout nyang sabi. Parang nagsusumbong o ano. Maging ako di ko alam kung anong meron.

Di manlang kami naging close ng tatay ni kleigh. Alam ko namang malungkot si Kleigh ngayon. Tulad ko, ayaw nya lang din ipahalata.

"Magiging okey din naman ang lahat, Danzell" nakangiting sabi ko sakanya, mas okey na i try ko munang paga anin ang loob nya.

Napakacute ng batang to. Sobrang inosente. Nakakalungkot kung madadamay pa sya sa problema nilang magkapatid.

"SOBRANG tahimik mo yata" nakaramdam ako ng yakap mula sa likod habang nagliligpit ako ng pinagkainan naming dalawa ni Kleigh para sa tanghalihan. Naka suot pa nga kami ng kulay itim na damit dahil hindi pa kami parehong nagpapalit ng damit.

"Wag ka dyan. Mababasa ka" sabi ko sakanya. Kitang nagliligpit ako kung ano anong ginagawa.

"Kleigh tumigil ka nga" naiinis na sabi ko ng patuloy lang ang paghalik nya sa leeg ko. Nakaramdam ako ng kaba.

Naalala ko nanaman. Nakakainis na naloloko ko ng ganito si Kleigh

"Bakit?" Naguguluhang tanong nya ng pinatigil ko na syang humalik sakin ng pumunta na yun sa mga labi ko. Nakaharap na din ako sakanya. Nakahawak sa dibdib nya gamit ng basa kong kamay ng dahil sa pagliligpit ng mga plato. Ang likod ko na ngayon ay nakasandal na sa lababo.

Maging ang mga mata kong hindi na muling makatingin sa mga mata nya.

"Bakit ba, gail?" Seryosong tanong nya. Alam kong may problema sya, dinadagdagan ko pa.

Peste talaga.

Alam kong gulong gulo na sya sa inaasta ko. Ako din naman eh. Gulong gulo na ako sa sarili ko ngayon. Ewan ko na kung anong gagawin.

"Kleigh kasi!" Sigaw ko sakanya ng hahalikan nya muli ang labi ko. Si Travis pa ang huling naka halik sakin. Sa sobrang dumi ko iniisip ko din kung mahahalikan pa ba ako ni Kleigh.

Parang nandito pa din ang halik ni travis, parang hindi na yun mawawala sakin.

Nandito pa rin yung ala alang yun. Parang nararamdaman ko pa din.

Ilang araw na akong umiiwas sa halik nya sa labi ko. Laging sa pisngi na lang ako nagpapahalik sakanya. Masyado akong naguguluhan sa sarili ko. Pati pa tuloy si Kleigh nadadamay, nadadagdagan ko pa pati ang mga problema nya.

"Aah!" Naisigaw ko na lang ng itaas nya ako sa lababo at ang mga palad nya ay naka tupa sa gilid ko na wari mo'y kinukulong ako.

Ewan ko kung anong gagawin.

Chase her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon