SHERIENA GAIL TAMONTE POV
Parang tuod na napatigil ang tingin ko sa isang lalaki na nasa harap ng salamin sa harap ko. Ang mga labi nya ay napapunta pa sa leeg ko, isang matilos na bagay din ang naramdaman ko.
Isang pangil.
Dahilan para dumugo ng kaunti ang leeg ko, agad akong napatingin sakanya. May halong gulat at takot sa isipan. Isa lang nasa isip ko, si Kleigh na gustong gusto ko na nasa tabi ko sa oras na ito.
"Mr. Vein have its good taste for choosing you,..Gail"
Halos matawag ko na lahat ng santo na nasa isip ko ng maramdaman ang dalawang bisig na kumulong sakin sa pamamagitan ng pagkulong nito sa bawat daanan ko.
Wala akong takas lalo na sa pangil na nakita ko sakanya.
Di ko sya kilala, kaya mas pinili kong maging kalmado.
Hindi ko sya kilala. Hindi si Travis o si Kleigh.
"Pakawalan mo ko" madiing sabi ko kahit na nagsisimula ng uminit ang gilid ng mata ko. May kailangan pa akong balikan sa table namin. Bakit ba kasi hindi pa ako nagpahintay kay Kleigh.
"Why would i?" Mapaglarong sabi nito habang nakangisi, hindi ako nagkakamali isa rin sya sa mga lalaki na nakita nya kanina na nakaupo sa malayong table.
Mahigpit ang hawak ko sa pouch ko ng luminga linga pa sya sa paligid parang naghahanap ng iba pa kaya agad kong pinukpok sa mukha nya ang pouch na hawak ko. Possibleng hindi sya masaktan dito dahil sa sobrang kapal nito talagang masasaktan ka.
Napatakbo agad ako malapit sa pinto pero agad itong sumarado ng hindi pa nalalapitan. Nagsisimula na akong matakot. Kitang kita ko kasi sa mata ng lalaking yun na may masama syang gagawin sakin.
"Come here sweetie" natatawang sabi nya hawak hawak pa ang panga nya na natamaan ko ng pouch ko na ngayon ay nasa sahig na ng banyo.
Nakita kong pinapanuod nya lang akong binubuksan ang pinto at todo pihit sa doorknob na p*tang di pa bumubukas.
"Buksan nyo po to! Please!" Basag ang boses ko habang sinisigaw ang katagang yan. Wala manlang ibang nakakita na pumunta ako sa banyo, nagiisa lang ako kasama ang lalaking to.
Kailangan ko si Kleigh. Nasan na ba kasi sya?
Nakailang katok ako sa pintuan, kung kayang kong sirain ang bagay na ito kanina ko pa nagawa sa sobrang inis at takot ko. Parang may malaking bara sa lalamunan ko at parang gusto ko ng umiyak ng todo.
Nakaupo lang sya sa gilid ng lababo habang hawak hawak ang panga na nakita kong may gasgas ng kaunti ng dahil sa pagpukpok ko ng pouch ko sakanya.
"Buksan mo na lang to, aalis na ako" sabi ko sakanya pero nakatingin lang sya sa singsing na suot suot ko. Agad kong tinignan ang kamay ko, ang pula at may dugo pa sa singsing ko ng dahil sa pagpukpok ko ng malakas sa pinto na nasa harap ko.
Hindi ko na naramdaman ng dahil sa pagkamanhid ng kamay ko. Maging ang konting dugo sa leeg ko ay di ko na pinansin. Makalabas lang ako dito.
Baka hinahanap na ako ni Kleigh.
"You didn't how much pretty you are?.. Missy. I badly want you right now" nakaramdam ako ng kamay sa likod ko. Napaka bilis. Ni minsan ayaw ko syang lingunin. Nakakaramdam ako ng sobrang takot, tulad na din ng nararamdaman ko kay travis noon.
Ayokong may ibang tao na makakitang ganun nanaman ako.
Lumalabo ang paningin ko at tingin ko'y babagsak na ako sa sobrang hilo. Ganito rin nung mga nakaraang araw, nakakahilo.
BINABASA MO ANG
Chase her Innocence
Vampirgeschichten"He owns me with a touch of a lover but his eyes hides the lie of what he truly is... a monster."