Her Pov
*few days later*
"Bakit?..Okey ka lang?.." Pinaupo pa ako ni kleigh sa kama tsaka inabot yung baso ng tubig na dapat ay iinumin ko.
"Kleigh..." Halos hindi ko na masyadong maaninag si kleigh sa hilong nararamdaman ko. Tingin ko tumitibok ang ulo ko sa sobrang hilo. Sobrang sakit.
"Ano bang nangyaya--"
di ko na narinig ang sinasabi ni Kleigh at tumakbo na ako sa banyo. At nagsuka.
Huhu..
"Magsalita ka nga! Buksan mo muna to" Nag aalalang tanong nya habang kumakatok sa banyo. Napasandal na lang ako sa pader ng banyo habang hawak hawak ang sumasakit na puson ko.
Meron nanaman ako.
Parang gusto ko ng umiyak. Sobrang sakit ng pakiramdam ko lalong lalo na sa puson. Last napkin na lang ang nandun sa bag ko. Hindi naman ako nabili dahil wala man lang bilihan dito.
Hindi pa ako pinapalabas ni Kleigh. Ewan ko kung saan bibili.
Di ko na din alam kung anong gagawin? Kung anong susunod?
"Gail..Buntis ka ba?! Daddy na ba ako? Di pa kita inaano a--"
"Manahimik ka!"
Alangan naman sakanya pa ako magpabili. Hindi naman ata pwede yun.
Ng makapaghilamos na ako at makapag ayos na medyo ang sarili ko'y binuksan ko na agad ang pinto at tulad ng inaasahan ko nandun si Kleigh.
"Bakit ba?" Pambungad na tanong nya sakin habang nakakunot ang noo.
"Nahihilo ako eh" simpleng sagot ko tsaka inunahan syang maglakad.
Ewan ko kung pano makakabili.
"Ng ano?" Tanong nya. Nabasa nya siguro ang iniisip ko.
"May gusto ka ba o ano?" Tanong nya pa rin ng makarating ako sa kama at sumalakpak.
Umiinit ang mata ko at di talaga matatangi masakit ang puson ko ng mabalot na sakin ni kleigh ung makapal na kumot. Ayokong mapasukan ng hangin.
Mas lalong sasakit,
Last na pantapal na lang ang gamit gamit ko ngayon. Pagsunod nun. Wala na. Wala na akong gagamitin.
Naramdaman kong humiga din sya sa kama at nakatingin pa sakin. Napa mulat tuloy ako.
"Ayaw mo bang mag umagahan?"
Andami nitong tanong.
Pinikit ko na lang ang mata ko at hinila ang gray tshirt nya at parang piniga gamit ng kamay ko. Wala naman syang imik.
Nakakatakot naman kasi eh.
diba bampira sya? Baka mangaylangan pa sya ng dugo..
At yung ano..KO pa ang mapagtripan. Confidently beautiful with a pempem pa naman ang laging gusto ko. Nakakaawa naman ako.
Ah! Grabe ano ba tong mga naiisip ko.
Nakailang bukas mata at pikit na ako, pero di ako makatulog. Gusto kong makatulog para mabawasan naman ang nararamdaman kong sakit. Ang aga aga pa naman kasi eh. Tsaka kakagising ko lang talaga.
"Wag mong piliting matulog" pagsasabi pa sakin ni kleigh.
Kanina pa ako di nagsasalita. Sya naman dada ng dada.
"Ano ba talagang problema? Wala ka namang lagnat ah" sabi na lang nya ng makaupo ako sa kama at makasandal ako sa headboard ng kama. Nailagay pa nya ang mga kamay nya sa buhok nya at napatingin sakin.
BINABASA MO ANG
Chase her Innocence
Vampiros"He owns me with a touch of a lover but his eyes hides the lie of what he truly is... a monster."