Her pov
* 4 days later*
"Balot na balot ka naman yata ngayon, asawa ko." Narinig kong sabi nya habang pababa ko sa hagdan, malamang inaasar nanaman ako. Nasa sofa lang sya habang nakadekwatro ang paa. Umiinom nanaman sya ng alak.
"Mukha kang manang" pang aasar pa nya habang tinitignan ang suot na damit ko.
Mas okey nga to eh. Hindi na nya ako mababastos.
Di ko sya pinansin at pumunta sa labas. Kahit naman siguro anong gawin ko di ako makakaalis sa mansion na ito.
"Wag mo kong sundan" malamig na sabi ko sakanya.
Nakita ko namang sumunod sya sa utos ko. Aba, dapat lang. Aga aga ay mambwibwisit nanaman ang kurukyang to.
Napasandal lang ako sa pader at inalam ang realidad sa katang isip lang.
Di ko na alam.
Walang signal dito, walang kwenta ang cellphone. Di nanaman bumalik si manang, gusto gusto ko nang makaalis dito. Mas okey pa sa syudad, uhh..
Karma ba to dahil sa pag iwan sakin ng boyfriend ko?
Nakakainis lang.
Tingin ko'y napakadami na agad ang nangyari ng dumating ako sa bahay na to kasama sya. Napaka weirdo nya at isa na lang talaga ay maiisip ko ng takas sya sa mental.
"Umalis ka sabi sa kwarto ko eh!" Bulyaw ko sakanya habang patuloy pa din sya sa pagkatok ng pintuan ng kwarto ko,
"Sinong kinakausap mo dyan?" Tulad ng inaasahan ko sumulpot nanaman sya. Kung saan saan. Kung hindi sa banyo edi sa kwarto.
"Matutulog ako. Umalis ka na sa bahay, palaboy laboy ka ga--"
"Dito tayo nakatira" simpleng sagot nya. Permanenteng nakasandal pa sya sa pader ng kwarto ko habang naninigarilyo. Uugh..
"Wag ka ngang manigarilyo dito, baho baho eh" angal ko at nakita ko pang nagbuga pa sya ng maraming usok mula sa bibig nya. Parang tange lang eh.
"Wag ka sabi eh" naiinis na sabi ko sakanya.
Bakit ba di nalang sya umuwi sa bahay nya? Nakakainis.
"Dito nga sabi tayo nakatira" pagpupumilit nya pa.
Isa pa tong mind reader, talagang sasab--
"Suot mo yun" sabi nya habang may nginusong direksyon. At ako na si tangang lumingon.
"Tanga ka ba?" Unang tanong ko sakanya ng makita ko ang damit na gusto nyang ipasuot sakin. Gagawin nya ba akong pokpok at pinapasuot nya sakin ang backless na pulang damit na kanina ko pa ding nakikita sa kwarto ko.
"Dali na.. Baka patulan pa kita pag nasuot mo yan"
Paki tawag si snow white, paki sabi kamo na paki poknat ang ngisi ng lalaking to.
"Snow white?" Takhang tanong nya tsaka lumapit sa damit na nakahanger sa tabi ng malaking salamin dito. Bakit mag gown ako? Tingin nya sakin!
"Suot mo" di ko manlang tinignan ang binato nyang damit sakin na nasa lap ko na ngayon. Kahit kaylan di ako magsusuot ng ganyang damit, mongoloid lang ang magsusuot n--
"Gusto mo bang ako pa ang magsuot nyan sayo?"
"Bastos" madiing sabi ko sakanya. Totoo namang bastos sya kaya bagay lang na masabihan sya ng salitang yun.
BINABASA MO ANG
Chase her Innocence
Vampiros"He owns me with a touch of a lover but his eyes hides the lie of what he truly is... a monster."