Sumusugal ang manunulat sa bawat pagtipa niya, sa bawat lapat ng tinta sa papel, sa bawat paghabi ng salita para maging storya. Hindi ka manunulat kung hindi ka marunong sumugal, maglaro, at makipagtalo sa mga samu't saring boses sa 'yong isipan. Hindi ka manunulat kung hindi mo hahayaang lagpasan ang itinakda mong limit sa 'yong sarili.
Nandito ka na, nagsulat ka na rin kung minsan, pero tanungin mo ang sarili, naisulat mo na ba ang storya na minimithi mo? Walang manunulat na kuntento, may manunulat lang na ngingiti sa natapos na kwento, at magpapatuloy muli.
At nandito kami, ang Diabolical Writers sa patimpalak na CATHARSIS, para hayaang mamunga ang letra bilang salita, salita bilang pangungusap, pangungusap bilang storya.
Para makamit 'yon, naniniwala ang Diabolical Writers na ang isang manunulat ay natataglay ng iba't ibang katangian. Pero tulad ng sabi namin, malawak ang isipan ng tao, at siguro, bukas, maaring madagdagan muli ito. Sa ngayon, ito ang magiging pundasyon ng patimpalak na ito - ang katangian na gusto naming palakasin sa bawat manunulat.
Flexibility
Hindi lang 'to nangangahulang kaya mong magsulat sa iba't ibang genre. Ito rin ay ang kakayahang mailapat ang iba't ibang ideya sa isang storya. Bago man sa 'yong pandinig, luma man na ayaw mong harapin, bilang manunulat, kailangan marunong kang sumabay sa agos ng tinta papunta sa blangkong papel.
Creativity
Lumapat na ang daliri mo sa keyboard, gumuhit na ang tinta sa pahina, pero hindi mo basta hahayaang maging isang salita o isang tuldok lamang ito.
Pressure
Hindi lang pagtitimpla ng salita ang ginagawa ng isang manunulat kundi kasama ang oras. Tamang takbo ng mentalidad sa pagharap ng mga deadlines at writer's block ang kailangan upang maging isa ka sa storya.
Inspiring
Walang storya na hindi kumakatok sa puso, mahina man o malakas. Lahat ng manunulat ay may katangian na dapat dinadala natin ang tagabasa sa mismong kurba ng mga salita.
Perspective/Persuading
Hindi ka manunulat kung walang parte ng pagkatao mo ang inalay mo sa bawat kibot ng 'yong galaw. Ang pagsusulat na nga siguro ang isa sa mga mahusay na repleksyon ng pagkatao ng tao, at responsibilidad natin bilang manunulat na maging hitik ito. Na alam natin hindi lang natatapos sa the end ang storya.
Research
Manunulat ka, hindi lang salita ang kakampi mo kundi impormasyon. Walang panama ang mabulaklak na salita kung hindi akma ang katotohanan.
Writing Style
Dog style. 69 style. Oops.
Writing Style, isa kang manunulat, matagal man ito dumating pero malalaman mo rin. Naguguluhan ka pa rin ba? Gusto mo bang mas malaman kung ito na nga? Samahan mo kaming matuklusan kung ano'ng meron ka.
Gusto mo bang sumali? Gusto mo bang malaman? Gusto mo bang maipagsigawan na may ibubuga ka? Na hindi ka magpapatalo? Na isa kang naglalagablab na manunulat?
SUMALI NA!
"Hayaang pumasok ang mainit, malaki at mahabang ideya para makalabas ang mga salita."
- Diabolical Writers