AkoSiIbarra
Give a short description of yourself as a writer.
Mahilig ako sa mga mysteries kaya mas preferred kong magbasa at magsulat ng mga kuwento na may ganitong elemento. Maliban sa pag-e-entertain, gusto ko ring mapaisip ang mga mambabasa ko. Para sa 'kin, ang pagsusulat (at pagbabasa) ay isang mental exercise na maghahasa sa ating mga utak para hindi pumurol.
Marami rin akong mga story ideas. Ang kaso, natatambak ang mga ito sa aking drafts. Minsan kasi'y hindi ako mapakali sa iisang kuwento. Parang may gusto akong subukang ibang plot o ipakilalang ibang tauhan. Kaya 'yon, nasa mahigit 20 na yata ang unfinished drafts ko sa laptop na hindi na masisilayan pa ng araw.
1.) In a world full of "clichés" and "tropes", how can a writer stand out?
Puwedeng mapansin ang istorya mo sa libo-libong kuwento rito sa Wattpad kung susubukan mong tumaliwas sa agos o kung ano ang uso (medyo risky, oo). At karaniwan sa mga sikat na stories ay puno ng cliches o tropes. Paano ka mag-i-stand out? Puwede mong i-"deconstruct" ang usual na cliche/trope. Puwede ring pagsama-samahan mo ang mga ito para makabuo ng medyo unique na plot at characters. Dito lubos na kailangan ang creativity ng isang manunulat. Ang pagsusulat kasi ay parang pagtitimpla ng kape: Kailangan mong sumubok ng ibang formula na may kakaibang lasa na iba sa nakasanayan ng dila ng karamihan.
2.) What are the ways to step out of the comfort zone and achieve flexibility in writing (especially when a writer is stuck on using one genre and one style only)?
Unang-una, kailangan mong magbasa ng ibang genre. Kung balak mong sumulat ng mystery/thriller tapos ni isang kuwento ng gano'ng genre ay wala kang nabasa, mahihirapan kang tahakin ang landas na 'yon. Habang nagbabasa ka, pag-aralan mo 'yung pacing, 'yung pagkakabuo ng mga pangungusap, 'yung palitan ng salita ng mga tauhan. You just don't read; you also need to observe.
Kung sawa ka na sa sarili mong istilo, puwede mong i-adapt ang writing style ng ibang "credible" author hanggang sa mahanap mo ang iyong "voice" sa pagsusulat. Kung gusto mong gayahin ang prose ni John Green, ayos lang sa umpisa dahil eventually, makaka-develop ka ng sarili mong style.
3.) What can you give as an advice for the aspiring writers who are still discovering the writers within themselves?
Basa. Sulat. Basa. Sulat. Ulit-ulitin lamang ang mga steps na ito. Maglaan ka ng mas maraming oras sa pagsusulat kaysa sa pagbabasa. Huwag mo ring hayaan na makulong diyan sa hawla ng utak mo ang mga ideya na gustong lumabas dahil guguluhin at guguluhin ka niyan. Para sa 'kin, isa sa mga palatandaan na isa kang writer ay kapag bawat minuto o oras, iniisip mo kung paano mo aatakihin ang susunod na eksena o kabanata. Kumbaga, ini-imagine mo na 'yung mangyayari. Hangga't "fresh" pa 'yon, isulat mo na para hindi mo makalimutan o mawalan ka ng gana. Basta huwag mong i-take for granted ang pagiging isang writer. Lahat tayo'y may pagkakataon para maging manunulat kaya huwag mong sayangin ang tsansang ito.