Ang Catharsis ay na-develop dahil sa maraming rants ng mga organizers, at hindi inaasahan ang pagbuo nito. Sa sobrang excited namin, gustong-gusto na namin umpisahan kaagad kahit na alam naming hindi naman kami mga organized na mga tao. Akala rin namin walang papatol. Pero no'ng auditions na halos 100 ang nagpasa, sobrang natuwa kami dahil nakapukaw pala ng interes 'tong patimpalak namin. Sadista talaga kami, at kahit na gusto namin kayong nakikitang naghihirap, gusto rin naman namin kayong nakikitang na-o-overcome lahat ng challenges na ibinibigay sa inyo. Sa lahat ng mga sumali, maraming salamat. Ang dami pala talagang writers na gusto pang matuto, at hopefully may natutunan naman kayo sa contest namin, dahil kaming organizers may natutunan sa inyo. Salamat sa nabuong pagkakaibigan. Salamat sa lahat. Sana ay makasama pa namin kayo sa pag-discover ng writers within ourselves. Salamat kay Airene na super clingy talaga. Patuloy lang tayong sumulat at patuloy tayong mag-explore para hindi tayo manawa kaka-stick sa isang position lamang. Mas mahirap na position, mas masarap. Kaya rock lang nang rock and roll lang nang roll.
-Jelly/Crispin
Naalala ko pa no'ng gagawin namin 'tong contest, ala-sais na kami ng umaga natulog. Sobrang haba (mahilig talaga kami sa mahaba) ng call sa messenger para lang planuhin. Sobrang saya nang natapos. Sobrang saya rin nang nagsimula na. Ang daming taong sumubo, ay sumubok pala, pero heto yung tatlo na umabot hanggang sa dulo (Uy dulo, deep). Sobrang nakaka-proud isipin na may nakilala ako na ganitong writers. Seryoso na ako diyan. At kung para sa inyo, maraming aral ang natutunan niyo rito, ako rin. Simula sa iba't ibang kalokohan hanggang sa pagbabasa ng stories sa inyo. Sobrang inspiring kahit hindi na ako nagsusulat masyado. Seryoso uli ako diyan. Thank you sa lahat ng contestants! Sa lahat ng mga sumubok palabasin ang... alam na. Sa lahat ng mga kasali na nagparamdam nang napalaki at napakasarap na... pagmamahal sa Catharsis. Higit sa lahat, salamat kay Jelly na super clingy rin. Thank you and congrats sa lahat!
-Airene/Basilio
The most awaited announcement!!! We are proud to present to you the TOP 3 of CATHARSIS, ang magagaling sa comma at mga titik lalo na sa malalaki, at higit sa lahat, sa pagpapa-excite sa ating lahat!
CONGRATS, EVERYONE!
2ND RUNNER UP - Unraveling by axelwrites - 92.02
1ST RUNNER UP - Deadeye Dreamwalker by DyosaEXmachina - 94.5
GRAND CHAMPION - Bruh by orangeanddemons - 94.88
KEEP WRITING! (We mean it)
SEE YOU SOON!!!