𝗢𝗵, 𝗚𝗶𝗻𝗼𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗻𝘆𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗻𝘂𝗻𝘂𝗹𝗮(𝘁) 𝘀𝗮 𝗶𝘆𝗼 𝗮𝗸𝗼'𝘆 𝗹𝘂𝗯𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝘀𝗮𝗸𝘁𝗮𝗻.
*********************
Ginoo, pag-ibig ko sa iyo'y
Aking ipinagtapat.
Ngunit sa aking pag-amin,
Puso ko ay iyong
Sinugatan.
Sino nga ba naman ako, hindi ba?
Isang hamak na binibining
Hindi tanyag at walang talento.Pero bakit ginoo?
Sa tuwing lalapit sa iyo ang binibining
Tanyag sa larangan ng pagsusulat
Ay iyong binibigyang
Pansin?Marahil siguro'y,
Siya'y sikat at kilala ng lahat.
Kay sakit namang isipin, Ginoo.
Lalo na't ang lahat ay
Malinaw na sa 'kin.Siguro nga'y tama ka!
Ang ginoong katulad mo'y
Nararapat lamang sa binibining
Tulad n'ya.Kung kaya,
Ako'y sumulat ng isang tulang
Para lamang sa 'yo.
At ito'y nais kong ipabatid sa 'yo
Na sa oras na ito'y
Iyong mabasa,
Pag-ibig ko para sa iyo'y,
itinitigil ko na.*********************************
BINABASA MO ANG
𝐓𝐔𝐋𝐀 /𝐏𝐎𝐄𝐌
General FictionSa bawat kasiyahan may kaakibat na kalungkutan. At, Sa pamamagitan ng pagsusulat, mga sa loobin ay nailalabas. Hayaan n'yong kayo'y aking dalhin sa aking pinagsamang imahinasyon at sa loobin. Mga imahinasyong naglalaman ng pawang kathang isip at kat...