Binitiwan kita dahil sa akalang
kailanma’y hindi kita mamahalin.
Ngunit, bakit ka’y sikip ng aking dibdib
ng ako’y iyong nilisan?Giliw, sa araw na iyon.
Nalaman ko kung gaano kita ka mahal.
At nais kong malaman mo kung
gaano ako nagsising pinakawalan kita.
Giliw, handa akong maghintay
sa iyong pagbabalik.Sa paglipas ng maraming taon sa
wakas, ikaw ay nagbalik.
Labis-labis ang sayang naramdaman ko,
ng ikaw ay aking makita.Ngunit agad ring nawala at napalitan
ng paghikbi, nang iyong sabihing,
“Nalalapit na ang kasal ko’t imbitado ka
doon. Sana’y makarating ka, Tamara,”Tinanong mo ’ko, kung bakit ako umiyak.
Kung kaya’y sinagot kita na iyong
ikinagulat.
“Sapagkat, ang taong pinakawalan ko’y
’di ko inaasahang mamahalin ko ng higit
pa sa aking sarili. Kung kaya’t hinintay ko
siya, ngunit sa kaniyang pagbabalik,
nalaman kong ikakasal na siya.”
BINABASA MO ANG
𝐓𝐔𝐋𝐀 /𝐏𝐎𝐄𝐌
General FictionSa bawat kasiyahan may kaakibat na kalungkutan. At, Sa pamamagitan ng pagsusulat, mga sa loobin ay nailalabas. Hayaan n'yong kayo'y aking dalhin sa aking pinagsamang imahinasyon at sa loobin. Mga imahinasyong naglalaman ng pawang kathang isip at kat...