Tulad ng isang bituin,
Ikaw ay nagniningning.
Kinang mong nakakabighani,
Pagpintig ng puso ko ay 'di mapipigilan.Ngunit tulad ng isang buwan,
Ikaw ay mahirap abutin.
Kung kaya'y napapatingala na lamang,
Upang luha ay mapigilan.Sinta, pakiusap, ako sana'y,
Huwag ng pahirapan pa.
Sapagkat pag-ibig ko sa 'yo'y,
Tapat at walang halong biro.Mga masasakit mong salita,
Ay aking tatanggapin.
Dahil ako'y isang bulag,
Na umiibig sa isang tulad mo.**********************************
BINABASA MO ANG
𝐓𝐔𝐋𝐀 /𝐏𝐎𝐄𝐌
General FictionSa bawat kasiyahan may kaakibat na kalungkutan. At, Sa pamamagitan ng pagsusulat, mga sa loobin ay nailalabas. Hayaan n'yong kayo'y aking dalhin sa aking pinagsamang imahinasyon at sa loobin. Mga imahinasyong naglalaman ng pawang kathang isip at kat...