𝗨𝗡𝗞𝗡𝗢𝗪𝗡

25 0 0
                                    

Ako ay nasa mundo ng pag-ibig, kung saan maraming nag bubulag-bulagan makuha lang ang taong kaniyang iniibig.
--------------------------------------------
Ako ay isang bulag na umiibig sa iyo, puso ay napapatalon sa tuwa sa tuwing ikaw ay papalapit na.

Ngiti mong nakakasilaw sa aking paningi't halakhak mong nagpapakiliti sa akin na tila ba'y nasa alapaap na ako.

Ngunit nang aking masilayan ang iyong mukha, puso ko ay kumirot sobra. Dahil sa akalang ikaw ay nakatingin sa aking kinatatayuan, ngunit mali pala ako sapagkat ikaw ay nakatingin sa babaeng nasa aking likuran.

Luha ko ay pumapatak, dahil sa kabiguang naramdaman. Hanggang kailan ba ako makakalaya? Hanggang kailan ba ako mananatiling nakapikit sa isang napakasakit na katotohanan?

Oh pag ibig, ako ay iyong gisingin. Gisingin mo ako sa katotohanang, pag-ibig niya kailanma'y hindi mapapasaakin.

**********************************

𝐓𝐔𝐋𝐀 /𝐏𝐎𝐄𝐌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon