𝗕𝗜𝗡𝗜𝗕𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗜𝗕𝗜𝗚

81 1 0
                                    

Binibini, patawad kong ika'y
Aking nasaktan.
Wala kang ginawa kundi ang
Pagsilbihan at mahalin ako.

Minsan nakitang iniwan ngunit,
Ako ay iyong muling tinanggap
Ng buong pagmamahal.
Ngunit ikaw ay aking iniwang muli,
Kung kaya ikaw ay nasaktan ng labis
Dahil sa aking biglaang paglisan.

At ngayong ikaw ay masaya na sa iba,
Ang pagkirot sa puso ko'y
Hindi maiiwasan.

Binibini, nais ko na iyong malaman,
Iniibig kita, ngunit hindi tayo puwede.
Sapagkat kasarian nating dalawa'y
Magkapareha.

At sa mata ng lahat ito ay makasalanan.

*********************************

𝐓𝐔𝐋𝐀 /𝐏𝐎𝐄𝐌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon