𝗛𝗨𝗪𝗔𝗚 𝗞𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞

36 1 0
                                    

Sinta, bakit ako'y iyong iniwan?
               Hindi mo ba alam?
       Ang mga pagsasakripisyo ko,
   Maging sapat lamang ako sa 'yo.

    Sinta, anong meron sa kaniyang,
                      Wala ako?
          Kay sakit namang isiping,
Ako'y iyong iniwan ng dahil sa kaniya.
           
          Dulot ng iyong paglisan,
         May sugat na naka guhit
          Sugat na naging peklat,
   Na kailanma'y hindi na maibubura.
       
          Nais kong sa iyo ay sabihing,
      Pakiusap huwag ka ng magbabalik.
              Dahil sa iyong pag-alis,
       Puso ko ay sinanay ng mag-isa.

*********************************

𝐓𝐔𝐋𝐀 /𝐏𝐎𝐄𝐌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon