𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠

9 1 0
                                    

Sakit at lungkot ang s'yang naramdaman,
Nang aking malaman na ikaw ay malapit ng mamaalam.

Giliw, dibdib ko'y sumikip nang iyong sabihing sakit mo'y hindi mo na kayang labanan.

Ngunit wala akong magagawa,
Sapagkat ang makita kang nahihirapan ay hindi ko makakaya.

Matapos kitang pakawalan,
Ikaw ay namaalam sa mundong maraming kalupitan.
Ako'y iyong iniwang mag-isa,
Ngunit patuloy na lumalaban sa pangakong aking binitawan.

Na kahit mag-isa ako'y,
Patuloy paring maglalakbay patungo sa dulo ng aking hangganan.

***************************************

𝐓𝐔𝐋𝐀 /𝐏𝐎𝐄𝐌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon