&.&
paano ko nga ba mapipigilan‚
itong aking damdaming nakalaan
lamang sa iyo‚ sinta?alam mo bang iniibig kita sa
paraang iyong hindi alam?
sa t’wing akda mo ay dadaan,
ito ay aking binabasa.
at sa t’wing ito’y aking binabasa‚
ako’y napapangiti at napapahiling
na lamang‚ na sana ikaw at ako
ang s’yang bida sa iyong malaro-
romantikong ginawa.alam kong ito ay malabo‚
dahil sa bawat akda na iyong
nilikha, ay siya ang s’yang laman
ng iyong isipan.masakit‚ ngunit ano ang aking
magagawa? kung ang iyong ta-
nging nakikita ay siya?
huwag kang mag-alala‚ sapagkat‚
hindi man ako ang iyong mahal‚
ako ay mananatili parin na iyong
masugid na tagahanga.***************************
BINABASA MO ANG
𝐓𝐔𝐋𝐀 /𝐏𝐎𝐄𝐌
General FictionSa bawat kasiyahan may kaakibat na kalungkutan. At, Sa pamamagitan ng pagsusulat, mga sa loobin ay nailalabas. Hayaan n'yong kayo'y aking dalhin sa aking pinagsamang imahinasyon at sa loobin. Mga imahinasyong naglalaman ng pawang kathang isip at kat...