Chapter 3

2.2K 163 51
                                    

Narda's POV:

-

Napasinghap ako sa ganda ng kwarto na binigay sa akin ni Yaya Seming. Nakilala ko ito nang dumating ako kanina lang sa mansion ni Regina. Napanganga pa nga ako sa ganda ng set up ng bahay niya, sabi nga ni yaya Seming eh sariling pera ni Regina ang binili nito sa mansion. Nakakagalak naman na makita na kahit ga ano pa kayaman ang pamilya nito ay naroon parin ang pagiging independent nito. May malawak na swimming pool, may basketball court at tennis court. Pag pasok mo palang ay maiinlove ka sa ganda ng loob, ang malaking living room ang makikita mo agad agad at ang malawak na hagdan papunta sa mga magagarang kwarto.

Katabi ng kwarto ka ay kay Regina, madadaanan ko yun bago ako makarating sa kwarto ko. Tapos ang kasunod naman ay kina Rana at Alice, kina yaya Seming at Mang Ramon na mag-asawa pala. Sa baba naman ay para sa sampung bodyguards at limang security guards ni Regina. Protektadong protektado ang amo ko, siyempre hindi rin naman basta basta ang yaman nito. May dalawa ding katulong na nasa 2nd floor lang din ang mga kwarto para sa mga ito. Sabi nga rin ni yaya Seming ay may mga guest room daw din pero nasa underground? May underground pa nga. May sariling opisina pa nga si Regina kung saan nandon din ang library, para talaga akong nakapasok sa isang hotel na 5 star.

"Anak, may kailangan ka pa ba? At nananghalian ka na ba?" Hindi ko namalayan na nandon lang pala si yaya Seming sa labas ng pintuan na iniwan kong nakabukas lang.

Mabait ang matanda sakin na ikinasaya ko naman. Nasa edad 50 plus na ata eto at ang sabi nito, bata pa daw si Regina ay siya na ang nag alaga rito. Hanggang sa magpatayo ito ng sariling mansion ay lumipat silang mag-asawa, sinama sila ni Regina. May isang anak daw ito na lalake na ngayon ay isang magaling na guro sa isang pribadong unibersidad dito sa Manila.

"Busog na po ako, Nay. Salamat nalang po." Nahihiyang tugon ko sa kanya.

Nong pumunta kami ni Manong Ramon sa bahay ni Ding ay kakagising lang nito. Pinakain ko nalang din don si Manong Ramon at nagpaalam na sa kaibigan ko. Sinabihan ko siya na bibisita naman ako pag hindi na busy ang schedule ko, siguro naman bigyan ako ng day off ni Regina kahit isang araw lang sa isang buwan..

"Wag kang mahiya rito, pamilya ka na. Ang mahalaga ay ingatan mo yong alaga ko, mahirap siyang intindihin pero masasanay ka rin naman, neng." Nakangiti nitong turan sa akin. Ngumiti lang ako sa magiliw na matanda. Totoo ata sinasabi nito, mahirap pangitiin ang isang Regina Vanguardia..

"Hala sige, maglakad lakad ka sa labas ng mansion o baka gusto mo mag ikot sa loob. Pero wag ka papasok sa kwarto ni Regina, ayaw niya na may pumapasok don. Kahit ako minsan lang maka apak don pagnililinisan ko, ayaw niya ibang tao pumasok don." Mahigpit na bilin nito sa akin. Tumango lamang ako at nagpasalamat rito.

Alam kong mamaya lamang ay pauwi na si Regina rito. Malapit na mag 5pm kaya inayos ko ang sarili ko. Suot ko parin naman ang suot ko kanina pero naka pang loob na tsinelas na lamang ako. Nagpabango ulit ako dahil ayaw kong magmukhang pawis sa harap ni Regina baka magbago isip non at pauwiin pa ako..

Alas syete na ng gabi na saktong dumating ang sasakyan ni Regina at nasa kusina ako, mapilit akong tao. Gusto ko tulungan sila yaya Seming na magluto kasi naman wala akong ginagawa para lamang akong nagbabakasyon. Nahati ang dining area sa tatlo. Yung isa ay para sa mga mag luluto, yung isa naman ay kung saan ang magarbong hapag kainan na parang may 15 seaters ata at yung isa ay kung saan nandoon kumakain ang iba pang naririto sa bahay sabi ni yaya Seming doon sila kumakain pag gusto nila kumain ng tuyo, at baka doon ako kakain kasi naman paborito ko ang tuyo.. Magkatabi naman ang mga kusina yun nga lang may mga pintuan which what divide the places..

Maingat kong nilapag ang mga pagkain na si yaya Seming mismo ang nagluto dahil ayaw ni Regina ng ibang luto lalo na pag nasa bahay lang siya..

"O nandito ka na pala nak, umupo ka na't kakain na tayo." Kinabahan ako nang marinig ko ang sinabi ni yaya Seming. May narinig nga akong mga yapak ng magarang heels at alam kong huminto ito sa may dining sliding door..

"You're here na pala. I thought wala pa kayo since hindi ako kinuha ni Mang Ramon." Napatingin ako sa gawi ng nagsalita at ayon, ba't ba kasi sa tuwing nakikita ko tong babaeng to mas lalong gumaganda sa paningin ko?

"Magandang gabi po, Miss Regina. Ah si Mang Ramon po kasi sinabihan ni ya Seming na bumili ng mga prutas kasi malapit na daw maubos. Kaya daw si Mang Julio ang pinakuha po sa inyo." Pag bati at sagot ko rito. Nakita ko si Rana at Alice na sumulpot sa likod ni Regina at nakangiti ang mga ito sakin.

"Hi Narda, ang ganda mo ngang talaga!" Nakangiting sabi ni Rana sakin. Napangiti nalamang din ako at nakita ko si Regina na papunta sa kung saan siya uupo which is the center. Binigyan ko siya ng daanan at ayon na naman! Yong bango na dala dala niya ano ba naman kasing pabango yan?

"Umupo ka na, Narda. At salamat sa pagtulong, anak." Masayang sabi ni yaya Seming sakin. Napatingin ako kay Regina na naka-upo lang at seryoso parin ang mukhang nakatingin sa mga pagkain.

"Ay don nalang po ako, Nay Seming, sa isang kusina kakain nandon naman sina yaya Trining at yaya Cece." Magiliw na sagot ko kay ya Seming na ngayoy naka upo na katabi si Mang Ramon sa may left side ni Regina, katabi rin nila si Rana at Alice. Ba't walang umuupo sa right side ni Regina?

"No, Narda. Beside me. You're eating beside me. So please take a sit para naman makakain na tayong lahat." Ma awturidad na turan ni Regina. Kinabahan naman ako at di na nag reklamo, kinuhanan ako ng plato ni Ya Seming at inilapag sa may right side ni Regina. Kinindatan pa nga ako ni Ya Seming at ngiting ngiti lang si Mang Ramon, Alice at Rana.

Di ako mapakali na kumakain, unang gabi kong kasama si Regina at ito na ang nararamdaman ko! What is this behavior, Narda Custodio? Ang lapit lapit lang niya sakin at amoy na amoy ko ang pabango niya! Kahit na ang bango din ng mga ulam mas nangingibabaw naman talaga ang bango ni Regina. Sinulyapan ko siya na tahimik lamang na kumakain, nabigla ako nang makita kong ngumunguya siya ng mahinhin habang nakatingin siya sakin??? Why does she have to chew her food seductively with her eyes fixed on me and just right in front of my salmon! T_______T

Yung mga mata niya, kanina niya pa ba ako tinitignan? Bakit? May dumi ba ang mukha ko? Napapangitan ba siya sakin? Ramdam na ramdam ko ang mga titig niya sakin ngayon, pinilit ko nalang na kumain at napatingin ako sa gawi ng mga nasa harap ko na halatang nag oobserba sa aming dalawa ni Regina, halata naman kasi palipat lipat ang mga mata nila sa aming dalawa habang kumakain ang mga ito..

Adore You | Darlentina |Where stories live. Discover now