Nasa baba lang ako ng tatlong steps papunta sa magarang lamesa ni Miss Regina. She's just staring at me, up and down then up at yon nga nag meet na ulit ang mga mata namin. Alam kong maginaw ang ac pero Lord pinagpapawisan ako ng malapot! She's just staring at me at ako naman tong nabibighani sa ganda niya na may konting hiya sa mga titig niya.
"Do you want to know why I hired you right away, Narda? Because I think you're capable of handling all my schedules either personal or not. This is your first work experience right?" Sabi nito sa akin na hindi ina-alis ang mga mata sakin. Napalunok nalamang ulit ako..
"Ah opo, Miss Regina. First time ko po na makapasok sa isang napaka malawak na kompanya." Mabilis kong sagot rito at pagkuway nginitian ito ng kaunti.
"Okay. As you can see the women that are sitting on that wooden table over there are Alice and Rana. They're my assistant, cook, office assistants, travel buddies, and a lot more. They live with me and they go with me anywhere I go. Pero minsan they have no care about my schedules which is very important for me. I need you, Narda." Kalmadong turan nito. Napatingin naman ako sa gawi kung saan andon ang mga babae, ngumiti lamang ang mga ito sakin. So these women are her personal helpers? Ang amazing lang.. Bigla akong nabilaukan sa pa "I need you, Narda." ni Miss Regina. T_____T
"One more thing, you'll be staying in the mansion with me. With us. Is that a problem? Kasi kung may problema don we can just look for another. Though sayang because I got my eyes on you for a reason." Salita nito ulit habang naglalakad papunta sa living room ng office, nilagpasan niya ako at umupo sa leather na couch.
Napapikit ako sa mamahaling pabango nito nang dumaan si Regina sakin. Sinundan ko siya ng tingin at ngayo'y nakatalikod itong naka-upo kaya mabilis ko siyang sinundan at doon hinarap ito habang nakatayo parin. Jesus! Her scent is not helping my wilding heart right now! And to think na maninirahan ako kasama ito is what makes me feel excited and nervous!
"Miss Regina, wala naman pong problema sakin if don ako mag stay sa mansion nyo. Kukunin ko ang mga gamit ko kung gusto nyo ngayon din." Pilit ngiting sabi ko sa magandang babae sa harap ko ngayon na naka cross arms and legs na naka upo. And there it is again! Those seductive eyes na nakatingin na naman ulit sa mga mata ko!
"Get your things ready then, and Rana? Get Manong Ramon to drive Narda Custodio to where she lives right now." Sabi nito habang nakatingin na kung saan nandon ang dalawang babae. Nakita kong tumayo na ang tinawag niya at lumabas agad..
"And Narda, you're hired. You'll be starting tomorrow so right now I want you to pack your stuff and the driver will accompany you to my mansion. Just stay there while wala kami and yaya Seming will give you details about your room there. Naiintindihan mo ba ako?" Pagkuway sabi nito na nagpa gising ng aking katangahan. Nakahalata siguro ito na pabalik balik ang tingin ko sa mga mata at labi nito. (((: Ano ba kasi tong kabaklaan ko buhay na buhay pag nakikita ko si Regina..
"Ah opo, Miss Regina. Naiintindihan ko po. Maraming salamat po talaga, gagalingan ko po para sa inyo." Masigla kong turan rito at nag bow bilang respeto at pasasalamat na rin rito. She just stood up again and gave me a simple smile.
Yung ngiti niya kahit hindi abot sa mata at kahit hindi lumabas mga ipin niya ay masaya na ako at mas parang mas nasayahan pa ako don kesa sa pagtanggap sa trabaho. T____T
Iba na ata ang rason ko kung bakit dito ko pinili mag trabaho ano ba naman to..."You're welcome. Alice, call the mansion and tell yaya Seming about Narda's presence and needs when she gets their." Yon lang ang sabi nito at saka bumalik na sa mesa nito.
Nakita kong papunta sa akin si Alice at binukasan ang pintuan para sakin. Nagpa alam ako ulit kay Regina pero hindi na ito tumugon at nakatuon ang attention nito sa kung ano man ang pinipirmahan nito. Lumingon ulit ako bago isinarado ni Alice ang pinto para makita kong ulit ang napakagandang babae na noon ay sa TV ko lang natatanaw. Busy lang talaga ito sa ginagawa at hindi na lumingon sa pag-alis ko, I mean sino ba naman ako para lingunin pa diba? Si Regina Vanguardia siya, ako lang naman to si Narda Custodio, handang mahalin siya.. :))))
Regina's POV:
-
I've seen the door shut and I just smiled by the thought na may bago na akong executive personal assistant. The old one chose to betray me, buti nalang at sinunod ko ang instincts ko. That old assistant is working with the rival company to shut me down. This is my great grandparents legacy, at ako ang sumunod since my mom chose to become a doctor and made hospitals for the people in need all over Asia and some places in Europe.
"Miss Regina, tatawagan ko na ang mansion. By the way po, ang ganda ganda ng bagong PA nyo nu? Tapos parang mabait din." Agaw nito sa attention ko while I'm still signing papers.
And I agree. Narda Custodio is a woman with beauty and her appeal is strong. She's cute, I noticed that when she was smiling. When Dawn gave me her online documents and when my eyes landed on her picture I even thought na baka application for a celebrity. She looks angelic, which I find rare by the job she chose. Ma kaya niya kaya ang kamalditahan ko? Can she handle me? I'd have to see that as days would pass..
"Yes she's pretty. But I need her skills, hindi ang ganda niya. Now as you can see, Alice, I am very busy here. Gawin mo na ang pinagagawa ko sayo please lang." Sabi ko nalang rito habang nakatingin parin sa mga pinipirmahan ko.
"Ay sorry, Miss Regina. Excited lang po ako kasi feel ko magiging close kami non. Pero sige po, stop na ako sa pagiging madaldal hehe." At madali itong lumabas ng office ko nang makita nito na inilapag ko na ang pen ko. She knows I have anger issues when they're so madaldal to me..
I turned around the swivel chair and leaned on it while I'm watching how busy the life is of the city today.. I can see all of them but they can't see me here. I have a habit of just watching these people from afar and wondering what life stories do they have one by one. The all look lonely like me...
YOU ARE READING
Adore You | Darlentina |
Hayran KurguI'll make this story short lang siguro.. Pasensya na sa mga errors 🤗