Ilang buwan na din ang dumaan simula nang nagtatrabaho ako para kay Regina. Ilang buwan na rin po na wala akong tulog dahil natutulala nalang talaga ako sa kagandahan niya, siya ang umuukupa sa isipan ko pero ano bang bago? Simula nang una ko siyang masilayan sa TV ang lakas na dating niya sakin non, lalo na ngayon. Si Regina naman, sa mga araw na lumipas nararamdaman kong seryoso lang siya sa lahat ng ginagawa niya, pero ilang beses din akong nabibigla sa kasungitan niya pag mainit ang ulo niya. Kagaya ngayon..
"Can anyone tell me what's happening with the event last night!? Ano ba naman kayo?? Hindi puedeng ipalabas sa media na may anak na ang isa sa ating biggest star! There's so much articles about it and it is stressing me out!!" Bulyaw nito sa emergency meeting na pina schedule nito sakin.
Nakita ko ang tatahimik na mukha nang mga naglalakihang isda sa industriya nang entertainment. The people are a lot older than Regina even, the power that this woman holds is something you don't get to see everyday. Nakatatak na ang pangalan niya kahit sa labas ng Asya. And here I am being nervous because she's going to be not in her normal mood for the whole day.
I excused myself out of the conference room since I know I'm not needed there, nandon ang mga secretary ni Regina to tell me all the up coming appointments and scheduled dates. Bumalik ako sa floor ng CEO at pumunta sa pantry. Nakita kong may tao doon na parang familiar sakin, he's drinking coffee and Rana's keeping him company?
Napatingin naman si Rana sa akin at tumayo sa kinauupuan nito, inakay niya ako palabas ng pantry."Puede samahan mo muna siya? Kailangan kong tulungan si Alice na maghanap ng mga importanteng papeles sa storage room. Lagot kami kay Miss Regina, wala pa naman yon sa mood." Mahinang sabi nito. Napalingon ako sa loob ng pantry, glass door at glass lang din ang wall so kitang kita ko ang naka-upo ngunit nakatalikod na lalake.
"Sino siya?" Tanong ko kay Rana.
"He's Mark Vallesteros. Yung palaging nagpapa schedule ng lunch/dinner date kay Miss Regina and gets cancelled all the time naman. That's her ex boyfriend." Chika naman ni Rana.
Aray. Kaya naman pala familiar. Yong lalake palang ilang buwan kong naka cancel since Regina always told me to cancel all the time as in walang palya.
"Okay ako na bahala rito." Malumanay kong turan kay Rana at agad naman itong nagpaalam na umalis.
Pag pasok ko sa pantry ay kumunot ang noo ng lalake. Hmmmp mas pogi ako sayo! Nag bow lang ako ng unti sa kanya bilang pag bati at nagtimpla ng sariling kape. Nakatalikod ako sa kanya habang ginagawa yon pero alam kong nakatingin lang siya sakin na parang ikinainis ko naman.
"I know you, you're Regina's PA. I thought nga isa ka sa mga kaibigan niya since you don't look like a PA at all." Preskong sabi nito sakin na nagpatiim naman ng bagang ko. Kung hindi nga lang to bisita ni Regina baka binigwasan ko na to! Humarap ako sa kanya at pilit na ngumiti rito, kumuha ako ng silya sa mesa pero hindi ako umupo sa harap niya. Bakit kumukulo ang dugo ko sa lalakeng ito??
"May iba ba kayong gusto, Sir? May pizza sa fridge puede ko namang e heat sa microwave." Walang gana kong sabi sa kanya. Kailangan ko paring e entertain ito kasi nga bisita pero labag ito sa gusto kong gawin. -____-
"Oh no need, I don't eat wasted cheap foods. This coffee will do. Isa pa, si Regina ang sadya ko dito. I can't wait to see my girl." Sabi pa nito habang ma preskong inangat ang coffee mug nito while having that idiotic smile. I never thought that I would dislike someone this much, mabait naman ako kahit sa mga tambay samin??
"Okay po. Magsabi lang po kayo if may kailangan kayo." Sabi ko nalang at hinigop ang kape ko ng matamlay.
"Yeah thanks. But you know what I think I want something. And I know you can give it to me." Napasmirk pa ito. Feeling main character ang gagu sarap bigwasan talaga!
YOU ARE READING
Adore You | Darlentina |
FanfictionI'll make this story short lang siguro.. Pasensya na sa mga errors 🤗