As I'm walking straight to my office, I've seen Kelley approaching Narda. Napahinto ako sa pag lakad when I've seen how she's so touchy on Narda. I crossed my arms and raised my brows. Yong bodyguards ko nandon na sa likod ko wondering why I stopped. They just stand by the elevator on my floor though. Pati si Alice at Rana napahinto at napatitig sa reaksyon ko at napatingin sa gawi nila Narda na nag uusap at si Kelley sa bilogan at malaking front desk for my secretaries.
Si Kelley kung makahawak sa arms ni Narda alam mo talaga na may pinapahiwatag, Narda on the other hand seemed so innocent with whatever is happening.
And if you're wondering bakit nandito na si Narda? Palagi itong nangunguna na pumasok sa office nagpapahatid sa driver dahil yon ang bilin ko palagi.But today is different, parang gusto ko na siyang isabay sakin.
"Ah, good morning, Miss Regina." Sabi ni Dawn na nakita akong nakatayo na di kalayuan. Napatayo din ang dalawa ko pang secretary at bumati.
I've seen Narda's face, she looked like a girlfriend being caught in the act infront of her partner. I didn't smile, tumango lang ako sa mga secretary ko and I stared on Narda's eyes. The poor woman is so confused. My eyes again landed on Kelley's hand na nasa arms ni Narda. Biglang gusto kong mag dabog, I know I look so mad right now but I don't care? I've seen how Kelley calmly took her hand off Narda's arms and greeted me. Girl, ang sarap mong ipatumba how annoying!
I didn't say a thing and just walked past them. I feel like my head is about to explode ano tong nararamdaman ko?
Narda's POV:
-
Nakita ko nawala sa mood si Regina na parang nagdabog papuntang office niya. Kinabahan ako sa mga tingin na ibinigay niya kanina, pero mas kinabahan ako sa tingin na ibinigay niya kay Kelley. Bakit ba naman kasi feeling close tong isa eh hindi ko naman kinakausap, nag-uusap lang kami tungkol lang sa trabaho.. Pero bakit naisip ko bigla na nagseselos si Regina? HAAAAA!?? Impossible yon, parang may personal na galit lang talaga siya kay Kelley...
Napa excuse ako sa mga tao sa labas at nakita kong umiiling iling si Rana at Alice sakin na ngayon ay kausap ang mga secretary ni Regina. Itatanong ko sana bakit pero kailangan malaman ni Regina schedule niya right away kaya pumasok agad ako sa opisina niya. Kumatok muna ako at nakita ko siyang naka-upo at busy na may tinitignan sa laptop nito..
Alam kong alam niya na nandito ako, pero di niya ako tinitignan at parang galit na nagbabasa sa computer screen nito. Napalunok ako. Bakit pakiramdam ko ang ganda ganda niyang lalo ngayon? Nahihibang na ata ako, what even is this feeling...
"Um Miss Regina, yong schedule ninyo pala today." Sabi ko rito habang akmang ibinibigay ang isang papel. She told me to just give her schedule through paper.
Hindi ito sumagot at parang ang lakas na ng click sa mouse nito na nandon parin ang mga mata sa computer screen.. Hindi ko alam anong gagawin ko, wala siya sa mood I noticed.
"Cancel all my schedule for the day, I have a date for the whole day." Walang gana nitong sabi pero may diin. Para namang bigla na sumakit yong puso ko. Bakit nga ba?
Nakita kong tumayo ito, at naiwan akong nakatayo sa harap ng office desk niya. Dinaanan lang ako ni Regina at kinuha ang bag sa mamahaling couch nito. Sinundan ko lang ng tingin at bawat galaw niya at parang handa na itong umalis para makig date!?? Kakarating niya lang????
"Miss Regina, hindi po kayo puedeng umalis---" What??? Anong sabi ko? Pota hindi ko alam anong sinasabi ko? At bakit ba gusto kong magdabog??
I've seen how Regina turned around and look at me with all the confusion and kasungitan written all over her beautiful face. Napalunok ulit ako. Gusto ko tampalin ang aking bibig!
"What are you talking about, Narda?" Na mas nagkasalubong ang kilay. Taena gusto kong lumuhod?? Ano ba tong nasa isip ko. T_T
"I'm talking to you, Narda. Anong hindi ako puede umalis?" The confusion on Regina's face made me wish na mag open nalang sana ang lupang kinatatayuan ko at kainin ko! Napalunok lang ako habang nakatitig sa magandang mukha nito..
"What's wrong, Narda? You don't want me to go?.. Away?" Luh yong mukha ni Regina nang iinis na?? Bakit ako tulala!? Nakita ko na biglang naging galit ang mukha nito at mas lalo akong kinakabahan!
"H-indi ka kasi puede umalis dahil kararating mo lang?" Sabi ko rito na pilit nagpapakatatag sa kinatatayuan ko. Tapos naging parang gago pa rason ko. Nakita kong nawala ang galit sa magandang mukha nito at isang kilay nalang ang nakataas. Nag cross arms ito at nag salita..
"Do you want to come with me, Narda?" Mahinahon ngunit seryoso nitong sabi. Pota talaga napagkamalan pa akong sasama? Ayaw kitang umalis Regina, dito ka lang at wag kang makipag date??? Yon. Yon yong gusto kong sabihin. T_T
"Narda?" Oh when she calls my name even if it sounds like she's mad or bossy, I would kneel.
"Yes po, Miss Regina. Gustong gusto ko sumama." What? Gustong gusto talaga?? Hindi lang gusto???
Tinitigan ako ni Regina at parang gusto basahin buong pagkatao ko. Ako naman na lunok ng lunok lang..
"Okay, you're going with me. Which sounds good, baka kasi pagbalik ko may nakatambay na naman na malas sa opisina mo." Malditang turan nito. Napa-isip naman ako sa sinabi niya..
Tambay sa opisina ko? Tapos bakit biglang naging ganito ako? Selos na selos ako sa idea na may date ang crush ko?? Omg crush ko si Regina?? Ha? Parang tanga syempre matagal na. Mahal ko na ata... Pero no, dapat crush lang kasi klaro naman na hindi ako papatulan. Saan nga ba nakakabili ng gayuma?? De jk lang. Pero bakit ganito selos ko nakakahiya na bigla.
Hindi ko namalayan na nakapasok na pala si Rana sa loob ng opisina ni Regina habang tulala ako. Lumapit ako sa kung saan may ibinigay si Rana kay Regina na susi ng car. Napatingin ako kay Rana na nginitian lang ako ng nakakabaliw.. Nilingon ako ni Regina na ngayon ay nabigla na nasa likod niya na ako pero nakabawi naman ito agad.
"Here, you're driving." Seryosong bigay nito sa susi ng sasakyan nito..
"What if hindi ako marunong mag drive, Miss Regina?" Pabiro kong sabi sa kanya. Nakita ko na sumimangot ito at tinalikuran na ako palabas ng office pero nagsalita ito..
"What if hindi kita isasama?" Lingon nito sakin ulit na nakasimagot parin. Mabilis pa sa kidlat na sinundan ko siya agad palabas. At habang naglalakad kami papuntang elevator ay nag salita ako..
"Joke lang po, Miss Regina kahit tao nga kaya ko ma drive----??" POTA. Anong sinasabi kooo???
Nakita ko na nilingon ako ni Regina na naka awang ang bibig sa sinabi ko. Napahinto pa mga ito. Alam kong namumula na ang mukha ko sa hiya. Bakit walang preno ang bibig ko??
"Really, Narda? So you're a top?" Walang preno din nitong sagot. Nanlaki ang mga mata ko habang nakita ko siyang nag smirk at parang aliw na aliw sa nakikitang reaction sa mala kamatis kong mukha...
Napakurap kurap ako sa aking kinatatayuan. Nakatalikod na si Regina sakin at papasok na ng elevator kasunod ang mga bodyguards nito. Bago ako napatakbo para habulin ito ay lumingon ako sa paligid at nakita ko ang tumatawang mga mukha nila Rana at Alice, pati na ang mga secretary ni Regina?? Ano ba kasi pinagsasabi ko at bakit biglaang ganon ang sinabi nito? Lord, babaliwin ata ako ni Regina?? T___T
******
Hi! Now lang nag update. This is for Tanggshy pala din. Isang chapter muna, nahanap ako ng readers sa twitter baka mag welga na. Also kita ko rin ah na tinatanong nyo buhay pa ako?? Taena nyooo pero labyu parin. Yong next update soon, tulog muna ako ... Thank you sa paghihintay..My twitter pala; @tequilababie
YOU ARE READING
Adore You | Darlentina |
FanfictionI'll make this story short lang siguro.. Pasensya na sa mga errors 🤗