Neil: Return of the Beloved

38 3 0
                                    

Alvin's POV

2 days after ng case na yon ay nakalat na ang balita na nandito sa Tokyo and TD..

'A member of the famous Teen Detectives solved a case in Tokyo' sabi ng headline ng newspaper..

"So, yun pala ang ginawa mo ano?" sabi ni Sherry sabay sip ng coffee niya "Good job bespren"

"Pero infernes ah, base sa kwento mo, ang hirap ng case na yon" sabi ni Kath

"Eh ano pa bang expect niyo, magaling din sa science si Alvin" sabi naman ni Josh.

Oo bati na kami nung mokong na yon. Bati na din sila ni Sherry, pero di sila nagpapansinan.

"Kelan daw ba pupunta dito si Neil? Miss ko na yung porkchop na yun eh" sabi ni Yzza.

"Mamayang 2:30 ng hapon siya lalapag dito. On flight na siya. Kakatext lang niya bago sila magtake-off" sabi ni Mam Bernal.

------- Meanwhile... ---------

3rd Person's Point of View.

Kanina pa hindi mapakali si Neil. Nakaka-asar kasi yung katabi niya. Feeling close

Porket kilala nung katabi niya ang TD ay todo kwento sa kanya nito. Patay na patay daw kay Josh.

"Ahh miss... ikukuha nalang kita ng autograph kay Josh at ipopost ko sa Instagram ko. ehehehe" ilang naman na sabi ni Neil doon sa babae.

Tansa niya na nasa mga 18 or 19 na yung babae. Pero maganda ito. Maputi, matangos ang ilong, at may long, wavy brown na buhok.

Pero mas gusto niya pa rin ang childhood crush niyang si Shayne.

Nagkakilala sila nito mga nasa Grade 3 ang TD... magkakaklase sila since childhood at pare-pareho ang lebel ng utak! Haha kaya lagi silang nasa section 1.

Kaso si Shayne ay lumipat na ng school at simula non ay wala na silang narinig na balita dito.

Pero kahit ganoon, ay hindi pa rin nakakalimutan ni Neil ang mabait at magandang babaeng yun..

'Haayy Shayne.. nasaan ka na ba....?' sabi pa nito sa kanyang isip.

Lumapag na ang eroplano sa Paris.. at bababa na ang katabi niya.

"Have a safe trip Neil. Dito nalang ako. the name's Shayne by the way! Thanks!" at bumaba na ito..

"Shayne?!?!?!" sigaw naman ni Neil na ikinagulat ng ilang pasahero ngunit huli ang lahat...

Nakababa na ng eroplano si Shayne.

~~~~~~~~~~~~~~~~

Naka-abang na sa airport ang TD.. hinihintay na nila ang kanilang huling miyembro

Pero sa kalagitnaan ng lahat, nag-CR si Kath at Sherry, nag-Starbucks naman si Yzza and Josh at ang natira nanaman ay walang iba kundi si Alvin.

Nakatanggap ng tawag si Alvin hudyat na nandito na sa Japan ang kaibigan.

Alvin: Hello bro

Neil: Bro, nandito na ko

Alvin: Sige, nandito kami sa may lobby. Punta ka nalang dito

Neil: sige pre

Inend na nila ang tawag at si Alvin ay nag-grouptext na sa mga kasamahan niya:

'Guys, nandito na si Neil. Bumalik na kayo dito before 15 minutes. Inoorasan ko na kayo. Bilis -Alvin"

Exercise nila iyon. Basta pag member ka ng TD at may nagtext sa yo ng ganon, sumunod ka agad, kunde may consequences na gagawin. Ito ang exercise nila na nagtuturo sa kanila kung papano pahalagahan ang oras sa kahit anong gawain.

Ilang minuto lang ay natatanaw na ng mga kabataan ang kanilang kaibigan. Dala-dala ang isang trolley, isang hand-carry at isang backpack.

Nag-friendly hug silang lahat.

"Dami mo atang dala ah Neil" puna ni Josh

"Oi kailangan nating mag-usap mamaya ah" sabi naman ni Neil kay Josh.

"Okay na bro, bati na kami" sabay naman sabi ni Sherry at Alvin.

"Talaga?" tanong ni Kath

"Mag-uusap ba kami kung di kami okay?" pamimilosopo naman ni Alvin "Common sense naman oh, naiwan sa Pilipinas"

"Edi wow" umirap naman si Kath.

"Mabuti kung ganon" sagot ni Neil "Tara na, saan ba ang tinutuluyan niyo?"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"WOOOOOOWWWW!!! Ang lakiiiii" amazed na sabi ni Neil nang pumasok sila sa loob ng bahay ni Sherry "Kaninong bahay to?"

"Sa amin" sabi naman ni Sherry "Hindi pa kasi inaayos ni Papa yung mismong bahay na tutuluyan natin dito sa Japan-- in short, magiging bahay ko din dito sa Japan"

"Ang yamaaaaan!" komento ni Neil.

"Hindi naman masyado" natawa lang silang lahat.

"Uhhh guys may sasabihin sana ako sa inyo" bigla namang nanahimik ang lahat.

"May sinabi ka na nga eh" sabi ni Kath

"G*go, pilosopo ka talaga" sabi ni Neil

"It's pilosopA fo you, my dear brother" pagco-correct ni Kath sa kanya

"O siya, siya, ano ba yung sasabihin mo?" iritadong tanong ni Alvin.

"Naalala niyo pa ba si Shayne?" tumango silang lahat.


"Well... nagkita kami sa loob ng eroplano..."

At agad naman napa-nganga ang mga kasamahan niya na tila gulat na gulat.

"O isara ang bibig, papasok langaw" sabi niya sa kanila at sabay sabay silang nagsabi ng:

"YIEEEEEEEEEEEEEE!!!!"

-------------------

Filler Chap. Next is Yumi's Debut ❤️

The Teen Detectives: Japan Mystery (slow update... please vote?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon