Chapter 26

1.6K 63 3
                                    

Nag hintay ako sa gilid, sinamahan ako ni Jessie dito habang si Edward naman ay nasa main office ng director. 

I told him to ask kung may aayos na ba sa funeral ni Sage. Dahil kung wala I want to give her a proper funeral. Kahit iyon nalang ang magawa ko para sa kaniya.

Because until now, I still couldn't believe that she's gone, that she's not here and she's dead. I am so broken, hindi ko matanggap ang nangyari sa kaniya. 

Oh my ghad Sage, kung nasaan ka man ngayon, please forgive me for everything that i've ever done. Pinag sisisihan ko na hindi kita ipinag tanggol sa mga taong ito.

I am so sorry this happened to you, I will never forgive myself. I will never forgive them. Sorry. 

"Ghad Kate, stop crying. Alas kwatro na ng madaling araw, ilang oras na tayo dito, ilang oras ka naring umiiyak, hindi ka pa ba napapagod sa kakasinghot at kakatulo ng luha mo diyan? Please accept that she's already gone". Pahayag ni Jessie. Umiling lang ako.

Naka yuko ako at nakasandal sa aking mga palad. Nakatingin lang ako sa harap. Ang dami kong iniisip, sa sobrang dami ay hindi ko na alam kung ano ang itsura ko ngayon. 

"Hindi mo pa man sinasabi saakin kung sino siya sa buhay mo ay alam ko na kung gaano kayo close. Sa grabe ng luha mo friend hindi ko na malaman kung hanggang close lang ba iyan". She added.

"I'm in love with her.". I whispered. Natahimik siya sa sinabi ko.

Dahil sa pag amin ko bumalik ang lahat ng alaala naming dalawa. Sa tuwing makikita ko siya ang bilis ng tibok ng puso ko.

Sa tuwing malapit siya saakin parang mawawalan na ako ng hininga. The way na pag pasok niya sa office ko ay kakaiba, the way she stared at me, it was special. 

Her raspy voice, her manly but sweet scent, her accent, her eyes, everything about her is just so perfect for me.

At sa unang pagkakataon na mayroong nangyari saamin, doon ko napag tanto na sa buong lingo na kasama ko siya, na in love ako ng hindi ko namamalayan..

Kaya noong sinabi ni Edward na siya ang kailangan nilang huliin, ayaw mag response ng isip ko. 

Ayaw tanggapin ng isip ko na ang taong minamahal ko na pala ay siyang mag papagulo ng buhay ko, and now that she's gone, hindi ko na alam.

At first hindi ko maamin sa sarili ko na nahuhulog na nga ako sa kaniya, dahil nasa isip ko na, I am her professor, she's my student. Hanggang sa nangyari na nga ang lahat.

She made me happy, parang may binuo siya sa buhay ko, ang nararamdaman kong loneliness before siya dumating ay nawala noong nakilala ko siya.  

Kung maibabalik ko lang ang oras kanina ko pa ginawa. Pero nangyari na, acceptance is the key. 

"She's your student Kate". Tumingin ako kay Jessie.

"And so?  Kahit ano pang sabihin mo Jess wala na, wala na siya. Hindi ko na nga alam kung papaano pa ako mag sisimula without her". Mahinang sabi ko. 

"Kailan pa iyan?".

Natahimik ako. Kailan pa ba? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung kailan ako nag simulang magka gusto sa kaniya. 

"I don't know. All I know is that I am madly in love with her, Jessie". Bulong ko. 

"Hindi mo dapat maramdaman iyan, especially since she's a girl, isa pa bata pa siya, ang malala estudyante mo siya Kate". Banggit niya. 

"And she was captured dahil mayroon siyang ginawang unacceptable sa lipunan. Move on, iyan ang paraan". Sabi niya saakin.

"Kung alam mo lang Jessie". I muttered. Pero sinadya ko na hindi iparinig sa kaniya. 

Dealing With Hawkins Where stories live. Discover now