Legend 02

22 2 0
                                    

"Lahat ng kailangan mo nandito na sa condong to. Ang mga sasakyan mo po nasa garahe na. Eto yung spare keys mo kung sakaling mawala mo ang identification card mo. But still kailangan parin ng password" sabi ng Attendant sa akin habang inililibot ko ang tingin ko sa condo ko.

Yeps, andito na ako sa philippines kakarating ko lng kaninang 4:00 at pagod na pagod ako. Wala kasing may magsusundo sa akin kasi ayaw ko ng pa VIP so I ended up taking a cab. Sinabi ko lng ang name ng condominium at dinala nlng ako.

So right now, I'm staying in Dhryst Condominium, one of the best condominiums here in Manila.

"Pwede kanang umalis."sabi ko sa attendant. Nag-bow nlng sya at umalis na. Pumunta ako sa room ko at inilibot ang paningin sa buong silid. Hayy, sa pilipinas na nga talaga ako. Masyadong dark ang room ko. As in total dark. Sarado ang mga curtains kaya masdumagdag pa sa darkness ng paligid. Halos lahat ng bagay at furnitures ay black. Dad really knows me. Eventhough hindi kami nagkita pa. I know its weird pero never ko pang nakita ang mga parents ko. Yeah they raised me when I was a baby, but hey? A baby couldn't remember that much 'ya know?

Nilagay ko nlng sa gilid ang maleta ko at nahiga. Jetlag. Nakatingin ako sa kisame habang hinihintay na lamunin ako ng antok.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

(7:00pm)

I woke up around 7pm, nung marealize ko na hindi papala ako nakakaen. Sa labas nlng ako kakain. Wala namang stock dito sa condo ko eh.

Nag-bihis nlng ako ng ripped shorts at loose shirts. Nagsuot narin ako ng converse kase mahilig ako dito. Not to mention all black to lahat. Tumingin ako sa body mirror ko habang nagdedecide kung magsusuot ba ako ng wig oh hindi. Mahirap na kase eh, ngayun palang ata sila makakita ng ganito kaputing buhok aside sa mga gurang na.

Finally I decided to wear a wig. Binuksan ko ang maleta at hinanap ang plastic bag na may laman na mga wig. But unfortunately masyadong pakealamero si papa at hindi nia dinala wig ko. Nag-iwan pa nang note na huwag ko raw ikakahiya ang buhok ko at mata. Psh -.- ang mga matatanda talagang to. Paano kung magfreak out ang mga tao.

Hinayaan ko nlng na ganun ang buhok ko. Pinonytail ko nlng and I admit na nahirap lalo na at wala akong katulong sa pagsuklay nito. Paano banaman kasi hanggang ilalim ng pwet ko ang haba buhok ko. Never ko kasi tong pinagupitan sabi kasi nung tinry daw tong pagupitan nina papa at mama naging blonde daw ang color nito. Eh sabi ng mom at dad huwag na daw pagugupitan to. Pero hindi to katulad ni repunzel na hindi na bumabalik sa datti ang color nito nuh. After a month babalik din to sa dati niyang color yun ang nangyare sa unang pagupit nina papa at mama.

Natapos narin ako kakatali ng buhok ko. Nangalay ata kamay ko. Lumabas na ako ng condo ko at nilock ito. Lumalakad ako sa hallway ng 9th floor habang nakapikit ng mata. Mahirap na baka matakot sila sa mata ko. Hindi rin kase sinama nina mama at papa ang mga contact lenses ko at knowing them kapag nay nagawa na silang bagay ayaw nilang sinusuway ko 'to. Ang bank account ko ng apektado eh -.- Kaya kapag ayaw nilang nagsusuot ako ng contact lenses ayaw talaga. Haaay daig pa sina mom at dad eh -.-

Huminto na ako sa tapat ng elevator, buti nlng wala masyadong naglalakad dito kasi baka pagkamalan pa akong baliw na naglalakad habang nakapikit.

*ting*

Bumukas na ang Elevator at pumasok na ako. Buti nlng wala pang tao kaya pumwesto ako sa sulok at pumikit nanaman. Ilan beses naring nagsound ang elevator kaya alam kong may pumapasok. Dumidilat lng ako ng kaunti at chinicheck kung anung floor naba ako.

Nung nasa 2nd floor na kami dinilat ko na nang tuluyan ang mata ko. As in rush talagang pagdilat na akala mong gling sa pagkamatay. Ngunit pagdilat ko isang pares ng gray eyes na katulad din sa akin ang nakita ko. Parehas rin kami ng kulay ng buhok.

A Legend's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon