《Devlin Arch Chen Ludovisco》
"Bakit parang nakalimutan niyo na ako?"
Habang tumitingin ng mga litrato ng mga kaibigan ko. Hindi ko mapigilang itanong sa sarili ko kung saan ako nagkulang. May mali ba sa akin para iparamdam nila ang lahat ng ito? Hindi ba ako naging mabuti sa kanila para baliwalain na nila ako ngayon? Pilit kong iniintindi ang lahat ngunit hindi ko malaman ang eksaktong sagot.
Napatigil ako sa pag swipe sa Cellphone ko ng magpakita ang litrato niya. Nahawa ako sa ngiti niya ng saglit at napawi rin ito ng maalala ang lahat.
"Bakit hindi mo ako pinaglaban?" Mahina kong tanong sa litrato niya ng punasan ang mukha nito sa screen dahil sa tulo ng aking luha.
"Hindi ko ba deserve? Dahil ba bakla ako?" Ani ko dahilan ng lalong pagtulo ng mga luha ko sa mata. "Diba sabi mo mahal mo ako? Pero bakit bumitaw ka?"
Ibinack ko na 'yung gallery at pumunta sa messenger. I search my name and I click it after kong punasan ng kamay ko ang kaliwang pisngi.
["Ma, I breakdown again"] then I click the send button.
["Ma, ang hirap ng situation ko. Asaan ka na ba? Bakit mo kasi kami iniwan? Hindi ba kami sumagi man lang sa isip mo, kahit na isang beses?!"] Mariin kong pinindot ang send button at pinatay ko ang cellphone.
Ano bang mali sa sarili ko?
Napatingin ako sa drawer at kinapa ang dalawang bagay na tumutulong para bawasan ang bigat na nararamdaman ko. Binuksan ko ang flashlight ng cellphone at nagsimula na.
Narito ako sa dilim ngayon
Pinagmamasdan ang bawat larawan ng kahapon
Pilit iniintindi ang kanilang mga rason
Iniisip na baka ito lang ang aking misyonAsaan na ang pagpapahalaga?
Bakit sa kanilang paglisan ay sumama ka?
Asaan ang pagmamahal mo ina?
Bakit kahit minsan ay hindi mo ipinadama?Bakit mo iniwan ang sangol sa iyong asawa?
Bakit sa pag alis ay hindi mo ako sinama?
Ayaw mo na ba sa amin kaya sumama ka sa iba?
Kaya ba niloko mo si Ama?Mabilis kong isinarado ang kwaderno at hindi na naiayos ang ballpen ng marinig kong tawagin ako ni Tita, kaisa isang kapatid ni papa.
"Andito po ako" ani ko habang pinupunasan ang muka ko. Ngumiti naman ako ng malaki pagbukas ko ng pinto.
Pabigla niyang ibinigay sa akin ang dishwashing at sponge kaya naman nahulog ang bote ng dishwashing. Agad ko naman itong kinuha kahit na huli na para hindi ito matapon.
"Ang tanga naman talaga!" Sigaw niya habang pinupunas ko 'yung sponge sa sahig kung saan ito natapon.
"Sorry po tita" nakayuko kong sabi sa kaniya pagkatayo ko, ngunit sininghalan lang ako nito at umalis.
Hindi pa nga ako natatapos sa pagliligpit pero may utos na naman si tita.
"Aalis ako. Labhan mo yung nakatambak sa likod" ani nito na nakaporma talaga na mala Donya ang suot. Maganda si tita at hindi mo aakalain na fiftythree na siya.
"Opo" tipid ko.
Pagkatapos kong magligpit ay dumiretso na ako agad sa likod. Tumambad ang malaking basket na puno ng labahan. Halo-halo ito at ang iba ay nakakalat sa sahig dahil na rin sa kapunuan nito.
"Oh eto pa"
Napalingon ako sa nagsalita at sakto namang pagharap ko ay ibinato sa akin ang medyo basang sando kaya sapul ang muka ko. Ikinatawa ito ni Dade, ang walang hiyang lalaki kong pinsan na kala mo naman kung sino. Oo gwapo nga at perfect ang pagiging matangkad pero pagdating sa academic walang maipagmamalaki. B*bo kasi.
"Ayusin mo ng paglaba. Ang baho-baho!" reklamo nito at saka umalis na rin dala ang bola ng basketball.
Paglalaba ko pa talaga sinisi? Eh amoy putok siya, kaya bumabaho
Napatawa na lang ako dahil sa naisip ko at nagsimula ng paglalaba. Habang nag-aanlaw ay may biglang nagsisisigaw ng pangalan ko at sigurado ako na si Zaylee yun, ang pinsan kong ubod ng landi ay este ng ganda.
"Ninakaw mo ba lipstick ko na tag 250 pesos?" Inis niyang tanong sa akin pero tingnan ko lang siya ng seryoso
"Ako? Maglilipstick?" Ani ko ng ituro ang sarili habang hawak ang inaanlawang panyo.
"Why not? Edi ba bakla ka!" Mapang-asar ang tono ng boses niya.
"Alam mo sayang ang pagiging half chinese mo, sayang 'yang face mo! Magpaka straight ka nga tutal hindi naman halata na bakla ka" Dagdag niya ng itulak niya ang sintido ko gamit ang kaniyang hintuturo.
Nginitian ko ito "Oo bakla ako, pero hindi ako naglilipstick. Pinkies na ang labi ko kaya 'di ko yun need. Hindi rin naman bagay sa labi ko ang pulang lipstick na hinahanap mo at wala ka ng pake do'n kung bakla ako" mahinahon kong tugon at saka nagpatuloy sa pagkusot.
"Ah sumasagot ka na ngayon?" Ani niya ng hilain niya ang buhok ko upang iharap ang mukha ko sa kaniya na ikinadaing ko.
"Alalahanin mo mas matanda ako sayo ng apat na taon!" Pandidilat niya ng mata at saka binitawan ang buhok ko.
"Burara ka kasi kaya nawawala gamit mo" kunot-noo kong bulong sasarili ko ng makaalis na siya habang kinakamot ang ulo ko.
Pagkatapos kong magsampay ay pumunta ako sa kusina ng mapansin kong tahimik ang bahay.
"Buti naman at may tira silang ulam at kanin" ani ko ng buksan ang rice cooker.
Pumasok na ako sa madilim kong kwarto ng matapos kumain. Napansin ko ka agad ang cellphone kong bukas ang flashlight. Nakalimutan ko pala itong I off dahil sa pagmamadali ko.
Humiga ako sa kama at binukan na lang ang facebook. Agad namang tumambad ang myday niya at dahil sa kuryusidad ay pinindot ko ito.
Naglaho ang kaunting ngiti sa aking labi ng makita ko ang kaniyang ngiti kasama ang babaeng pinangarap niya.
"Buti ka pa, masaya ka na" at saka inalis sa recent ang facebook. Muli kong hinawakan ang ballpen at binuksan ang kwaderno.
Ang buhay ng tao ay magulo
Hindi natin kabisado ang takbo ng mundo
Pinahihirapan ng isip ang ating puso
Kaya malimit na tanong sa sarili ko,Hanggang Kailan Ako Magiging Ganito?
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan Ako Ganito? (BL Story)
Teen FictionMaraming taong darating sa buhay natin na mamahalin at pahahalagahan natin, ngunit may isang taong mananatili sa puso. May mga tao naman na gusto nating burahin sa ating buhay, pero hindi natin magawang sila'y kalimutan. May mga bagay na gusto na na...