Tw: Sensitive language and content. Please be guided.
"Kamusta? Na gustuhan mo ba ang butiki sa bag mo kanina?" Sarkastiko ng lalaki habang naka akbay sa akin palabas ng room.
Badtrip! Sinasabi ko na nga ba
Pilit kong inaalis ang braso niya sa pagkakapatong sa balikat ko. Pero tinitigasan niya ang pwersa ng bisig niya para hindi ko ito maalis.
"Hindi mo ba ako na miss?"
Ang lungkot pa ng reaksyon niya ng iharap niya ako sa kaniya at hawakan ang magkabila kong braso. Hindi ako sumagot at walang reaksyon ng yukuan siya ng bahagya.
"O kahit man lang ma miss ang gatas ko" bulong nito na ikinalamig ng buong katawan ko. I started to trembling pero natigil din ng may tumawag sa akin sa 'di kalayuan na sabay naming nilingon. Tinulak ko siya ng bahagya para ma alis ang pagkahawak niya. Before he leave he tap my shoulder with a killer smile at naglakad na hindi inaalis sa akin ang tingin.
"Unang araw pa lang ginugulo ka na ba agad ng Denzo Riscuvo na 'yon?" Ani ni Farrah na ngayon ay kakalapit pa lang.
"Medyo. Pero hayaan mo na" nginitian ko ito.
"Kapag talaga may ginawang masama sayo 'yong hayuf na 'yon sabihan mo ako agad, huh? Susuntukin ko siya para sayo!"
I slightly laugh habang hinahaplos ang likod niya at sabihang 'wag na siyang mag‐alala dahil kaya ko ang sarili ko.
Niyaya ko na siya sa Cafeteria para bumili ng burger dahil pagkatapos nito ay pupunta na kami sa Magic Cup para tumulong kay na Kuya Blaize at upang doon na rin bumili ng milktea.
Pagdating namin sa Cafeteria ay napansin ko agad si red cap boy Kiyoshi, suot ang red cap niya. Iniwas ko agad ang aking pagsulyap ng titingalain na niya ang tatlong babaeng dumating para makishare ng table at para na rin siguro makipag fling?
"Oh anong bibilhin mo? Burger with chess or ang combo?"
Chineck ko muna kung magkano ba ang perang dala ko. Nang makita kong alanganin ang pera ko, burger with cheese na lang ang binili ko, imbis sana ang combo.
Nabusog din naman ako dahil binigay sa akin ni Farrah ang isa pang inorder niyang burger with cheese.
"Halatang gusto mo pa talaga"
"Hoy hindi ah"
Natawa na lang si Farrah sa 'kin dahil kahit mag deny ako, alam niyang nagsisinungaling ako. Tinanggap ko kasi agad ang burger na bigay niya eh. Ang sarap din kayang kumain, bakit ba? Libre naman.
Napatigil ako sa paglalakad at hinila si Farrah para magtago ng mapansin sa 'di kalayuan si Denzo, kasama ang dalawang mokong niyang kaibigan na tila ba'y may hinihintay.
"Bakit? Anong meron?"
Tinuro ko ang direksyon ng tatlo at ngayon ay humihigop ng vape si Denzo. Patingin‐tingin sila sa paligid.
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan Ako Ganito? (BL Story)
Подростковая литератураMaraming taong darating sa buhay natin na mamahalin at pahahalagahan natin, ngunit may isang taong mananatili sa puso. May mga tao naman na gusto nating burahin sa ating buhay, pero hindi natin magawang sila'y kalimutan. May mga bagay na gusto na na...