Sa bawat pagtibok ng puso ng tao, kailan ba natin masasabing nagmamahal tayo? Kapag ba natatakot tayong mawala siya? Kapag ba pakiramdam natin na siya na talaga 'yung hinahanap mo? Kapag ba napapasaya ka niya? O kapag iniyakan mo ito at nasasaktan ka dahil sa pinararamdam niya?
Eh kailan mo naman masasabing iiwan ka na niya? Dapat ba maging handa ka at isipin na kahit anong oras lilisanin siya? Dapat ba maging advance tayong mag‐isip at maging overthinker para hindi ganon kasakit kapag nangyari na ang araw na iyon?
Kaya ba ganito kasakit dahil inisip ko na hindi 'yun mangyayari? Dahil naging kampante ako? Inisip na ipaglalaban niya ako kahit bakla ako, dahil sabi niya naman mahal niya ako at ramdam ko naman 'yun.
Pero kahit gaano niyo pala ka mahal ang isat-isa, iiwan at iiwan ka rin niya kapag naduwag siya.
Biglaan ang lahat. Hindi ko inasahan na sa bawat letrang ibibigkas ng labi niya noong araw na iyon ay ang matinding bigat na mararamdaman ko. Akala ko okay kami dahil hindi naman kami nag‐aaway. Akala ko sapat ng mahal ka ng taong mahal mo para ipaglaban ka nito, ngunit nagkamali ako.
"Iiwan mo 'ko?" hawak ang kamay niya ng tangkain nitong umalis pagkatapos niya sabihing kailangan na naming maghiwalay.
"Bakit biglaan?" Muli kong tanong ngunit hindi niya parin ako nililingon.
"Alam na ni Mama ang tungkol sa atin. Nakita niya ang convo natin at galit na galit sila ni papa, pati na rin ang mga kapatid ko"
Napabitaw ako. Alam ko na mangyayari ang lahat ng ito balang‐araw, ngunit bakit ngayon? Kung kailan 1st anniversary na namin bukas.
"Sorry Devlin. I need to go"
Hinihintay kong tingnan niya ako sa mga mata ko at hawakan ang mga kamay ko, ngunit hindi niya iyon ginawa, bagkus ay pinilit niyang alisin ang kamay niya sa muling pagkapit ko at humakbang na papalayo.
"Kale! Arhel Salvorte" sigaw ko. I saddest my voice while pronuncing his second to the last name when he face me.
"Ganito na lang ba tayo magtatapos?"
Kahit na pigilan kong hindi umiyak ay hindi nagpapapigil ang mga mata ko na ilabas ang malamig na likido, kaya dahan‐dahan itong tumulo.
"Mahal kita, pero ayokong mas masaktan ka"
Lumapit ako ng bahagya sa kaniya habang nakayuko siya "Baka may ibang paraan pa. Magpanggap na lang tayo na nagbreak. Tapos mas mag‐ingat na tayo this time. Siguradong maniniwala sila sayo"
Napaka desperado ko talaga. Nagmumukha akong tanga dahil sa pag‐ibig na 'to, pero masisi ko ba ang sarili ko kung sadyang nagmamahal lang ako?
"Devlin Arch Ludovisco. Malaya ka na"
Lalapit pa sana ako sa kaniya para yakapin siya, ngunit hindi ko na nagawa ng marinig ang sinabi niya. Parang biglang lumindol ang nervous system ko dahil sa narinig ko. Ang sakit marinig ang mga salitang 'yon sa unang taong nagparamdam sayo ng pagmamahal at patuloy mong minamahal. Mas masakit pa pala sa pinagsasabi ng tita at ng mga pinsan ko.
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan Ako Ganito? (BL Story)
Teen FictionMaraming taong darating sa buhay natin na mamahalin at pahahalagahan natin, ngunit may isang taong mananatili sa puso. May mga tao naman na gusto nating burahin sa ating buhay, pero hindi natin magawang sila'y kalimutan. May mga bagay na gusto na na...