Chapter Two: SA PAGBUKAS NG PINTO

18 2 0
                                    

"Na saan na ba 'yon?" bulong ko habang tinitingnan ang mga pangalan na nakadikit sa pader ng room

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Na saan na ba 'yon?" bulong ko habang tinitingnan ang mga pangalan na nakadikit sa pader ng room.

"Kiyoshi Kyong Nishikawa" ilang ulit kong banggit sa pangalan na hindi ko makita kanina pa. Naka-ilang rooms na ako at ngayon ay nasa fourth floor na pero hindi ko parin makita ang Kiyoshi na 'yon.

Paalis na sana ako ng magbukas ang pinto at nagpakita ang isang lalaking malaki ang ngiti. Sa mukha pa lang niya ay halatang hindi dapat nilalapitan. Payat ito at may mga tattoo ang parte ng palapulsuan pati ang lower arms nito.

"Naghahanap ka ba ng tutusok sayo?"

Nag‐init agad ang tenga ko dahil sa sinabi niya. I greed my teeth pero nagawa ko paring ngumiti.

"Eh kung tusukin ko kaya 'yang mukha mo! I'm senior than you!" Panlalaki ko ng mata.

Alanganin siyang ngumiti sa akin bago isinarado ng dahan‐dahan ang pinto.

"Mga bata talaga ngayon, ang dudumi ng mga utak!"

I check the list of the next room, pero wala din doon ang name na nakalagay sa ballpen na nahiram ko kahapon. Aakyat na sana ako sa fifth floor ng mapatingin sa oras ng cellphone.

Hala! Malelate na ako, g*gi!

Kumaripas ako ng takbo pababa ng building ng grade 11 at lumipat ka agad sa grade 12 stem department.

Nagmadali akong tumingin sa list na nakalagay sa bawat rooms at ng makita ko ang pangalan ko ay mabilis kong inakmang hawakan ang door knob, ngunit biglang nagbukas ang pinto kaya dire‐diretso ang pagpasok ko at tuluyang bumagsak sa loob ng classroom.

Narinig ko ang gulat na reaksyon sa paligid at ilang mahinang bungis‐ngis. Napapikit at napatikom na lang ako ng bibig dahil sa kahihiyan na nangyari ngayon.

Anak naman ng tinapa!

"Im.... Sorry..." I heard a baritone voice in my left side at may akmang tutulungan ako pero nagkusa na akong tumayo.

"Okay lang" ani ko ng pagpagin ang suot kong slacks bago tingnan ang lalaki na ngayon ay masasabi kong mas matangkad pala ako dito ng kaunti. Naka cap ito na pula at naka facemask na itim.

"Ludovisco!" sigaw ng teacher na nasa unahan dahilan ng pag‐igtad ko. Ngayon ay magkakruss ang braso niya "You're late."

Anak naman talaga ng tinapa! Si Ma'am Emily pala, ang masungit na subject teacher ko noon na ngayon ay adviser ko na?

"Sorry po ma'am. May hinanap‐"

"Go. Go to your temporary chair" Turo nito sa bakanteng upuan na naroon na agad ko namang pinuntahan.

"Ikaw, umihi ka na kung iihi ka" sabi naman niya sa lalaki na nakatayo sa tabi ng pinto

"Hindi na po pala ako naiihi Ma'am" ani nito at saka bumalik na sa upuan sa bandang kaliwa ko.

Hanggang Kailan Ako Ganito? (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon