《Devlin Arch Ludovisco》"First day pa lang ba 'to?" I sighed.
Ang dami na agad nangyari sa maghapon. Biruin mo napahiya ako sa klase dahil sa pagbagsak ko sa sahig, ang timing naman din kasi ng pagbukas ng red cap boy na 'yon. Tapos hanap ako ng hanap sa mga rooms eh kaklase ko naman pala may-ari ng ballpen at 'yon ay si red cap boy. Pero ang mas worst talaga ay ang pagiging magkaklase namin ni Denzo. Siya ang naglagay ng butiki sa bag ko pero ang bilis din naman kasi ng karma kaya quits na kami. Nasampal siya kanina ng babaeng nilalandi niya noon. Sabi ng babae, niloko at pinaasa daw siya nito dahil hindi na nagparamdam pagkatapos ng una nilang date. Poor Denzo, nasasaktan kasi nananakit din naman.
"Hoy bakla! Lumabas ka na diyan. Wala pang-ulam" sigaw ni Zaylee.
Ayaw ko pa sanang tumayo, pero may choice ba ako? Wala dahil nakatira ako sa bahay nila. Pagpunta ko sa kusina at pagbukas na refrigerator ay wala namang puwedeng lutuin. Wala naman kasing laman ito puro tubig at yelo.
"Wala pong laman ang ref niyo"
Dedma sila habang may kaniya kaniyang ganap, hawak ang phone nila. Wala pa si Tita kaya mga wala ring pakialam ang dalawa sa paligid nila.
"Ano pong iluluto ko?" Ngayon ay mas malakas-lakas na ang boses ko.
"Bumili ka na lang. Kahit ano basta baboy"
Inilapag ni Zaylee sa maliit na mesa na nasa harapan nila ang buong two hundred pesos. Nagkunot-noo ako.
Kakasya ba 'to sa baboy?
"Kulang po--"
"Pagkasyahin mo. Magaling ka naman diba magbudget? Gamitin mo para may pakinabang"
Kapal ng mukha. Siya nga puro pag-iinarte lang ambag sa mundo.
Lumabas na ako ng walang imik. Inisip ko na lang kung pa'no pagkakasyahin ito. Adobo na lang ang lulutuin ko para tipid sa ingredients. Nanlumo naman ako ng makitang three hundred pesos ang kilo ng baboy at muling tiningnan ang two hundred pesos na hawak ko.
Saan aabot ang two hundred na 'to?
Tumingin ako sa kabilang nagtitinda at mas nanlaki ang mata ko dahil mas mahal ang baboy. Naglakad pa ako at may nakitang kaparehong presyo ng una kong napuntang nagtitinda. Mas presko dito ang mga karne.
"Ate, one fourth lang pong baboy. Pang adobo po na hiwa."
Iaabot ko na ang bayad pero may ibang kamay na nauna. Five hundred pesos ang hawak at ibinigay ito sa nagtitinda. Napakunot-noo ako ng makita ang lalaki pero nginitian lang niya ako ng napakalaki. Nakasuot ito ng jacket at short na itim.
"Pa one half kilo na po" then he winked to me. "Libre ko na. Thanks me later."
Tinitigan ko lang siya na walang kahit na anong reaksyon. Iniabot niya sa akin ang plastic ng karne at dahil hindi ko ito tinanggap, ipahahawak niya na sana ito ngunit, itinikwas ko ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan Ako Ganito? (BL Story)
Teen FictionMaraming taong darating sa buhay natin na mamahalin at pahahalagahan natin, ngunit may isang taong mananatili sa puso. May mga tao naman na gusto nating burahin sa ating buhay, pero hindi natin magawang sila'y kalimutan. May mga bagay na gusto na na...