Mag-alas syete na ng gabi nang biglang mayroong humintong van sa tapat ng villa. Napakunot ang noo ng mga studyante sa kanilang nakita kaya't lahat sila'y nagmadaling mag-sibababaan ng kanilang mga kwarto upang salubungin ito. Nakarating na rin sa villa ang grupo nila Auel, bawat grupo ay may kanya-kanyang kakaibang kwento na gustong ibahagi sa isa't-isa. Mga kwentong madugo at kahindik-hindik, mga kwentong hindi mo gugustuhing mapabilang ka. Inaaninag nila kung sino-sino ang mga taong nakasakay rito. Hindi pa nagtagal ay naunang bumukas ang pintuan sa driver's seat. Marahang naglakad paabante sa direksyon ng sasakyan si Sakura na tila ba inaaninag ang lalake na lumabas ng sasakyan.
"C-CJ?" Naguguluhan niyang tawag sa pangalan ng binata.
"Ako nga. S-Sakura." Nakangiting bati ni Cj kay Sakura. Hindi pa nagtagal ay sumunod nang bumaba sina Julyanne, Venice, Kramer, Skye at Alfheim. Nang makita ng mga studyante ang kanilang mga kaklase, agad silang nasabik at kumaripas ng takbo upang salubungin ang mga ito. Lahat sila ay tuwang-tuwa na makita muli ang isa't-isa, kahit na mayroong sugat sila Xian at Cynah, masaya pa rin silang nagkasama-sama.
"Mukhang kailangan nating mag-usap." Bulong ni CJ kay Sakura habang pinagmamasdan ang mga studyante.
"Marami-rami tayong pag-uusapan. Kailangan 'tong malaman ni Zero." Wika ni Sakura kay CJ. Napabungisngis lang si Cj at tila natawa sa sinabi ni Sakura.
"Mukhang tama nga ang sinabi sa akin ng mga studyante mo, buhay pa kayong dalawa ni Zero." Natatawa niyang pagkasabi.
"Oo nga eh, siguro kaya tayong tatlo ang nakaligtas, kasi we need to do something. We need to end this. Hindi pa tapos ang laban." Wika ng dalaga.
"Tara, pumasok ka muna sa loob, doon na lang tayo mag-usap." Anyaya sa kanya ni Sakura, buong-puso ring sumama sa kanya si Cj papasok sa loob ng kwarto. Agad nilang tinipon ang mga studyante upang pagsabihan na walang lalabas sa kanilang mga kwarto, naikwento rin ni Cynah sa kanyang mga kaklase ang kanyang karanasan, kaya nama'y mas lalong kinabahan ang iba niyang mga kaklase. Lalong-lalo na si Sunshine na sadyang matatakutin ngunit mahilig sa mga penikula't librong may genre na horror.
"K-Kung ganon pala, yung sinabi mong lalaki at isang babaeng nagca-caretaker dito eh posibleng buhay pa?" Tanong ni Sunshine kay Cynah.
"Ganoon na nga. Hindi ko sukat akalain na makakapatay ako, hindi ko inasahang mapupuno ng dugo ang mga kamay ko." Nanginginig na sagot ni Cynah.
"Tignan niyo 'to oh, nakuhanan pa ni Cynah yung kanyang karanasan gamit si Iris. Ang creepy 'di ba?" Wika ni Aeron na busy sa pagtingin ng mga litrato sa DSLR ni Cynah.
"Oh, huwag kayong magtakutan ha? Mag-uusap lang kami ni Cj sa taas." Wika ni Sakura sa mga studyante, sabay-sabay namang magalang na sumagot ang mga ito at nagbow, bilang senyas ng paggalang sa mga nakakatanda. Nang mawala na ang mga guro sa salas, muli nilang binuksan ang topic tungkol sa kanilang mga naranasan sa araw na 'to.
"Grabe, hindi ko talaga inexpect 'tong mga 'to." Wika ni Jassie sa katabing si Cheska. Bahagyang ngumiti lang si Cheska at napatingin sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)
Horror"How can we make this world better?" St Venille High just got blooder! A fresh batch of students got enrolled in the 6th class. In the bizarre world of St. Venille, are you ready to unfold its darkest mystery? Once you're in, there's no turning back...