CP4:Suspicious

59.7K 1.5K 457
                                    

Magaalas-sais na nang hating gabi ng magsimulang magpapasok ng mga studyante sa V theatre, ito ay isang maliit na theatro na matatagpuan sa gitna ng paaralan. Madalas dito ginaganap ang mga event ng eskwelahan. Maraming studyante ang nakapila at excited nang makapasok sa loob. Ang mga seniors ang bahala sa pagsisiguro na maging maayos ang takbo ng buong program. Nang nakita ng mga estudyante na lumabas sa isang sasakyan si Venice ay agad umalingawngaw ang sigawan at tilian ng mga estudyante, mapalalake man o babae. Hindi nagkandaugaga sa kakasigaw at pagtataas ng banner ang iba, lalo na ang mga freshmen. Napangiti naman si Venice sa mainit na pagtanggap sa kanya ay kumaway-kaway, sinubukan niya ring lumapit sa iba para kamayan ito. Samantalang nasa harap naman ng pintuan sina Sarah at ang kanyang bestfriend na si Taegan.

Sarah:"Look Denisse, she's a star pala eh. Inaway-away pa naman natin siya like kahapon." Conyong pagkasabi ng dalaga, tumaas ang kilay ni Taegan at pilit na tinaasan parin ang kanyang pride.

Taegan:"Idfc, kahit na anong mangyare, she's still a commoner in my eyes." Mataray niyang pagkasabi, pagkatapos ay dumiretso na siyang backstage para puntahan ang iba niyang mga kaklase. Bago sumunod si Sarah sa dalaga, tinignan niya muna si Louie sa kanyang mga mata at sinabing..

Sarah:"I don't f*cking care too, she's going to die anyway." Bulong ng dalaga sa sarili, pagkatapos ay sumunod na ito kay Taegan. Nang makapasok na ang lahat ng estudyante sa V theatre, inanunsyo na ni Ms.Hazel ang introduction ng programa.

Ms. Hazel:"Good Evening Venillians!" Energetic na panimulang bati ng guro habang tumatalon-talon pa ito sa stage. Agad nagsitayuan ang audience at naghihiyaw din sa sobrang excitement.

Ms. Hazel:"Are you excited for this event? Because I am. Now, before I start the program, I would like to call our new principal for the opening remarks." Wika ng guro, maya-maya may sumignal sa kanyang isang lalake. Napataas ang dalawang kilay ni Ms. Hazel pagkatapos ay ngumiti.

Ms. Hazel:"Looks like she's not around tonight, but don't be sad my dear Venillians! Even though our dear principal can't attend this fun concert, we will still continue it!" Pagpapaliwanag niya, naghiyawan ang mga studyante at nagpalakpakan sa tuwa. Napatingin si Sakura sa direksyon ng nagsignal kay Hazel, nacurious siya kaya bigla siyang tumayo sa kanyang kinauupuan at sinundan ang lalaki. Agad niyang tinext si Zero para mainform ito pero hindi sumagot ang binata kaya napagdesisyunan niya na lang na sundan ito ng mag-isa. Rinig na rinig ni Sakura ang malakas na ingay ng speakers na may kasamang hiyawan ng biglang lumabas sina Jassie at ang kanyang mga kagrupo sa entablado. Mabilis siyang lumabas ng V theatre at palihim na sinundan ang lalake, ngunit mabilis din siyang nahalata nito. Huminto sa paglalakad ang lalaki sa gitna ng park at lumingon.

               :"W-Who's there? I know you're following me so show yourself!" Galit niyang pagkasigaw. Agad namang lumabas si Sakura sa kanyang pinagtataguan, hawak-hawak niya ang isang maliit na stufftoy na kamukha ni Mika. 

Sakura:"Alam mo ba kung nasaan ang principal?" Tanong niya. Ngumisi naman ang lalake at naglakad palapit kay Sakura.

               :"It's none of your business, kahit sabihin ko naman sayo kung nasaan siya, hindi mo pa rin siya mahahanap. Tigilan mo na to, Sakura Castaneto, kung ayaw mong may importante na namang mawala sa iyo." Babala ng binata, nanlaki ang mga mata ng dalaga at napahawak ng mahigpit sa kanyang keychain. Hindi niya alam kung paano nalaman ng binata ang kanyang pangalan pero nagmatigas si Sakura.

Sakura:"......" Natahimik ang dalaga habang pinagmamasdan ang misteryosong lalake na naglalakad palayo sa kanya. Bumalik na lamang siya sa V theatre pero binabagabag pa rin siya ng kanyang curiosity tungkol kung ano ang meron sa lalakeng kanyang sinundan kanina. Sa gitna ng pagtatanghal ng dalawang studyante na sina Louie o Venice at Kramer, biglang nakarinig ng malakas na pagsabog ang lahat ng estudyante sa loob. Naalarma ang lahat kaya mabilis silang nagsitayuan at nagmadaling lumabas. Napatakbo rin si Ms. Hazel sa labas para tignan kung anong nangyare, nasalubong niya ang mga bagong dating na mga guard sa labas. Mayroong isang nasusunog na upuan sa gitna ng quadrangle. Kapansin-pansin rin ang life-size na manika  na nakaupo sa upuan. Nasusunog ito habang gumagalaw ang bibig nito, isa itong recording doll.

Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon