Unti-unting bumukas ang pintuan ng sasakyan habang pinagmamasdan ito ng binata. Isang matandang babae ang lumabas mula sa sasakyan, may suot itong kulay itim na mahabang baro at may nakapatong ring malaking sombrero sa kanyang ulo. Natatakpan ang kanyang mukha ng manipis na fishnet. Kung titignan mong mabuti, halos kalahit ng kanyang mukha ay nasunog, kulo-kulubot ito at halatang natuklap dahil sa sobrang init. Dahan-dahang naglakad papunta ang matandang babae sa harap ng binata.
:"Doctor Oriztta?" Tawag niya sa binata.
Zero:"M-Mrs. Mendoza?" Nag-aalangan niyang tanong sa babae. Tumawa ito nang mahina at napahawak sa kanyang dibdib.
Mrs. Mendoza:"Oo, ako nga." Matipid na sagot sa kanya ng dalaga. Tila natigilan ang binata at halatang hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
Zero:"P-Pero.." Utal-utal na pagkasabi ng binata. Inilagay ni Mrs. Mendoza ang kanyang hintuturo sa labi ng doktor at bumulong...
Mrs. Mendoza:"Bakit? Akala mo ba patay na ko?" Misteryoso at malamig niyang pagkasabi. Dahan-dahang inalis niya ang kanyang kamay sa labi ng binata at pinaikutan ito.
Mrs. Mendoza:"Tandaan mo, matagal mamatay ang masamang damo." Pabiro niyang sinabi, pagkatapos ay nasundan ito ng nakakalokong tawa.
Zero:"A-Ano hong ginagawa niyo rito?" Naguguluhang tanong ng binata. Unti-unting kumurba ang isang matamis na ngiti sa labi ng matanda.
Mrs. Mendoza:"Ano pa ba? Edi ang trabaho ko..." Malamig na sagot sa kanya ng matanda. Dahan-dahang naglakad palayo sa kanya ang matanda para puntahan ang kanyang mga tauhan. Nakatingin lang si Zero sa lupa at tila hindi pa rin sa kanya nagsi-sink in na buhay ang ina ni Shannah Mendoza, ang taong gustong pumatay sa kanila. Tumakbo papunta ang binata sa matanda at hinawakan ito sa braso.
Zero:"Kayo ang dahilan kung bakit maraming namatay na studyante sa pang-anim na seksyon! Kayo at ng anak mo ang dahilan kung bakit maraming inosente ang namatay!" Nanggi-gigil niyang sigaw sa matanda. Agad silang pinalibutan ng mga tao dahil sa eskandalong ginawa ng binata.
Mrs. Mendoza:"H-H-Hindi ko alam yang pinagsasasabi mo! Bitiwan mo ko!" Natatarantang pagta-tanggi ng matanda habang pini-pilit niyang alisin ang mahigpit na pagkakahawak sa kanya ng binata. Unti-unting namuo ang luha sa dalawang mata ng binata at dahan-dahang napaluhod dahil naalala niya ang madugong sinapit ng kanilang seksyon sa mga panahong iyon.
Zero:"W-Wala ho ba kayong awa? Hindi ho ba kayo nakonsensya sa ginawa niyong pagpatay sa mga studyante? Ina ho kayo, alam niyo ho kung paano mawalan ng isang anak! Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang pagdudusa ng mga magulang ng kaklase ko habang nakikitang hinahatid sila sa huli nilang hantungan." Nangi-nginig na pagkasabi ng binata. Umatras patalikod ng dalawang beses si Mrs. Mendoza at tinitigan sa mga mata ang binata.
Mrs. Mendoza:"Oo! Ina rin ako! Pero hindi mo alam kaya alam ko kung anong pakiramdam nang mamatayan ng isang anak! Pinagkaitan siya ng hustisya ng mga tao sa paligid! Kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paano mamatay si Sean! Pero ano? Wala akong kwentang ina, hindi ko man lang nagawang maprotektahan ang anak ko sa mga panahong pinapatay siya ng mga walang kwentang taong katulad niyo!" Sigaw ng matanda, kitang-kita sa kanyang leeg ang mga ugat dahil sa sobrang galit. Pagkatapos niyang magsalita, unti-unti niyang tinalikuran ang binata. Dumiretso siya ng tingin at nagmadaling maglakad papunta sa kotse para magkulong. Ilang hakbang na lamang ang layo niya mula sa kotse nang marinig niya muling magsalita ang binata.
Zero:"Oo! Tama kayo! Pero sa tingin niyo ho ba mabubuhay si Sean sa ginagawa niyo?!" Nangga-galaiting sagot ng binata. Tila natigilan si Mrs. Mendoza sa kanyang paglalakad at nilingon ang doktor.
BINABASA MO ANG
Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)
Horror"How can we make this world better?" St Venille High just got blooder! A fresh batch of students got enrolled in the 6th class. In the bizarre world of St. Venille, are you ready to unfold its darkest mystery? Once you're in, there's no turning back...