Tatlong magkakasunod na katok ang kanilang narinig. Lahat ng studyante ay nakatingin sa pintuan, hindi alam kung ano ang naghihintay sa kanila sa labas. Mariing lumunok si Sakura at tinignan ang bawat studyante. Inutusan niya ang mga lalaki sa kwarto na harangan ang pintuan ng malalaking gamit upang hindi sila agarang mapasok ng mga 'to. Agad kumilos sila Keiffer, Kramer, Aeron at Hiroshi, tulong-tulong silang itinulak at ipwinesto sa harap ng pintuan ang malaking antique na aparador. Hindi naman nagpahuli ang mga babae, tumutulong din sila sa pagtatapat ng mga cabinet sa harap at gilid ng aparador bilang suporta.
"Buksan niyo 'to, kung ayaw niyo pang mamatay. Hindi ko kayo sasaktan." Sigaw ng isang lalaki sa labas na mas lalong nagbigay kaba sa kanila.
"A-Anong gagawin natin?" Nagpapanik na tanong ni Sarah sa kanyang mga kaklase.
"We tried to fight them, but we always fail. Do you think we can still win this?" Malamig na tanong ni Cheska habang unti-unting tumutulo ang kanyang mga luha. Bahagyang ngumiti si Jassie upang hindi ipakita sa kaibigan ang pag-aalala. Mahigpit niyang niyakap ang kaibigan at binulungan sa taenga.
"It's too late for us to back down. Be optimistic, refuse your pessimist feelings, 'coz if you didn't, those feelings will eat you." Bulong ni Jassie sa dalaga.
"Ma'am, are you planning that we're going to fight them?" Tanong ni Czarinah habang mahigpit na nakahawak sa kanyang damit.
"Of course we will! We're not going to give-up, this is not the end." Sagot ni Cynah sa kaklase.
Habang abala ang lahat, tahimik na nagmamasid si Sakura sa kanilang paligid. Bigla silang nagsigawan at nagpanik nang marinig nila ang malalakas na kalabog mula sa labas. Unti-unti na nang pwinepwersang buksan ang pintuan ng kwarto. Ang ibang mga babae ay mahigpit na nakayakap sa isa't-isa, ang mga lalake nama'y kanya-kanyang hawak ng kahit anong gamit na maari nilang magamit bilang armas.
Kahit na marami nang naririnig na tanong at reklamo sa kanya ang mga studyante, pinilit niya pa rin huwag silang pansinin. Marahan niyang itinaas ang kanyang dalawang kamay na tila mayroong iniaabot sa itaas. Napangiti siya nang mayroon siyang nakapa, katulad ng kanyang inaasahan. Mariin niya itong hinawakan at pwinersang hatakin palabas. Natahimik ang lahat nang makita nilang mabuksan ni Sakura ang isang lagusan.
"Hindi ko alam kung saan papunta ang lagusang ito, pero sa sitwasyon natin ngayon, lahat ay kailangan nating subukan para makaligtas." Wika ni Sakura. Lahat ay nabigyan ng pag-asa na makaligtas, ngunit hindi nila inaasahan ang mga susunod na binitawang salita ng guro.
"Hindi maaring sumama ang lahat. Kailangan nating hatiin ang grupo, dahil kung mahahalata nila tayo, maaring hindi sila tumigil hanggang hindi tayo nahahanap." Seryosong wika ng guro. Lahat ng studyante ay nagkatinginan sa isa't-isa, hindi nila alam kung sino ang pipiliin nilang tatakas at magpapaiwan.
"Ako. Magpapaiwan ako." Buong tapang na wika ni Keiffer, kaya naman napatingin sa kanya ang iba niyang mga kaklase.
"Ako rin." Tugon nila Rence, Aeron, Alfheim, Travis, Jassie at Julieanne.
BINABASA MO ANG
Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)
Horror"How can we make this world better?" St Venille High just got blooder! A fresh batch of students got enrolled in the 6th class. In the bizarre world of St. Venille, are you ready to unfold its darkest mystery? Once you're in, there's no turning back...