CP40:The Last Straw (2.2)

31.5K 1K 782
                                    

Huminto ang isang kulay puting van sa harap ng bahay nila Mr. Lim. Napangiti't nabuhayan sila ng loob nang makita ang isang pamilyar na mukha. Siya ay walang iba kung hindi si Ms. Princess Estibal, ang isa sa kanilang guro sa St. Venille. Maligayang kumakaway ito sa kanila mula sa ibaba. Hindi napigilan ng mga studyante ang kanilang pagkasabik kaya nama'y nagunahan ang mga 'to sa paglabas ng bahay.


"Miss Prince!" Magalak na sigaw ni Hiroshi habang todo ang kaway sa guro.


"Cess!" Sigaw ng guro. Halata sa kanyang mukha ang pagkagalak sa muling makita ang mga studyante. Hindi niya rin napigilan ang kanyang mga luha na tumulo. Hanggang balita lang ang naririnig niya sa mga nangyare rito, kaya naman todo ang pag-aalala nila sa mga 'to. Siya ang nagsilbing mata ni Zero at Sakura sa loob ng paaralan habang wala ang mga 'to rito.


Mabilis niyang isa-isang pinapasok ang mga bata sa loob ng van. Pinili namang bumukod ng sasakyan si Mr. Lim kasama ang kanyang pribadong driver. Sumakay sila sa sariling kotse ng matanda. Bago umalis, napatingin siya sa isang litratong nakaipit sa gilid ng salamin. Bahagya siyang napangiti nang muling masaksihan ang kanilang litrato nila Xian at Hazel na magkakasama.

Dumiretso sila sa isang opisina ng matalik na kaibigan ni Mr. Lim. Hinayaan lang nilang ang matanda ang pumasok rito, halos kalahing oras din namalagi ang matanda sa loob, kaya naman hindi maiwasang mainip ng ibang mga studyante sa paghihintay.


"Ma'am Estebal, ano pong ginagawa ni Mr. Lim sa loob ng building na 'yan?" Tanong ni Sunshine habang nakaturo.


"Mayroon lang siyang importanteng taong kinakausap. Huwag kayong mag-alala, kung sino man ang kinakausap ni Mr. Lim, alam kong matutulungan nila tayo." Wika ng guro.


"P-Pero paano naman po tayo roon nakakasiguro? Hindi ba't ilang beses na tayong naloko." Nag-aalangan na wika ni Sarah.


"Sa mga oras na 'to, wala na tayong magagawa kung hindi tumanggap ng tulong at magtiwala. Kailangan nating maging maging bukas sa mga posibleng tulong na maari nating makuha mula sa ibang tao. Mahirap mang isipin, pero hindi natin kakayanin kung tayo lang ang aaksyon. Lubhang mapanganib at makapangyarihan ang mga Mendoza. Kaya ka nilang linlangin at paikutin nang hindi man lang nagkakadungis ang kanilang mga kamay." Paliwanag ng guro sa dalaga. Nagbuntong-hininga lang si Myler at napapout.


"K-Kumusta na kaya sila Ma'am Sakura at Sir Zero? Yung iba nating mga kaklase, maayos kaya ang mga kalagayan nila? Sana naman.. sana.." Nag-aalalang bulong ng dalaga. Napangiti si Hiro't unti-unting inakbayan ang dalaga.


"Huwag kang mag-alala, nakasisiguro akong okay sila." Tugon ng binata. Napatingin si Myler sa mga mata nang binata, ngunit nang tignan din siya nito, pinili niyang umiwas. Napangiti't napailing lang ang binata dahil dito.


"Myler, kung ano man ang iniisip mo, itigil mo na 'yan. Hindi maganda 'yan. Tandaan mo, kahit anong mangyare, hindi kita papabayaan. Hindi ko hahayaang saktan ka nila, kahit na si Mayumi pa makaharap ko." Bulong ng binata sa dalaga, pagkatapos ay dahan-dahang humalik siya sa noo ng dalaga.


"I'm excited for this fight." Wika ni Cynah habang abala sa pagtingin ng mga litratong kanyang nakuha gamit si Iris. Napapout at bigla siyang tinabihan ni Cheska dahil sa kanyang sinabi.


"B-Bakit mo naman nasabi 'yan? Hindi ka ba natatakot." Tanong ng dalaga sa kaklase. "Hindi." matipid at diretsong sagot ni Cynah, kaya naman agad napahanga ang dalaga sa katapangan ng kaklase.


"Look at these pictures. We've been through bloody hell before we get here. It took a lot of bloodshed before we can finally reach our haven, there's no backing down. To live or not to live, I'll fight with all my might. It's time for my guts to be the catalyst in this fight, in that case, justice will be served." Malamig na wika ni Cynah habang pinapakita sa kanyang mga kaklase ang madudugong litratong nakuhanan niya.


Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon