Nagsimula nang mag-lakad ang magka-kaklase. May sari-sarili silang hawak na flashlight bilang gabay nila sa madilim at makipot na daan. Tanging ang ilaw lamang ng kani-kanilang hawak na flashlights at buwan ang tanging nagbibigay liwanag sa kanilang dinaraanan. Napahawak si Venice sa kanyang katabi nang bigla siyang nakarinig ng tunog ng sirena. Hindi tio sirena ng ambulansya o kung anu pa man. Sirena ito ng pulis, nakati nilang papunta ito sa direksyon nila kaya agad itong pinara ng binatang si Red.
Red:"Help us!" Sigaw niya habang winawagayway ang dalawang kamay habang hawak ang kanyang dalang flashlight. Laking tuwa at pasasalamat ng limang studyante nang makita nilang huminto ito saa tapat ng kanilang kinatatayuan. Bumaba ang isang lalakeng nakauniporme ng isang pulis.
:"May problema po ba?" Nagtatakang tanong sa kanila ng nakaunipormeng pulis.
Red:"Yes! You need to help us! Tulungan mo kami officer!" Sabik niyang sagot sa lalake.
Blake:"Mayroong gustong pumatay sa amin. Tulungan niyo kami." Wika ng binata.
Nadine:"Galing po kami sa Villa Des Monyos, alam niyo ho ba yun?" Singit na tanong ng dalaga. Bigla-bigla na lang kumurba ang isang kataka-takang ngiti sa labi ng pulis. Napaatras si Venice sa kanyang nakita at agad niyang kwinestyon sa kanyang isipan kung dapat nga ba nilang pagkatiwalaan ang pulis na kaharap nila.
:"Sige, sabihin mo pa sa akin kung ano pang mga nangyare." Sambit ng pulis, pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang color blue na notebook at ballpen sa loob ng kotse. Itinuloy ni Red at Nadine ang pagkwe-kwento. Nakaupo si Blake sa gilid, si Venice at JulyAnne dalawang dipa ang layo mula kila Red. Hinawakan ni Venice ang kamay ni JulyAnne at pinisil-pisil ito ng tatlong beses. Bago magsalita, napalunok ng madiin si Venice dahil sa mga tanong na bumubulabog sa kanyang isipan sa mga oras na ito.
Louie:"H-Hindi ko gusto ang mga nangyayare Julyanne." Bulong niya sa kaklase, ramdam mo ang magkahalong kaba at takot sa kanyang boses dahil sa pangi-nginig nito. Napakunot ang noo ni Julyanne sa kanyang narinig at dahang-dahang tumingin kay Venice.
Julyanne:"A-Anong ibig mong sabihin?" Mahina niyang sagot sa dalaga. Mas lalong diniinan ni Venice ang kanyang pagkakahawak sa dalaga nang marinig niya ang sagot nito. Kitang-kita sa mga mata ni Julyanne at matalim at malayong tingin ni Venice sa pulis na kausap ng dalawa nilang kaklase.
Louie:"Wala kong tiwala sa kanya." Malamig niyang bulong sa dalaga. Pagkatapos ay unti-unti niyang iniangat ang kanyang kaliwang kamay na tanging hintuturo lamang ang nanatiling nakabukas. Halata sa mukha ni Julyanne ang pagkagulat, bago pa man ito makita ng kanyang mga kaklase, agad niyang pwinersang ibaba ang nakaturong kamay ni Venice.
Julyanne:"Louie!" Angal niya sa inasal ng dalaga. Napayuko si Venice at napatingin sa madilim na lupa sa kanyang kinatatayuan. Nagbuntong-hininga si Julyanne at agad niyakap ang dalaga.
Julyanne:"Hindi ba't sinabi ko sayo na everything will be alright? Don't worry, siguro matutulungan nila tayo." Pampalubag loob niyang bulong sa dalaga habang hinihimas-himas niya ang likuran ni Venice.
BINABASA MO ANG
Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)
Horror"How can we make this world better?" St Venille High just got blooder! A fresh batch of students got enrolled in the 6th class. In the bizarre world of St. Venille, are you ready to unfold its darkest mystery? Once you're in, there's no turning back...