Tatlong malalakas na katok ang narinig ni Alfheim sa labas habang binabatayan si Astrid. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay ang dalaga. Alalang-alala ang lahat sa kanya, lalo na ang kanyang mga kaibigan na sina Cheska at Jassie. Hindi pa nila malalaman ang kanilang pinagdaanan kung hindi pa isasalaysay ni Rence ang mga nangyare. Hindi pa nagtagal ay tumayo si Sakura sa kanyang kinauupuan. Naghakbang ang dalaga papunta sa direksyon ni Zero at humarap sa binata. Nakalean siya sa table at tila pinagmasdan ng malapitan ang binata sa kanyang mga mata. Tinaas lamang ni Zero ang kanyang isang kilay habang tinitignan din si Sakura.
"Oh, Castaneto, anong problema?" Tanong sa kanya ni Zero. Bahagyang ngumiti si Sakura't napayuko.
"I think this is the time we need fight back, big time." Suhestyon niya sa doktor. Isang walang kaemo-emosyong tingin ang pinakawalan ni Zero. Marahang siyang tumayo sa kanyang kinauupuan at hinarap si Sakura. Hinawakan niya ang dalaga sa dalawang braso ng mahigpit.
"I'm only waiting for you to say that." Seryosong bulong ni Zero kay Sakura na nasundan ng nakatutuwang ngiti sa kanyang labi. Napalihis ng tingin si Sakura dahil dito, may naalala kasi siya sa ngiti ni Zero. Kaparehas ng ngiting nakikita niya tuwing nakakasama niya si Shannah noong high school pa lamang sila.
"M-Moving on.." Excuse ni Sakura at diretsong naglakad palabas ng pintuan.
"Kailangan nating tipunin ang mga studyante, kailangan nating ihanda sila sa mangyayareng laban. Hindi biro ito, magiging madugo't masilamuot ang daang tatahakin natin." Pag-aalala ni Sakura sa kanyang plinaplano.
"We shouldn't be afraid, but the Mendozas should be." Palabang bulong ni Zero.
Dumiretso ang dalawa sa harap ng meeting hall. Nag-ayos si Sakura ng isang mahabang lamesa sa gilid, nilagyan ng upuan at inihanda ang mga kagamitang kakailanganin nila. Si Zero naman ang dumiretso sa kusina, bukod sa paggagamot, mahilig din siyang magluto. Si Sakura sana ang magluluto para sa kanilang kakainin ngayong araw, ngunit nagpumilit ang binata. Sagana ang mga nakahain sa lamesa. Mayroong masasarap na ulam, at pagkatamis-tamis na mga desserts. Hindi pa nagtagal ay ipinatawag na ni Sakura ang mga studyante kay Rence. Agad kumilos si Rence at itinawag ang mga kaklase. Isa sa kanila ang naiwan sa meeting hall para bantayan si Astrid. Nagtetake-turns sila sa pagbabantay, dahil mahirap na maiwan ng kasama si Astrid, lalo na't hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang dalaga.
"Magandang Umaga sa inyo, mahal kong pang-anim na seksyon." Bungad ni Sakura sa kanyang mga studyante. Nagbow agad ang mga kabataan bilang senyales ng paggalang sa kanilang mga nakatatanda.
"Sige, kumain na muna kayo. Alam naming nagugutom na kayo." Wika ng dalaga.
Nagkatinginan ang mag-aaral at halatang ayaw pa kumain. Nagpapakiramdaman dahil nahihiyang sila ang unang kumuha. Kaya naman aliw na aliw si Sakura habang pinagmamasdan ang asaran ng mga magkakaklase.
"Oh, simulan mo na Aeron, nahihiya ka pa eh." Biro ni Keiffer sa kanyang katabing si Aeron.
"K-Keiffer? Ako pa talaga ha? Ikaw na lang kaya, alam ko namang sumisigaw na 'yang mga bulate mo sa tyan." Natatawang sagot ng binata. Nagatawanan ang mga magkakaklase maliban kay Karmina. Nakatingin kasi ang dalaga sa malalaking siopao na nakahain sa gitna. Kinagat niya ang kanyang labi habang nakatingin sa mga 'to, dali-dali siyang tumayo at humablot ng isa. Agad niya rin itong kinagat at napangiti dahil namiss niya ang pagkaing ito.
BINABASA MO ANG
Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)
Terror"How can we make this world better?" St Venille High just got blooder! A fresh batch of students got enrolled in the 6th class. In the bizarre world of St. Venille, are you ready to unfold its darkest mystery? Once you're in, there's no turning back...